Girlfriend

674 42 12
                                    

"Kyaaaah!!!"

"Goooo! Jocin!!!!"

Halos takpan ko ng dalwang kamay ang tenga sa sobrang ingay nung grupo ng mga babae.

"Ang guwapo mo!"

Tch! Okay Jocin ikaw na ang hearthrob!

Duh!

Napairap ako sa hangin at tahimik na nanuod.

Ilang minutes ang lumipas ay tumigil sila sa paglalaro.

"Hi, Angel." bati ni Jonas ng lumapit.

"What?!" masungit kong sabi.

"Uy! Hahah! Sorry"

"Whatever.." tumingin naman ako kay Jocin na salubong ang kilay.

Tch! Bakit ganito to' makatingin!?

"Woi! Angel pansinin mo naman ako." napakurap kurap ako ng marinig ang boses ni Jonas. Nakakainis to!

"Why!? What do you want?!" naiinis kong sabi. Ayoko sa lahat ay makulit.

"Hala, ang sungit mo."

"Don't talk to me okay!"

Napakamot siya sa ulo at umalis sa harap ko. Lumapit siya dun sa mga grupo ng babae at kumaway. Nagsigawan naman ang mga ito.

Kung sabagay Jonas is good looking like Jocin. But magkaiba pa rin sila kung si Jocin mahilig manigaw pagnaiinis. Si Jonas naman sobrang kulit. At mas gwapo pa din si Jocin!

Wait! Bakit ko nga ba sila pinag-co-compare!? Speaking of Jocin.

Papalapit siya sa'kin. Napalunok ako dahil sa tingin niya.

Nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka.

Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko bumagal ang oras at siya na lang ang nakikita ko. Wala akong ibang nararamdaman kundi ang mabilis na kabog ng puso ko.

Wala sa sariling napahawak ako sa parteng dibdib.

"Bilib ako sayo mula hanggang duon hindi na alis ang titig mo."

Shoot!

"Hah?" Kumurap-kurap ako.

Nginisian ako ni Jocin habang nagpupunas siya ng pawis at dun ko lang na realize ang sinabi niya! OMY GOD Shy!!!

Nakakahiya ka!

"Ayos ka lang?" Nakangiting tanong niya.

Lunok. Ngiti. "O-oo naman." naiilang kong sagot dahil umupo siya sa tabi ko at nagpatuloy sa pagpupunas.

Err. Bakit ba ganto nararamdaman ko!?

"Uhmm...Jocin."

Humarap si Jocin at inabutan ko ng tubig.

"Salamat." pinanuod ko siyang uminum.

"Kanina ka pa ah." biglang sabi niya.

"Nakakahalata nako." then he smirked.

"What do you mean?" kinakabahan kong tanong.

"Kanina ka pa titig na titig sa'kin." aniya habang nakangiti.

Halos manlaki ang mga mata ko at mabilis na tumingin sa ibang direksyon.

Omygod!

"N-no way! Ang assuming mo huh!?"

Tumawa siya. "Obvious na! indenial pa!"

"Err! Duh I'm not! Ang feeling mo!" Maarte kong saad at inirapan siya.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon