Kabanata 23

1.4K 27 1
                                    

Presentation

Weeks passed by at mas lalo kaming naging close ni Markus. He is more open to me this time. We talked about a lot of things including Magui. I'm happy, I feel like he really trusts me. At hinahayaan niya akong makapasok talaga sa buhay niya.

Kakapasok ko lang sa aking opisina ng pumasok si Talia doon. 

"Miss 10 am po ang first meeting niyo with the board, about your proposal." 

Tumango ako. "Thanks Talia, pwede mo ba akong ipagtimpla ng kape?" 

"Yes miss." at lumabas na siya ng aking opisina

Nirereview ko ang aking magiging presentation mamaya para sa isang malaking project ng may kumatok sa aking pintuan. 

"Come in" sabi ko ng hindi sinusulyapan ito. 

"Are you ready?" I gave him a quick sight, si Markus at inilapag sa lamesa ko ang kapeng hinihingi ko kay Talia 

"Yes." Sumandal ako sa aking upuan at sumimsim sa kape. 

"Ang aga mo dito mamaya pa ang meeting ah" sabi ko 

"I was just checking on you. Ilang araw ka ng kabado dahil dito." 

Totoo. This is my biggest project na ipipresent simula noong naging CEO ako ng kompanya. It's my idea, Markus helped me with this. It's just a proposal though kung hindi approve sa board ay okay lang. 

"Thanks, I'm nervous it will be my biggest project if ever maapprove." 

"I'm confident you'll get it," he said. 

Markus left after that quick talk. May aasikasuhin pa daw siya sa kanyang office at babalik na lang dito mamaya para sa meeting.Inihahanda ko na ang sarili ko ng kumatok si Talia sa pintuan ng aking opisina. 

"Miss nagsisidatingan na ang mga members of the board." 

"Okay Talia, handa na ba ang lahat ng kailangan natin? Hard copies?" 

"Yes miss, nasa conference room na po lahat." 

"Good, sige mag aayos lang ako."  

I'm wearing a blush knee-length pencil skirt paired with a button down black blouse and a black pumps. I curled my hair today at hinayaan kong nakabagsak ito.

Lumabas na ako ng aking opisina, sinalubong ako ni Talia.

"Miss kakatawag lang po ng secretary ni Mrs. Gonzaga at hindi daw po siya makakarating dahil may emergency, pero may representative naman daw po siyang ipinadala." 

Mrs. Gonzaga is one of the stockholder and a member of the board.

"Okay, sige. Is everything ready? Kompleto na ba ang board? Si Markus nandoon na?"

"Yes Miss, yung representative na lang po ni Mrs. Gonzaga ang wala. But according to his secretary nasa basement na daw sila ng building."

Talia opened the door for me. Bumungad sa akin ang mga board members at stock holders ng ZB Towers. Sa bilang ko ay nasa 14 kami lahat dito including the secretaries. 

Nakipagbatian at beso ako sa lahat. Talia's preparing the projector.

"Hindi ba makakarating sila Zamuel, Sidra." tanong sa akin ni Mr. Imperial, one of the boards.

"Hindi po, sa makalawa pa ang balik nila dito sa Pilipinas."

"Must enjoying the retirement." 

THEN, SUDDENLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon