Sweet
"Markus right? yung kanina sa conference room?" Tanong ni Jake ng makita ang pangyayari
Tumango naman ako bilang sagot
"Bakit hindi siya tumuloy? Baka dahil nandito ako? Boyfriend mo? Or suitor?"
"No Jake, he's my friend. Baka nagmamadali yun maraming ginagawa. He's a busy person, you know the business."
Nagkibit balikat si Jake.
"Excuse me lang ha, I have to call Tasha baka may mahalagang sasabihin."
"Alright, Sidra. I have to go also baka hinahanap na ako ni lola. I'll just text you."
Tumango ako. "Nice to see you, Jake. Take care."
Yumakap muna siya at nagbeso sa akin bago umalis.
Tinawagan ko naman agad si Tasha ng makaalis na si Jake.
"Sids."
"Hey ano okay na, nakausap mo na?" bungad ko sakanya.
"Yes. Nakausap ko na si Cathy at okay naman sakanya. Kailangan mo na lang siyang kausapin para sa iba pang details ng party."
"Thank you, Tash, sige set me an appointment to her at ako ang pupunta."
Ako ang nag aayos para sa magaganap na 5th birthday celebration ng mga pamangkin ko. Uuwi sila next week dahil nirequest mismo ng kambal na dito sila magbibirthday. Pumayag naman si Kuya at Ate Kate. Ako ang nagpresenta na mag ayos ng birthday party dahil mahirap naman kung si Ate Kate pa ang mag aayos nito gayong nasa New York sila.
"Uhmm kung may time ka ngayon ay pwede kang pumunta dito sa restaurant around BGC, I'm with Cathy may pinaguusapan din kami para sa final touch ng kasal."
"Okay sige. Text me the address at pupunta ako."
Nagpaalam ako kay Talia na mawawala muna ako ng ilang saglit at siya na muna ang bahala dito sa office.
"Is Markus around the building?" Tanong ko kay Talia bago ako umalis.
"I don't think so Miss. Umalis siya agad kanina pagkagaling niya sa office mo, mukhang nagmamadali."
"Okay Talia, just tell him I'm with Tasha if ever mapadpad ulit siya dito sa office ko at wala pa ako."
"Okay po."
Nagtungo ako sa harapan ng building at inabot sa akin ng valet ang aking keys. I am driving myself to office simula noong umuwi sila Tatay Tonyo at Nanay Leah sa probinsya, may isang linggo na din ang nakakalipas kaya mag-isa lang ako sa bahay. Not totally mag isa, may mga kasama naman akong kasambahay.
The renovations in my condo are on going also, pinaubaya ko na ang trabaho sa mga tauhan ni Markus. Na finalize na din naman namin ni Markus ang mga gagawin dito.
Pinark ko ang aking sasakyan sa parking space para sa mga customers ng restaurant na ito. Pagkapasok ko sa loob ay kinawayan agad ako ni Tasha. Nagtungo ako sakanila. Tumayo si Tasha, yumakap at nagbeso sa akin.
"Hi Sids, this is Cathy ang tumutulong sa akin sa planning ng kasal and Cathy this is Sidra, my bestfriend." Pagpapakilala ni Sidra kay Cathy
Naglahad ako ng kamay kay Cathy, tinanggap niya naman ito. Si Cathy ay kasing edad lang namin ni Tasha. May business siyang nag oorganize ng mga party at kahit anong events
"Nice meeting you." I said.
"Nice meeting you too." Nginitian niya ako.
Pagkatapos ng pagpapakilala ay inilahad sa akin ni Tasha ang isa pang upuan.
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."