Perya

701 40 7
                                    

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto at nakatitig kung saan.

"So what now Shy!  Eh ano naman ngayon sayo kung hindi ka nga niya gusto? You should be glad because that's the reason to stop liking him." sabi ko sa sarili.

Pinagsiklop ko ang dalwang braso at napairap. "Right, but honestly it's not good to hear na Jocin don't like me, nakakainis talaga!"

"Miss Santiago!" Halos mapatalon ako sa gulat ng lingunin si Jocin na nakasilip sa kwarto. Hindi ko malaman kung paano magrereact. OMG! Did he hear kaya?

"Y-yes?" Kinakabahan kong tanong at napalunok.

"Bakit hindi ka pa matulog?" He asked.

"Hmm, may hinihintay akong tawag." tukoy ko kay Sunny.

Nagsalubong naman ang kilay niya. "Kaninong tawag?"

"To my friend Sunny."

"Sige." sandali kong tinitigan si Jocin ng maalala ulit na hindi niya ako magugustuhan.

"Jocin.."

"Bakit?"

"I hate you!" diretso kung sabi at umirap.

"Huh?" Kunot-noo niya akong tinignan.

"Wala!" Inis kong sabi at naupo sa higaan. Mga dalwang hakbang lang ang pagitan namin.

"May problema ba?"

"Err. Wala nga!" sagot ko kahit sa kailaliman ng kaluluwa ko nakakainis talaga siya. I'm Shyvana Angelou Santiago, beautiful, rich, tall, sexy and skinny! But! Why? Bakit hindi niya ako gusto?!

Tsk. Bakit nga ba ako nagkakaganito? First of all naman hindi ko hinihiling na magustuhan nya pero mygod ngayon?

"Mukhang inis na inis ka, sige na ano bang problema?" Sumandal siya sa gilid nung kurtina habang naka-cross arm saka niya ako tinignan ng diretso sa mata.

"I'm not!" sagot ko at sumimangot. Nakita ko naman na tumaas yung sulok ng labi niya at parang natatawa.

"Why?" Hindi ko napigilan itanong.

Kinagat niya ang lower lip at ngiti-ngiting nagsalita.
"Hmm..napansin ko lang na maganda ka talaga kahit sang anggulo."

Omy!

Narinig ko ang tawa niya at dun ko lang narealize na para akong ewan na nakatitig sa mukha niya.

"Duh! Maganda talaga ako!" Giit ko. In fact kinilig talaga ako!

Tumawa ulit si Jocin. Argh! Why i so handsome in my eyes! Ang gwapo gwapo niyang tumawa! Err! I think i'm crazy!

Napapikit ako at umiling-iling. No! No!

"Miss Santiago!"

Then i opened my eyes. "Ayos ka lang?"

Err! Shy! You look crazy! Umayos ka nga. "Y-yeah, I'm okay."

Sandali niya akong tinitigan tapos sumeryoso. "Gusto mo mamasyal?"

"Where?"

"Sa may peryahan."

"Peryahan? Is that a park?"

Jocin smiled. "No, if you want to know tara pasyal tayo?"

"Sure!" Excited kong sagot.

***

"Jocin ang daming tao." nakasimangot kong sabi habang nalalakad kami. It's so eww din dahil halo halong amoy ang nalalanghap ko and then dumidikit sa skin ko!

Good boy meets Bad girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon