Inlove?

667 38 2
                                    

RIGHT! RIGHT! I should stop and should forget this feeling dahil wala naman itong patutunguhan. Because after nito aalis din ako at pupunta sa ibang bansa with Sunny pagkatapos ng birthday ko dahil iyon ang deal namin ni Papa.

(Sino namang may sabing walang patutunguhan yan?)

God! I almost forgot kausap ko nga pala si Sunny.

"Kasi nga aalis rin tayo, so what for?"

(My point is it's not easy to forget Shy, gusto mo siya at wala namang masama dun kahit aalis ka.)

"Hindi mo ako naiintindihan e.." sabi ko at humingang malalim.

(Then paintindi mo.)

Napapikit ako at inis na nagbuga ng hangin. "I don't know talaga Sunny, ilang beses ko ng sinabing titigilan ko na tong nararamdaman ko, but when he near or nandyan na siya nawawala na yun sa isip ko and i hate myself dahil hindi ko matupad ang sariling salitang binitawan ko."

Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga niya. (Wag mo kasing pigilan, alam mo ba yung kasabihan na kapag pinipigilan mas lalong nanabik? mas lalo kang mahihirapan sa ginagawa mo kahit pwede namang padaliin nalang.)

Napanguso ako ng bahagya habang nilalaro ang dulo ng buhok ko sa daliri. "I understand but bakit ganon? Gusto ko lang naman siya? Pero parang ang hirap hirap ng iwasan?"

Ilang segundong nanahimik si Sunny sa kabilang linya. (Iisa lang yan e, I think you're inlove.)

"WHAT?!" halos mapalakas talaga ang boses ko sa sobrang gulat.

"NO WAY!" sabi ko pa. Hindi ko alam dahil ang weird na natakot at kinabahan ako sa sinabi ni Sunny.

(HAHAHAHAHAH!)

"It's not funny!!!" sigaw ko pa.

(You're in love!!! Yiee omygosssh! I can't believe Shyvana Angelou Santiago is in love!!!)

"NO!!!!"

(Ayieee In love!!!! Hahahah)

"STOP TEASING ME!!! SABI NG HINDI NGA AKO IN LOVE EEHHHH!!!!"

"Sinong kaaway mo dyan!? At sigaw ng sigaw ka?"

Muntik ko ng mabitawan ang cellphone sa gulat kay Jocin. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin.

"J-jocin.." utal kong sabi.

Omygosh! Ano bang ginawa ko?

Kasalanan mo to Sunny!

(Hey! Are you still there?!)

"I'll call you again bye Twinny.." sabi ko kay Sunny at muling humarap kay Jocin.

"Ah..that...it's Sunny.." sagot ko at hindi makatingin sa kanya.

"Next time pwedeng wag kang basta sigaw na sigaw, gabi na at bukod dun rinig na rinig ko ang boses mo sa kwarto ko at marami ng natutulog."

"What!!!?" gulat na gulat kong sabi at bumilis tibok ng puso ko. OMG!!! Katapusan ko na ba?

Don't tell me...

Narinig niyang siya pinag-uusapan namin?

"Bakit? May problema ba?" He asked.

"M-may narinig ka ba talaga?" Kinakabahan kong tanong.

Ngumisi si Jocin at tinignan akong maigi.

"Yes, I heard you're in love."

DAMN! KILL ME NOW!!

Matagal bago ako natauhan.

"H-hindi ah!" tanggi ko.

"Nautal ka pa," sabay ngisi niya.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon