Chapter 11 - Uncertain Feelings

42 0 0
                                    

Jill's POV.

6:00 am na. Hindi pa din gising tong dalawang malalanding to. Naalala ko nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko kasama si Julian nang biglang nagsisigaw tong mga to at ginising ako.

[FlashBack..]

" Grabe! Ang landi talaga niya! "  Todo sigaw naman itong si Tricia

" At sinayaw pa talaga siya ni Papa Nico? Sayang Jill! Dapat kasi pumunta ka eh! " Aba't nanisi pa itong si Yuri? Siya kaya makaamoy ng mayonnaise! Sabagay, hindi naman niya ako kasing arte.

" Magtigil na kayoooo! Can't you see? Natutulog ako! LABAAAAAAAAAAAAAAS! " Mala HULK lang ang eksena eh?

[Present..]

" Good Morning Jill! " Nagising na silang dalawa. Kailangan nilang mag explain kung papano sila nakapasok uli dito sa kwarto.

Biglang may pumasok. Si Sophia. Kinakabahan at galit na galit. Ewan ko ba dito. Napakaadik. 

" May susi ako. " Sabi niya.

" Ah. Alam mo bang ang iingay netong dalawang to kagabi? Teka, nasan nga pala si Eli? " Nagtaka ako.

" May story lang ako. " Sabi ni Sophia

" OO! May sinayaw si Papa Nico kagabi! Siguradong magagalit ka! Masyadong malandi yung kasayaw niya eh. Muntikan na nga mag L2L eh. Urgh! " Sabat ni Yuri.

" Kawawa naman ang lips ni Papa Nico kung ganon! Mangangati! Ewww. " Dagdag pa ni Tricia.

" Mga baliw! Kayo kausap? Diba ako? Kaya hindi na ako magtataka kung sa mga susunod na makakasama ninyo sa iisang kwarto eh palabasin din kayo. Tsk tsk. " Hahaha. Eto nanermon na si Sophia.

" Hahaha. Tama na nga yan. Ano ba kasi yun? " Tinanong ko na sila.

 " Well, hindi ka na lang namin bibiglain. " Sabi ni Sophia.

" Pero kasi nilalandi ni Eli si Nico kagabi! " Sumigaw na si Yuri.

" At OMG! Muntik pa silang mag KISS! As in labi sa labi, lips to LIPS! " Tengene. -____-

" Kaya pala ah! Siya ang naglagay ng mayonnaise sa dress ko para malandi niya si Nico. Sinasabi ko na nga ba eh. So eto, eto ang pinaplano niya nung una palang. " Naningkit ang mga mata ko at parang gusto kong manapak.

" Ang kinatatakot ko na kung yung tungkol kay Nico at dun sa mayonnaise ay ikalat niya sa school. " Napailing nalang si Sophia.

" Uh oh. O____O " Pang-aasar ni Tricia

" NOWAAAY! Subuk subukan lang niya! At .... " Hindi na ako nakatapos.

" At ano mahal na prinsesa? Anong gagawin mo sa REYNA? " Dumating siya habang tumatawa.

" Mag-usap tayo. " Sabi ko sakanya.

Lumabas na kami ng kwarto. Nagpunta kami sa garden. Nakatayo lang kami. Pinanlisikan ko siya ng mata.

Uh oh. War to ha. Goodluck Eli! O baka naman goodluck Jill?

Jill's POV.

" Yun ba? Yun ba talaga ang pakay mo nung una palang? Ang landiin si Nico? Kahit alam mong may gusto ako sakanya? Ginamit mo pa talaga yung mayonnaise? Kasi alam mong kahinaan ko yun? Gumaganti ka ganun? Ganun ba yun? " Nilalakihan ko siya ng mata.

My BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon