“Ano pang hinihintay mo? Kilos na!” Napapitlag ako sa sigaw ni Jocin.“No way!” tanggi ko at ibinato sa lupa ang gulok niyang inabot.
“Anong no?! simulan mo ng maggamas Miss Santiago.”
Gamas? Pagwawalis nga hindi ko ginagawa, maggamas pa kaya?
Seriously? Sa dami ng pwede kong gawing trabaho dito sa hacienda
ito talaga?“Bulag ka ba? Super init kaya!” turo ko sa araw at sa isang ektaryang pinapaggamas niya sa akin.
Sino bang baliw ang mag-papaggamas ng isang ektarya!? E ‘di si Jocin! Mamaya tuklawin pa ako ng ahas, ang tataas kaya nung mga
damo.“Sinasabi mo bang hindi ka susunod?” tanong niya.
“Of course!” sagot ko at umirap.
“Kung ako sa ‘yo Miss Santiago? Kikilos na ako kung ayaw mong masigawan lagi,” banta pa nito, halatang nauubusan na ng
pasensya.“Then shout!” hamon ko. As if namang matatakot ako sa kanya!
Ako? si Shyvana Angelou? Uutos-utusan niya lang? Napahawak siya sa brigde ng ilong niya.
“Miss Santiago, ang bilin ng Papa mo magtrabaho ka at hindi umastang
senyorita,” mariing sabi ni Jocin.“Bakit hindi na lang ikaw ang maggamas?” taas kilay kong tanong.
“I will pay you,” dagdag ko pa. Lalong sumeryoso ang mukha niya. “Hindi ako nabibili, sige na kumilos ka nang makauwi na din tayo.” Pinulot niya uli yung gulok at inabot.
“No. Ayoko!”
“Okay, hindi tayo uuwi hangga’t hindi mo ako sinusunod,” determinadong saad niya.
Napairap ako, basta hindi ako magagamas PERIOD. Sandaling katahimikan ang namagitan sa amin at mukhang hinihintay niya talagang kumilos ako.
“Tumatakbo ang oras Miss
Santiago,” mayamayang sabi niya habang nakasulyap sa kulay itim
na relong suot niya.Sigurado ako mumurahin lang ang relong ‘yon.
“And so?” walang pakialam kong sabi.
So, what? if time is running? Tumatakbo naman talaga ang oras.
“Sige, kung ayaw mo talaga hindi tayo aalis dito at maabutan natin yung white lady sa palayan.”
“H-huh? W-white lady?” He nodded.
“Oo, may nagpapakitang white lady dito tuwing gabi lalo na doon sa punong sinulungan natin kanina kaya nga sinasabi ko sa ‘yong kumilos ka na kung ayaw mong gabihin tayo at
makita pa natin ‘yon kung hindi ka pa mag gagamas d’yan,” paliwanag niya.OMG. Hindi ako naniniwala sa ghost pero nanindig ang balahibo ko sa kwento niya. We’re in province pa naman at usong-uso ang mga ganang kwento. Namutla tuloy ako.
“But I don’t know how to use this?” turo ko pa sa gulok kong hawak.
Kamot ulo siyang lumapit. “Akin na ganto lang ‘yan hawakan mo sa dulo ‘yung damo saka mo tagpasin ng gulok? Gets?”
He showed me how to use it. Madali ko naman itong na gets.
Omy god. Sa sobrang tirik na araw naggamas ako. Take note naka heels ulit ako dahil wala naman akong choice at wala akong extrang
sapatos.Mga two hours na siguro ang lumilipas pero konti pa lang ang
nagagamas ko.“Ang bagal mo naman,” Tumingin ako sa kay Jocin na prenteng nakaupo sa ilalim ng puno habang nagpapaypay gamitang baseball cap niya.
BINABASA MO ANG
Good boy meets Bad girl
Teen Fiction[Published] "Love is a choice." TN: Not edited. © 2017 CrystalineG