NAGISING ako sa liwanag na tumatama sa aking magandang mukha.
"Aww." daing ko habang nakahawak sa likod kong nanakit. Pairap akong tumingin sa hinigaan ko. They called it 'papag'. Oh. It's real wala na talaga ako sa mansyon namin.
Naiinis pa rin ako hanggang ngayon kay Papa kung bakit ba kailangan niyang gawin sa akin 'to. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang napili niyang paraan. Dahil mas pipiliin ko pang maglinis ng buong mansyon kaysa tumira sa lugar na hindi ko nakasanayan. Sana pinagwalis na lang ako, pinaglampaso o kaya pinagdilig.
Bumangon ako at nilibot ang paningin. I rolled my eyes. Mas malaki pa yata ang C.R ko sa aming bahay kaysa sa kwartong ito. Higaang gawa sa kahoy with banig instead na foam manlang. Wala ba silang pambili nun?
For sure wala! Duh. Tumingin ako sa cabinet na nasa gilid ng kama, gawa rin ito sa kahoy at sa tingin ko hindi kasya dun ang mga mamahalin kong damit dahil sa sobrang liit. May bintana rin kagaya noong design na nakikita ko sa mga old houses sa Vigan. Puro gawa sa kahoy, plywood at hindi manlang naka-tiles ang floor. At yung bubong nila may maliliit na butas kaya tumatagos ang sinag ng araw. Walang rin silang magandang C.R bukod sa nasa labas ito, gawa sa yero ang pinto. Gosh. Paano nila nakakaya yon? Lumabas ako ng kwarto dala ang aking mga pam-facial tuwing umaga. Wala rin siyang pinto at kurtina lang ang harang.
"Where's the powder room?" tanong ko sa anak ni Manang Lou. Nakaupo ito sa mahabang bamboo chair while holding a Science book.
"Wala kaming powder room," sagot niya na hindi manlang tumitingin. Napairap ako. Asa pa nga bang meron sila nun? Eh, wala nga silang matinong C.R.
"Kumain kana." Napatingin tuloy ako sa pagkaing nasa mesang tinatakpan ng plastic na kulay green .
"No thanks! I won't eat that kind of food," agad kong sagot kahit hindi ko pa nakikita kung ano ba talagang pagkain naroon. Ibinaba niya ang hawak na libro at tumingin sa akin.
"Bahala ka kung ayaw mo kumain, basta ang sa akin lang sinabihan kita. Huwag kang magrereklamo mamayang gutom sa pupuntahan natin."
Tumaas ang kilay ko sa narinig. "So, what? sorry to say pero hindi kasi talaga ako kumakain ng pagkaing mahirap."
"Maligo kana nga."
"I need to wash my face muna. Now, tell me saan ako pwede maghilamos?!"
He sighed. "Ayan yung lababo at may tabo diyan, isahod mo sa gripo at maghilamos ka na!" barido niyang sabi. Tumingin naman ako sa itinuro niya. Lababo? Sink? So, eww. Hindi manlang naka-tiles at sementado lang.
"Ano pang tinutunganga mo? Kilos na!"
"Pwede ba?! Huwag mo akong sigawan! Hindi ako bingi!" gigil kong sabi saka naglakad papunta dun para maghilamos. Yuck! Wala akong choice kundi ang tiisin.
***
"Wala na bang ibibilis yan?" iritado niyang saad habang naglalakad kami.
Napairap ako. Sobrang init at pawis na pawis na ako. Take note naka-dress ako ngayon at heels and naglalakad kami sa gitna ng palayan.
"Ikaw kaya! Maglakad ng naka-heels!" inis kong sabi sa kanyang nauuna paglalakad. Huminto siya at humarap.
"Sino ba kasing may sabing mag-heels ka?"
"A-ako," napapahiyang tugon ko. Kainis!
"Oh, 'yun naman pala e kaya tama na ang reklamo."
"But you never told me na gantong klaseng lugar ang pupuntahan natin."
"Hindi ka naman nagtanong," sagot niya.
BINABASA MO ANG
Good boy meets Bad girl
Teen Fiction[Published] "Love is a choice." TN: Not edited. © 2017 CrystalineG