Wrong Move

386 16 1
                                    

Have you ever experience to love someone?

Pero yung someone na 'yon may mahal ng iba?

At kahit alam mong ganun minamahal mo pa rin? Dahil yun ang sinisigaw ng puso mo? Kahit sa loob mo para kang sinasaksak ng paulit-ulit?

Tandang tanda ko pa ang sarili ko nun. Before I came her in Quezon. Ako yung Shyvana na allergic sa salitang love. Ayoko kasing maranasang umiyak ng dahil sa lalaki.
Siguro nga takot ako bukod dun hindi ko naman talaga priority ang magka-lovelife dahil mas gugustuhin ko pang makipag-away sa school, mangopya, pasakitin ang ulo ni Papa sa mga kalokohan ko, magpaganda, magshopping, magwaldas ng pera kaysa ma-involve sa salitang love na 'yan. Mas steady ang buhay kapag ganun ang tanging pro-problemahin ko lang ay kung paano magso-sorry kay Papa.

Pero noong mapunta ako sa Quezon at makilala ko si Jocin. Nagbago na ang lahat.

Kahit wala sa plano, bigla kong naranasan ang mga bagay na ayoko. Mga bagay na hindi ko na-imagine na mangyayare at gagawin ko kagaya ng tumuloy sa isang eskwater area, matulog sa matigas na papag, maggamas ng damo, mabilad sa tirik na araw, tumulong sa pag-aani ng prutas, maglinis sa hacienda, makisama sa mga tauhan, kumain sa isang karinderya, sumakay ng tricycle at jeep, pumuntang perya, mamalengke, kumain ng street foods, magsuot ng mumurahing damit, pumarada sa fiesta ng baranggay, sumali sa pageant at manuod ng liga.

Ako si Shyvana Angelou? Maganda, makinis, maputi, sexy, mabango, mayaman, maarteng proud at anak ng senador ay naranasan ang lahat ng 'yan?!

Higit sa lahat ang magka-crush, magka-gusto at ma-in love sa isang lalaking mahirap pero ubod ng bait, gwapo at sipag kahit madalas nakakainis at naninigaw.

Si Jocin Anderson o EP a.k.a Mr. Dimple, ang unang lalaking tinuring kong inspirasyon.

Ang lalaking naging daan para baguhin ko ang sarili ko at gustuhing maging mas mabuting tao.

Jocin is like an angel siguro kung hindi ko siya nakilala. Malamang ako pa rin 'yung dating Shyvana---yung na nabubuhay lang at walang direksyon.

Pero sa kanya ko rin unang naranasan kung paano magmahal, kiligin, matuwa, ma-excite at higit sa lahat ang patuloy na mahalin siya kahit may girlfriend na dahil ganun naman talaga ang love, diba? May choice tayo pero marami sa atin ang pinipili ang isang daan kahit na masakit---kagaya ko.

"Ikaw talaga love, bakit ka naman nagpakalasing ng ganun? Mabuti na lang nandiyan si Angel at inalagaan ka niya," si Aika habang palabas na kami ng hacienda.

"Sorry, hindi ko alam na ganon pala kalakas yung Malyari (alak) nila Ka Austin," natatawang sabi ni Jocin. "Huwag kana magalit, okay?"

"Hay, ano pa bang magagawa ko pero next time hinay hinay lang ha?" sabay ngiti ni Aika. Ngumiti rin si Jocin at hinawakan ang kamay niya.

Tignan ko silang dalwa at malungkot na napangiti.

Nakauwi na kami ng bahay pero naroon pa rin si Aika. Kasama namin siyang kumain ng almusal. Pagkatapos kumain ay nagtungo ako sa kwarto para matulog, wala na rin naman akong gagawin dahil hindi kami ngayon pupuntang hacienda.

Bandang alas-kwatro ng magising ako. Nakaupo ako papag at nakasandal sa wall habang nagsusulat sa diary ng biglang pumasok si Manang.

"Ihja, may bisita ka." wika ni Manang habang nakangiti

Napatayo ako at sumilip sa labas. Kumunot ang noo ko ng makita ko si Jonas sa salas. Bihis na bihis siya habang nakaupo at may hawak na chocolate at tatlong rose.

Bahagyang nanlaki ang mata ko sa naisip. Itinabi ko muna ang diary sa bag bago tuluyang lumabas.

"Hi, Angel!" masiglang bati ni Jonas ng makita ako.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon