Point

273 13 2
                                    


"Anong nangyare? Bakit basang-basa kayo?" takang bungad ni Manang Lou nang makauwi kami ni Jocin.

"Ate ganda! Kuya!"

"Iha, bakit ka umiiyak?" nag-alalang tanong ni Manang.

Pilit ngiting umiling ako at pinunasan ang luha.

"Excuse me po..." sabi ko at tuloy-tuloy na pumasok ng kwarto.

"Jocin, anong nangyare?" huling tanong na narinig ko mula kay Manang.

***

Sunod na araw. Nagising akong pugto ang mata. Bumangon ako at inaayos ang kama nang marinig ko ang boses ni Manang Lou.

"Iha..." tawag niya.

Napaiwas tingin ako kay Manang. Gosh. Halatang-halatang umiyak ako.

"Iha, naiintindihan kita..." Napayuko ako sa hiya mukhang alam na ni Manang. "Sinabi sa akin ni Jocin ang lahat," dugtong niya.

Namula ako at mas lalong napayuko. Hindi ko kayang tignan si Manang. Lumapit siya sa tabi ko at bumuntong hininga pareho kaming nakatanaw sa mga batang naghahabulan sa labas ng bahay.

"Mahal ko ang tatay ni Jocin..."

"Pero hindi pwede..." doon lamang ako napaangat tingin kay Manang. Kumunot ang noo ko sa pagtataka habang siya'y malungkot nakatitig sa isang batang lalaki na siyang taya sa habulan at hinahabol niya ang mga kalaro.

"Kaya naiintindihan kita iha..." sabay ngiti niya at hinawakan ako sa kamay.

"Nabanggit ko na sa'yo ito noon. Si Fred ang tatay ni Jocin. Mayor siya sa kabilang bayan.. hiwalay siya sa asawa niya ng magkaroon kami ng relasyon at nabuo si Jocin. Mahal ko siya... pero hindi sapat ang pagmamahal na 'yon. Mahal pa rin ni Fred si Gina, kaya wala akong naggawa kundi ang tanggapin."

Napalunok ako nang tumulo ang luha ni Manang at agad niyang pinunasan 'yon. "S-sinasabi ko sa'yo 'to iha... dahil gusto kong malaman mo...na minsan mahirap kalabanin ang pusong sa una palang ay may pinili na...." makahulugang sabi ni Manang at marahang ngumiti.

"Si Aika at Jocin. Pareho silang lumaki na hindi buo ang pamilya. Saksi ako kung paano sila naging magkaibigan hanggang sa nagkaroon sila ng relasyon...at nasaksihan ko rin 'yon sa ama ni Jocin at kay Gina...noong mga panahong hindi pa sila naghihiwalay...kaya mas madali kong naunawaan ang lahat."

"Mahirap tibagin ang pag-ibig ng totoong nagmamahal... at palaging parte nito ang posibildad na mabigo sa dulo.

Gayunpaman, nagpapasamalat na lang ako sa diyos dahil kahit papaano nalampasan ko ang pagkabigong 'yon. Ang anak kong si Jocin ang naging lakas ko..."

"Sapat na sa akin na kinikilala siyang anak ni Fred at mahal siya nito bilang isang anak."

"Iha, naiintindihan ko ang pagtingin mo kay Jocin. Hindi kita masisi kung nahulog ang loob mo sa kanya.

Mabait kang bata.... at huwag mo sanang masamain...pero naniniwala akong darating ang panahon makikilala mo rin ang lalaking nakatakda para sa 'yo."

Naiiyak na tumango ako hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ni Manang Lou.

"Hihintayin ko ang araw na 'yon iha at isa ako sa mga unang taong magiging maligaya para sa'yo."

Humiwalay ako kay Manang at umaagos ang luhang tumingin. "Manang tingin mo mangyayare 'yon?"

Marahang tumawa si Manang Lou habang pinupusan ang luha ko.

"Syempre, ikaw talagang bata ka..."

Nginitian ko si Manang kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko sa mga narinig bukod sa unti-unti ng nagiging malinaw sa akin ang lahat.

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon