Friends

915 41 12
                                    

"Araaay!!! Ep!!!" Reklamo ko pero mukhang bingi itong si Jocin at ang higpit higpit ng hawak niya sa braso ko.

"Urghh! What's your problem ba?!" Sigaw ko nang huminto kami at bitawan niya dito sa may parking lot ng mall.

Ang sakit ng braso ko and namumula na! Nakakainis!

"IKAW!!" Sigaw niya na kinahinto ko.

I was freeze for the moment at natauhan lang ako ng muling magsalita siya.

"Ano ba talagang gusto mo Miss Santiago?"

"W-why ba? G-gusto ko lang naman mag-mall?" Nauutal ko pang pagsagot at umiwas tingin.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Tssk! Pwede ba sa susunod Miss Santiago, magpapaalam ka kung aalis ka! alam mo bang nagtext si nanay na wala ka sa bahay kaya nagulat akong nandito ka!"

"Duh! Wala akong number mo and who are you para ipaalam ko kung saan pa ako pupunta besides hindi kita boyfriend. So, stop over reacting." maarteng saad ko at umirap.

"Hindi mo ba talaga naiintindihan Miss Santiago? wala ka sa Maynila at isa pa hindi mo alam mga pasikot-sikot dito, kung maligaw ka? Saan kita hahanapin ha?"

Bigla akong natulala kay Jocin habang nagsasalita. Omygosh! Yung heartbeats ko MAS bumilis. "Gusto mo bang mamatay ako sa pag-alala, kung mawala ka?"

"W-what???" I asked while looking at his eyes pero sa isang saglit ay mukhang nagulat din siya sa sinabi niya.

"Ang ibig ko sabihin, kami ni nanay samin ka binilin ng papa mo kaya pananagutan namin kapag may nangyareng masama sayo" paglilinaw niya at nag-iwas tingin.

Lihim akong napangiti.

"Anong nginingiti mo?" Halos mapatalon ako sa gulat sa tanong ni Jocin.

OmyGiii.

"Nah! I'm not smilling!" Pagtanggi ko at naunang maglakad pakiramdam ko nakangiti siya sa likudan ko.

"I'm hungry Ep, look what you did to my order natapon ang fries kakahigit mo sakin." sabi ko at ipinakita ng box ng fries nakokonti nalang ang laman.

"Ibibili nalang kita." sagot niya.

"Why?" Taka kong tanong ng mapansin kong nakatingin siya sa braso ko at agad ko naman iyon itinago sa likod.

"Patingin nga." napatitig lang ako kay Jocin ng kunin niya ang braso kong namumula pa rin dahil sa pagkakahawak niya kanina.

"Masakit pa ba?" Worried niyang tanong, medyo parang minamasahe niya ang braso ko.

"H-hindi na." Nauutal ko pang pagsagot. My godness! What's happening to meee?

Dahil sa sobrang ilang ko ay inalis ko iyong braso ko sa pagkakahawak niya.

"Diba may work ka pa? Bakit hindi ka pa bumalik doon?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Tara, hintayin mo na rin ako." nginitian ako ni Jocin.

"Sure and treat me na rin dahil natapon itong binili ko."

"Mamaya na matatapos na rin naman ako before seven."

"Ang tagal pa kaya kahit fries lang paltan mo ito." bakit ba ang hirap niya?. Hay! Nakakaistress.

"Tch! Oo na Miss Santiago." parang napilitan niya pang sagot. Bumalik na uli kami sa mall habang ako ay naupo lang sa isang side at kumakain ng fries at sinamahan pa ni Jocin ng burger and float, pinapanuod ko siyang mag-service sa mga customer at may pagkakataong tumitingin siya sakin and the worst saktong nakatingin ako sa kanya at dinadaan ko nalang iyon sa ngiti. Nakakahiya. I can't help myself to look at him. Well, sa mga naging past crush ko naman hindi ako ganito. Napapa-smile lang ako pagnakikita ko sila but compared to Jocin it's different.








"You didn't tell me na pumapasok ka pa lang school?"

"Nawala sa isip ko." sagot niya habang ngumunguya, poor Jocin. Nakaka-apat na siyang carbonara, We're here in Aling Delia eatery and special nila dito ang carbonara bukod sa mga meals. Dito niya ako dinala after ng work niya.

Napangiti ako habang pinapanuod siyang kumain. "Alam mo Miss Santiago kung may bayad lang ang pagtitig siguro mayaman nako."

"Ha?" Then ilang segundo lang ay narealize ko ang tinutukoy niya.

Haalaaaa!

Agad akong nag-iwas tingin and feeling ko namumula iyong cheeks ko. OMG! "Duh! So, kapal!" Pagtanggi ko.

He laughed. "Kotang kota kana."

WAAAAH!!!

Dahil sa tawa niya parang hinigop uli ang mata ko pabalik muli ng tingin kay Jocin.

"Err! Stop teasing me! It's not funny!"

Ngumisi lang siya at bumalik ulit sa pagkain.

Nag-focus nalang din ako sa food  at maya maya lang ay naisipan kong magtanong uli.

"Hmm, Ep saan ka pumapasok?"

"**** University bakit?" Sagot niya at parang ba sinasabi na 'why so interested Miss Santiago?' DUH! I'm just curious.

"College?"

"Oo, Psychology graduating."

"Oh! How old are you na ba?"

"Nineteen."

I laughed. "Ang tanda muna pala."

"Anong nakakatawa don?" Tila naiiritang tanong niya.

"Well, I thought kasi ka-age kita lang but you're nineteen na."

Umiling-iling lang siya na para bang na eewan sa sinasabi ko.

"Dapat pala kuya tawag ko sayo,what do you think kuya Jocin?" Nakangiting tanong ko at kumindat.

Sinamaan niya ako ng tingin.
"No! We're not siblings!" Masungit niyang sagot dahilan para matawa ako.

"Pikon, I'm just kidding hindi talaga kita tatawaging kuya duh! I prefer to call you Ep "

"Bahala ka." masungit pa rin niyang sagot.

I chuckled. "Ilang taon kana ba Miss Santiago." siya naman ngayon ang nagtanong.

Mga ilang seconds pa akong na shock bago sumagot. "Seventeen."

"Bata." iyon nalang sinabi niya at sumubo na uli ng carbonara.

"Urgh! Dalaga na ako hindi na ako bata." inis na sabi ko. Duh! Sa tangkad at sexy kong ito BATA!?

Nginisian niya ako na para bang siya naman ngayon ang nang-aasar. "I hate you!" Sabi ko sabay irap.

Matapos kumain nagdecide si Jocin na maglakad nalang daw kami pauwi, nag-offer na nga akong sumakay kami pero tumanggi siya.

"Miss Santiago, sorry sa nagawa ko sa braso mo." sabi niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

"Miss Santiago pa rin ba?" Nakangiting tanong ko at natigalan siya.

"What I mean Jocin you can call me Shy naman e."

"Pe---"

"Come on Jocin, call me Shy." sabi ko.

"No, unless we're friends." parang naiilang na sagot niya. Napairap ako sa hangin sa kaartehan niyang taglay.

"Then friends." sabay lahad ko ng kamay.

Tinignan niya iyong kamay ko.
"Come on Jocin you're so arte rin pala e."

"Okay, friends " sagot niya at ayon parang may elecrticity na dumaloy sa buong palad ko ng tanggapin niya ang kamay ko.

_____

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon