EPILOGUE

593 21 12
                                    

"Kumusta na ang unica iha ko?" malambing na tanong ni Papa mula sa kabilang linya.

Napangiti ako at mas lalo siyang na miss. Ilang buwan na ang lumipas nang huling bumisita si Papa dito sa New York. Every three months siya kung magpunta rito at one week siyang nag-sstay. Maigsing panahon ang isang linggo, kung pwede nga lang na dito na rin siya kasama ko, kaso marami siyang kailangang unahing obligasyon sa bansa bilang Senador.

"I'm doing great Papa," proud kong sabi habang inaayos ang lupi ng uniform ko sa braso.

"Did you see my report card?" excited kong tanong.

"Yes, iha. Ang tataas ng grades mo. I'm so proud of you."

"Thank you Papa... I miss you po."

"I miss you too iha. Anong gusto mo?"

"Reward ba 'yan Papa?" nakangiting tanong ko.

"Yes, for my unica iha."

"Papa, huwag na. Ang dami ko na pong damit at sapatos," Narinig kong natawa siya.

"Hindi na nga po magkasya sa closet ko rito," dugtong ko habang natatawa.

"All right iha, basta mag-iingat ka diyan."

Napalingon naman ako sa gawing pinto ng kwarto nang bumukas 'yon at sumilip si Sunny.

"Twinny, let's go na!"

Tumango ako at nagpaalam na rin kay Papa. Kinuha ko ang shoulder bag ko sa study table at sinakbit 'yon bago lumabas.

"Omygosh! Twinny!"

Napalingon ako kay Sunny, at sinundan ang tinuturo niya, isang lalaking naka-jacket at nakaupo sa likod ng gray na Hillux.

"Sino kaya siya? Ngayon ko lang siya nakita dito?!" She gigled and blushed.

"N-new neighbor, I think?"

"He's handsome, no?"

I chuckled at muling binalik ang tingin sa lalaki. Nakatitig ito sa phone niyang hawak at mukhang malalim ang iniisip. He's tall and yeah...good looking. Blond ang hair niya though hindi naman siya mukhang may lahi, may suot rin siyang earings. Actually, he looks cool!

"Twinny, you think may girlfriend na siya?"

Nagkibit-balikat ako at tinignan ulit ang lalaki. My smiled faded nang mapansing ang lungkot ng mukha niya.

"We should go na baka malate na tayo sa class," baling ko kay Sunny.

Napatakip naman siya sa bibig. "OMG. Oo nga pala!"

Nakarating na kami ng University, five minutes before mag-start ang unang klase, bukang bibig pa rin ni Sunny 'yung lalaki kanina. Tumigil lang siya nang dumating na ang aming professor.

I was taking down notes when I recieved a text messages from him.

'Kumusta kana? Dean lister ka raw sabi ni Senator. :)'

'Hmm... miss kana ng mga damo sa hacienda n'yo, tabasin muna daw sila Misss. Santiago.'

Napangiti ako at mahinang natawa.

'You! You missed me lang, no?'

I replied. Gosh. Gagawin pang reason ang mga damo. Si Jocin talaga.

'Sobra :)'

Nakangiting napailing ako at nag-compose ng message.

"I miss you too. See you soon Pretty boy! Yes. I'm Dean Lister! :P Take care.'

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon