Kabanata 13

1.6K 22 0
                                    

Alarm


Nagising ako sa alarma ng lumang cellphone kong nasa side table ko lamang.


It's 7am in a Saturday morning. Wala akong pasok sa opisina. I don't usually alarm kapag Saturday dahil wala naman akong masyadong gagawin. I checked on my old phone. Hindi ko na ito ginagamit ngunit kinikeep ko siya. Chinacharge ko ito once a week at nakalagay lang dito sa bed side table.



"Happy anniversary woobie, I love you."


Ayan ang alarm name ko. Yes it is supposed to be our anniversary. Our 7th year anniversary.


Chris set that alarm on my phone 7years ago, noong sinagot ko siya. 7am ang inilagay niya sa akin para daw di ako mapuyat. But he sets 12am to his para daw siya unang bumati sa aming dalawa. Every anniversary may bago siyang pakulo. Since it's our anniversary, gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang puntahan. Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas simula noong huli naming pagkikita.


Nag stay muna ako ng ilang saglit sa aking kama bago bumangon. I did my usual morning routine. I did my cardio in my treadmill for 30 minutes and do my usual morning workout. Pagkatapos ay naligo ako at nagbihis ng pambahay, mamaya pang hapon ako aalis. It's exactly 9am ng nakababa ako mula sa aking kwarto dala dala lamang ang aking cellphone.


Nagtungo ako sa kusina para makakain ng breakfast.


"Oh sidra, anak. Kumain ka na at naghanda ako ng iyong almusal."

Sabi ni Nanay Leah na matagal na naming kasa-kasama dito sa bahay. Nagmano ako sakanya.


Simula bata pa lamang kami ni Kuya Zach ay nandito na sila ni Tatay Tonyo sa amin. They're like our second parents.


Dati kapag laging wala sina mommy at daddy dahil sa mga business trips ay sila ni Tatay Tonyo ang kasama namin ni Kuya dito. We have other maids, sa laki ba naman ng bahay namin ay hindi kakayanin ni Nanay Leah na siya lang mag-isa ang mamahala dito. Pinamumunuan ni Nay Leah ang mga kasambahay dito sa aming mansion.


"Sige po nay, may lakad nga pala ako mamaya. Birthday kasi ng kaibigan ko, nangako ako sakanyang dadalo ako sakanyang kaarawan."


Umupo na ako sa aming lamesa at pinagsisilbihan ako ni Nanay Leah.


Hindi nabiyayaan ng anak sina Nanay Leah at Tatay Tonyo. Kaya ganoon na lang ang turing nila sa amin ni Kuya Zach, parang mga tunay nilang anak. Nanay Leah and Tatay Tonyo is in there early 60s. Our family is so lucky to have them.


"Osige at kakausapin ko si Tonyo ng maihatid ka niya o ng ibang driver."


Umiling ako, gusto kong pumunta gamit ang aking sasakyan para hindi ko na sila maabala. It's Saturday, dapat ay magpahinga sila sa araw na ito.


"Hindi na po nay, gagamitin ko po yung sasakyan ko."

Anunsiyo ko habang naglalagay ng bacon at egg sa aking plato.

THEN, SUDDENLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon