Together

1K 45 26
                                    

TANGHALING tapat nasa bahay lang ako with Manang Lou, wala si Jocin dahil may pasok siya at si Biboy naman ay nasa school pa. Nakaupo ako sa salas habang nagpapaypay ng sarili dahil katatapos lang namin ni Manang maglinis ng buong bahay at fiesta bukas.

Mayamaya ay may biglang kumatok sa pintuan.

"Magandang tanghali Lou," bati ng isang babae.

Nginitian ito ni Manang at pinapasok.

"Hello po..." I greeted her and smiled. Medyo may katandaan ang dating itsura niya dahil maraming ng puting buhok.

Pinaupo ni Manang ang bisita.

"Anong sadya mo at naparito ka?" Nakangiting tanong ni Manang.

"Ayy! Iyon na nga Lou ipagpapaalam ko sana ang batang ito na kung pwede maging muse," tukoy sa 'kin ng babae.

Bahagyang nanlaki naman ang mata ko. "Okay lang ba sa iyo ihja?"

"Ako nga pala si Cecil sa baranggay ako nagtatrabaho at ako iyong nakatoka taon taon sa mga paghahanap ng dalagang paparada para sa baranggay."

"Uh..Ako po si Shyvana Angelou, Shy nalang po." magalang kong pakilala at ngumiti.

"Napakaganda mong bata ihja! Kung alam mo lang sa labas maraming kalalakihan ang may gusto sayo! Pero, ihja ayos lang bang kunin ka naming muse?"

Napatingin naman ako kay Manang na nag-aabang ng sagot ko habang nakangiti.

"Huwag ka mag-alala ihja, sagot ng baranggay ang susuotin at magiging aayos mo, ang gagawin mo lang ay ngumiti sa parade habang nakasakay sa float ng baranggay."

So, maeexpose pala ang beauty ko?

"Sana'y pumayag ka ihja.." sabi pa ni Aling Cecil.

"Okay po." pagpayag ko. Kitang kita ko naman ang tuwa nito ganon rin si Manang.

"Naku! Salamat ihja! Kasama mo naman si Jocin siya ang magiging escort mo."

Biglang kumabog ang puso ko sa narinig. My goodness...

"Si Jocin po?" Pakunwaring tanong ko.

"Oo ihja, si Jocin noong taon kasi ay si Jonas at iyong nobya ni Jocin ang pumarada."

"Uh..eh tanong lang po bakit hindi po uli iyong girlfriend ni Jocin ang kinuha nyo?"

"At bakit po hindi si Jocin ang pumarada nong taon?" Dagdag ko pa.

"Ayaw ni Jocin ihja..mahiyain kasi ang batang iyon, at si Aika hindi na siya pwede dahil nakapagmuse na siya bukod dun taga ibang baranggay siya, pero natutuwa talaga ako kay Jocin dahil pumayag siya ngayon,"

"T-talaga po?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napaisip naman ako, totoong nakakapagtaka nga.

Ano naman kayang reason ni Jocin?

"Oo ihja, oh paano bukas ha? Susunduin nalang kita dito dahil maaga kang aayusan"

Ngumiti lang ako at tumango. Nagpaalam uli si Aling Cecil kay Manang Lou bago tuluyang umalis.

****

FIVE PM na nung makauwi si Jocin from school, inaya niya akong mamalengke para bumili ng ihahanda bukas bukod dun ay bagong sweldo siya.

"Ang baho!" Reklamo ko habang nakatakip ng kamay sa ilong. Dumaan kami sa isdaan.

Ughh! Dahan dahan ako sa paglalakad dahil baka bigla akong madulas at maputikan ang maputi kong suot! So, eww, dahil nabili pa ito sa UK ang blouse kong suot para maputikan lang.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon