Kabanata 29

1.5K 23 3
                                    

Plan

Monday morning, balik trabaho na naman ako. Maaga ako sa opisina dahil ngayon ang presentation ng team about the ZB Tower Australia project.

Kuya Zach will take the office na iniwan ni daddy. We will just change some furniture and it'll be good. Inaasikaso na din niya ang pagiging main office ng ZB Tower and Philippines. Napagdesisyonan nila ni Ate Kate na dito mag stay, it's for the twins also.

Pabor ito sa akin dahil magkakaroon na ako ng katuwang. I admit I'm not still good at this nature of work, I'm still new to it. The business mind runs into our blood dahil ito naman talaga ang nature ng pamilya ko, but still, I need more experience and guide even though I studied some. Iba pa din iyong may kasama ka.

"Good morning miss, I just want to remind you about the meeting, later." Salubong sa akin ni Talia.

I'm wearing a blush pink knee-length pencil cut skirt paired with a black long-sleeve shirt and black pumps.

"Thanks Talia, sa office lang ako. Please prepare a coffee for me, thank you." Sabi ko sakanya at pumasok na sa aking opisina.

Bumungad sa akin ang isang bouquet ng Alstroemeria na nakalapag sa aking lamesa.

Babalikan ko sana si Talia at tatanungin kung kanino galing ito ngunit napagdesisyonan kong mamaya ko na siya tatanungin.

"Good morning, princess." binasa ko ang card na galing sa bulaklak.

It's from Markus.

Sasabihin kong manhid ako kung hindi ko bibigyan ng kahulugan ang mga ipinapapakita sa akin ni Markus sa mga nakaraang araw. Ayaw ko mang maging assumera, ngunit ramdam ko. I just wish it's just nothing because I don't know if I'm ready about it.

I was about to send a message to him ngunit nakatanggap ako ng tawag mula sa kanya.

"Hi. Good morning." Bungad niya.

"Good morning Markus. What about the flowers?"

He cleared his throat first bago nagsalita. "What flowers?"

Natawa ako ng bahagya sa sagot niya dahil naramdaman ko ang pagmamaang maangan niya doon.

"I know Markus, it's from you. Alam ko ang sulat kamay mo."

He chuckled  "Okay, okay! I just wanna give you flowers. Hindi ba pwede?"

"Para saan?"

"Nothing, kailangan ba lahat may dahilan?" I told you Sidra it's just nothing. Markus is just sweet kaya masanay ka na.

"Okay! Thanks. I'll see you later sa meeting."

Pinutol ko ang tawag at bumalik sa trabaho. Maliban sa trabaho at posisyon ko dito sa ZB Tower I have this idea na magtayo ng architectural firm and support students na gustong maging arkitekto ngunit hindi kayang magbayad ng pang matrikula. Dahil alam kong mahal mag aral ng arkitekto.

It's easy for me because my parents have the money to support me. Pero ang ibang bata ay walang pera para matustusan ang kagustuhang mangarap maging isang arkitekto.

Noong makilala ko si Chris , I've been involved to community services, charity works. Dahil ganun ang gusto niya, tumulong sa mga nangangailangan. In fact this idea is really ours. Plano namin ito ni Chris at dahil sa wala na siya ay wala na akong katuwang sa plano na ito ngunit hindi ibig sabihin nun na hindi ko na tutuparin ang pangarap ko, ang pangarap namin.

Maliban sa makatulong ay gusto kong gumawa ng pangalan sa linya ko. Ayaw kong sumandal sa negosyong meron ang pamilya ko. I will not leave ZB Tower, never. I just want to have my own company that will focus on my skills, a company that will show my talent.

THEN, SUDDENLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon