Engaged
Lahat kami masaya para kay Tasha at Adrian!
Adrian and his three friends joined us in our table. Nalaman ko din na kila Adrian pala itong Resort na tinutuluyan namin ni Tasha! I didn't know. Sa dalawang taon na wala ako dito sa Pilipinas ang dami na pa lang nangyari at wala akong alam.
Kasabwat ni Adrian ang kanyang mga kaibigan at trabahante dito sa Resort sa pagsasagawa ng proposal para kay Tasha!
Masasabi kong napaka swerte nila sa isa't isa! Napakabuti nilang tao. Adrian is so loyal and faithful to Tasha. Ganoon din si Tasha! Wala akong masabi, I am so happy for them.
"Sids, this is James Salazar."
Turo niya sa kaibigan niyang naka dark blue polo shirt.
"Hi" sabi ni james at naglahad ng kamay, kinuha ko naman iyon at nginitian ko siya.
"King Larena" Turo naman niya sa kaibigan niyang naka maroon na shirt. Naglahad din ng kamay si King.
"And Markus Velasco" sa naka white plain shirt na lalaki.
Nakipagkamayan ako sa kanilang tatlo
"Hi. I'm Sidra Xamae Benella. You guys can call me Sids or Sidra."
Nginitian naman nila ako.
"Sidra is a nice name." sabi ni King
Binalingan ko siya at nginitian "Thank you"
"Akala ko hindi ka na uuwi, Sids. Akala ko forever kana sa New York." Sabi ni Adrian na nasa tabi ni Tasha. Nginitian ko lang siya.
"What did you do in New York?" tanong ni King
"Uhmm, I took up my Masters there and some business course."
"Oh really? What's your course?" -King
"Architecture"
"Great, like Tasha and Markus." -King
"Marami talaga kaming similarities ni Tasha. And Markus you're an Architect also?"
Binalingan ko si Markus na nakaupo sa tapat kong upuan.
"Not just an Architect, Engineer din siya." Si Adrian ang nagsalita
"Really? Wow!"
Namamanghang sinabi kay Markus sa harapan ko.
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."