Good night!
Nireplyan kong pareho ng "Okay" sina Jake at Tasha. Nakapangako na kasi ako kay Jake tatlong araw na ang nakakalipas na magdidinner kami together, kakagaling niya lang ng Singapore. At the same time gusto ko ding makasama ang barkada. Kay tagal na noong huli kaming lumabas na magkakasama. Well pupunta naman sila sa party bukas pero iba pa din iyong ganito, kaya mabuti na ding nagkafree time ang lahat for this.
I was wearing a black silk charmeuse camisole, black tapered pants, black ankle strap sandals, gold plated choker and a black chain shoulder bag. I guess it's good for a dinner and a night out para hindi na ako uuwi upang magpalit after ng dinner namin ni Jake. Hinayaan ko ding nakalugay ang wavy hair ko. Naglagay lang ako ng nude lipstick at blush on.
Pababa ako ng hagdanan ng marinig ko sina Zeerah at Zykomo na kinakausap si Jake.
"I should not let my Tita Reyna go with you, what if you'll hurt her?" si Zykomo ang nagsasalita
"Zy he's a friend, he won't hurt me. Okay? Say sorry to him, prince." Singit ko.
"No It's okay Sids, they're so cute. "
"I'm sorry Kuya Jake. Take care of my Ate Reyna, okay?"
Tumango si Jake at hinawakan niya sa pisngi si Zykomo na nasa harapan na niya ngayon. "Of course, I'll bring her back. Don't worry."
"Promise?" Si Zeerah na nakisali at naglahad pa ng kanyang pinky para sa pinky swear.
Napangiti si Jake at tinanggap ang pinky finger ni Zeerah. Nagpaalam ako kina mommy, daddy, Kuya, Ate Kate at sa kambal. Sina Nanay Leah ay abala sa kusina kaya hindi ko na inabala pa.
Binuksan niya ang pintuan ng kanyang MUX para makasakay ako at pagkatapos nun ay nagtungo na siya sa driver's seat. Nilagay ko agad ang aking seatbelt.
"Hanggang 8pm lang ako, okay lang ba?" Tanong ko habang iniistart niya ang engine, napalingon naman siya sa banda ko
"Sure, kakain lang tayo ng dinner then ihahatid na kita."
"May pupuntahan pa kasi ako after this. Magtataxi na lang ako, hindi mo na ako kailangang ihatid."
"I'll take you there. Saan ba?
"The Prive, nagkayayaan lang kasama ang mga kaibigan. Gusto mong sumama?"
"Parang nakakahiya naman. They're your friends not mine." Sagot niyang natatawa.
"It's okay, you know Tasha and Adrian naman di ba?"
"Uhmm yes but I haven't seen them for years. Kilala pa kaya nila ako?"
"Siguro, nakilala nga kita e. So sasama ka?"
"Sure, The Prive din ako after this. Stag party ng kaibigan ko."
"Oh okay."
"Sabay na lang tayo pupunta doon then after mo ihahatid kita pauwi sainyo , babalik na lang ulit ako sa The Prive. Just text me kapag pauwi ka na."
"It's okay Jake, sabay na lang tayo pumunta then sasabay na lang ako kay Markus pauwi sigurado ihahatid ako nun."
"Okay, I'll stay with you until 11 pm then after that pupunta na ako sa stag party."
Tumango ako "I'll introduce you to my friends."
"Hanggang anong oras kayo sa The Prive?"
"I don't know. But mostly until 3am, pero ngayon siguro hanggang 12mn lang ako. I'll be hosting a party tomorrow for the twins. Punta ka ha, sa bahay lang naman." Ang mga mata ko ay diretso sa daanan
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."