Awkward

703 36 1
                                    


Walang gustong magsalita saming dalwa ni Jocin.

As in sobrang awkward mabuti na lang ay tumila na ang ulan kaya nakauwi na kami. To think na nararamdaman ko pa rin ang malalambot na labi ni Jocin sobrang nakakawindang!

"Urghh! Please Jocin let me sleep! Umalis kana sa isip ko!" Mygoodness! Madaling araw na pero hindi pa rin ako makatulog!

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umiling-iling. Nababaliw na nga yata ako.

Tumayo ako at lumabas para uminum ng tubig.

"I hate this!" bulong-bulong ko habang nagsasalin ng tubig.

Umiinum nako ng mapansin kong nakaawang yung pintuan palabas. Mukhang nalimutan ni Manang Lou isara kaya lumapit ako dito pero laking gulat ko ng makita dun si Jocin. Nakaupo siya upuang kahoy habang nakahawak ang dalwang kamay sa likod ng batok niya.

"J-jocin.."

"B-bakit gising ka pa?" He asked napansin kung hindi siya makatingin sakin ng diretso.

Lumunok muna ako bago sumagot. "Hmm, hindi ako makatulog." naiilang sagot ko.

Hindi na siya nagsalita nakatingin siya kung saan. "Ikaw Jocin? Uhm bakit hindi ka pa natutulog?"

"Hindi rin ako makatulog...kasi hindi ka mawala sa isip ko."

"Ha?!"

Ramdam na ramdam ko ang tindi ng tibok ng puso ko.

"Sabi ko hindi ka mawala sa isip ko." ulit niya pa at mas lalo akong napatanga.

"B-bakit?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Jocin na para bang nangingiti na at natutuwa sa reaksyon ng mukha ko.

Mygosh!

Bakit kailangan niyang maging honest ng ganito?

"Tinatanong mo talaga kung bakit?"

"O-oo."

"Iyong kanina hindi dapat nangyare 'yun," nahihiyang sabi ni Jocin.

"I know..it was my first kiss." Ang first kiss kung napunta sa isang Jocin Anderson.

"Exactly!" sagot ni Jocin.

Few seconds past binalot kami ng matinding pagkailang at katahimikan.

Tumikhim ako at ibinalik ang tingin kay Jocin. "And now what? besides it's not a big deal."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko kahit ako ay nagulat rin. Omg!
Bigla siyang naging seryoso at ilang segundo akong tinitigan bago siya tumayo.

"You're right! it's not a bigdeal. Sige, matutulog nako..ikaw rin."

**




"Ayos lang ba kayo?" Kunot-noong tanong ni Manang Lou samin ni Jocin habang inilalagay ang mga niluto sa mesa.

"Yes Manang, why po?" Ako ang sumagot at sumulyap kay Jocin na salubong ang mga kilay sa pagbabasa ng hawak niyang libro.

"Napansin ko lang na mukhang parehas kayong hindi nakatulog ng maayos."

Omg! Hindi ko nalang pinanansin ang sinabi ni Manang at nagsimulang kumain. Nasasanay na rin akong kumain ng tuyo, well narealize kung masarap naman talaga lalo na kung may sawsawang suka na may sili and mainit na fried rice.

Dahil dun ay ganadong-ganado akong kumain napansin iyon nila Manang Lou.

"Kain lang ng kain ihja," wika ni Manang habang nakangiti.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon