Jill's POV.
Kagigising ko pa lang. Harap sa salamin , hm , wala namang something na tumubo. Maganda pa din naman ako. Punta na sa tapat ng poster ni imaginary boyfriend ko. Ayiiee! :*
" Hi Julian! Good morning! Di ba ang aga aga palang, ang ganda ganda ko na? Bagay talaga ako sayo. Kasi gwapo't maganda tayo. Tas parehas pa tayong magaling sumayaw. Hays. "
Nagulat ako nang biglang may magsalita galing sa pintuan. Ang nanay ko.
" Kinakausap mo na naman yan. Baka mamaya sumagot yan. Halika na dito at naluto ko na ang almusal mo. Baka malate ka na niyan. " Sabi ni nanay.
" Opo nay pupunta na po diyan! " Sigaw ko. " Babye Julian! Kailangan pa kasing pumasok ng girlfriend mo eh. Balitaan nalang kita mamaya? :)) " Bulong ko sa poster ni Julian Trono.
[FastForward..]
Sophia's POV
" Mga sis. Sa tingin mo ba papasok pa si Jill? Ang tagal tagal niya eh. Parating na yun si teacher. Galit pa mandin yun sa late. "
" Nu ka ba naman! Hindi ka pa ba nasanay? Kailan ba pumasok ng maaga si Jill? Hahaha. " Itong si Tricia talaga kahit kailan. Buti pa si Yuri, laging tahimik. :))
Jill's POV
Papunta na ako sa classroom. Nakita ko na sina Tricia, Sophia at Yuri na nasa labas. Iniintay yata nila ako. :))
" Hey girls! " Sigaw ko.
" Hey girl! " Sabay sabay nilang sigaw.
" Akala ko hindi ka papasok. " Sabi ni Sophia. NapakaOA talaga. Hahaha.
" Wag OA! Di ka pa ba sanay na late ako pumapasok? Hahaha. Mamimiss mo naman agad ako kung aabsent ako? " Pang aasar ko sa kanya.
Kinurot niya ako. Grabe talaga tong babaeng toh.
" Hey girl! Tingnan mo si Emman oh, nakatingin na naman sayo. Natotorps yata. Bwahaha. " Makatawan tong lokaret na toh.
" T-talaga Tricia? K-inikilig naman ako! *boogsh* Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang pag-asa sakin ang lalaking yan? "
" Sorry naman! " Nagsorry siya habang hawak hawak niya yung parteng kinurot ko. [FastForward..]
Jill's POV.
Yes! Break na! Kumusta naman tong katabi ko? Si Mr. Caparas. Lagi nalang siyang malungkot na parang BASTA! Hindi ko maipinta ang pagmumukha niya. Infairness, gwapo naman siya. Ayiiee! Hahaha. Kausapin ko nga. Wow huh? Sa tinagal tagal kong katabi tong unggoy na toh, ngayon ko lang kakausapin. Hahaha
" Nico. "
" Bakit?
" Wala lang "
" Wala naman pala. " Wow! Nakakapeste to ah! Masupladahan nga nang makatikim ka naman.
" What do you mean na wala naman pala? Pinamumukha mo bang gusto lang talaga kitang kausapin? Oh c'mon! " Gusto ko naman talaga kausapin. Wahaha. Bakit? Bet ko magtaray eh.
" Bakit, hindi ba? Miss beautiful? " -Smirks
" Ah! Look! Do you want to die? " Sumigaw na ako.
" Girl! Chill lang! Wag mo naman awayin si Mr. Gwapo! Tara na nga. " Singit ni Sophia. May crush kasi siya kay Nico kahit meron na siyang Nikko.
" Mas mabuti pa nga. Kesa masira ang umaga ko dahil sa UNGGOY na toh. " Diniinan ko talaga ang pagkakasabi ng UNGGOY nang matamaan naman siya.
" Hahaha. " Narinig ko siyang tumawa. Hays nakakainis talaga! Makaalis na nga!
Nico's POV.
First time akong kausapin ni Miss Beautiful ah. Hahaha. Tuwang tuwa ako sa mukha niya pag naiinis siya. Ibang klase talaga. Mga babaeng magaganda nga naman. Akala nila, tatratuhin sila ng mga lalaki na parang prinsesa? Pwes hindi ako. Ibahin niya ako. I'm one of a kind. :DD
" Dude! "
" Oh bakit? "
" Nakita ko na nakausap mo si Jill. Alam mo bang bibihira lang siya kumausap ng lalaki? Pati babae na hindi kasama sa grupo niyang Flirtz? "
" Oh tapos? "
" Grabe napakaswerte mo! Sana ako nalang ikaw. "
" Tapos? Anong gagawin ko dude? "
" Ito napag-isip-isip ko ah. Ligawan mo siya. Diba wala ka namang gusto dun? "
" Ou! Wala! Bakit ko naman liligawan? Gusto mo akong mamatay? Ni isang minuto hindi ko yata kayang makatabi ang babaen yun. Sobrang salbahe. " Bigla akong nabigla nung sinabi niyang ligawan ko daw yun. Yun? Mamamatay muna ako!
" Dude naman! Hindi naman totohanan eh. Gagawin mo lang yun para sa.. " Naputol ang sasabihin niya nang biglang may sumingit.
" Para samin boy! " Sabi nina Chris, Prince, Revin at marami pang iba!
" Ou na! Pasalamat kayo gwapong gwapo tong pagmumukha ko kaya nainlove ang Maria Clara niyo! " Pagmamayabang ko.
= = = = = = = = = =
BINABASA MO ANG
My Boy
Teen FictionAng lalaking pinakamamahal mo, hindi mo puedeng maging boyfriend dahil maraming tutol sa relasyon niyo. Pero puede mo naman siyang tawaging, " MY BOY " :)))