This is the final chapter, ang susunod kong post ay ang Wakas na.
Salamat sa pagsama sa akin sa journey nina Sidra at Markus. Maraming salamat sainyo. I hope you like how the story goes. :)
I'll be posting an Author's Note also, you can ask me anything in there at sasagutin ko yun ng bukal sa aking kalooban hahaha just leave your comment/question down below sa comment box. Maraming maraming salamat ulit sainyo! Enjoy reading...
---
Then, Suddenly
"Hindi ka sasabay sa amin?" tanong ni mommy pagpasok niya sa aking kwarto. She's wearing a white dress. Simple yet elegant.
Kakatapos ko lang maligo at kasalukuyang naghahanda.
"Nope mom, gagamitin ko po yung sasakyan ko."
She went to me. Tinignan niya ang imahe ko sa harap ng salamin at niyakap niya ako galing sa likuran. "Drive safely okay? I love you my princess, mag-iingat ka."
"Thank you, mommy... Thank you for everything."
Hinalikan niya ako sa noo bago lumabas ng aking kwarto.
Everything's gonna be alright Sidra. You got this.
I will be doing the biggest decision in my life today.
I am wearing a floor-length Open-Back Sleeveless Dress in color black na may slit sa right side and I paired it up with a Harper Rose Gold Lace Up Heels. Big curls on my hair and a very light makeup.
I check on my clutch bag kung nadala ko na ba lahat ng kailangan ko. Nang masigurado ko ay lumabas na ako ng aking kwarto.
"Wow Miss Sidra, napakaganda mo po." Puna ni Ate Jenny, nginitian ko lang siya.
Dumiretso na ako sa aking sasakyan at pinaharurot ito papunta sa aking pupuntahan.
Breathe in... breathe out... pagkatapos ay bumaba ako mula sa aking sasakyan.
Velasco Realty Building. Pagpasok ko sa loob ng building ay sinalubong ako ng mga photographers. Click of cameras are all over the place. Nahagip ng mga mata ko ang aking mga kaibigan.
Tasha, Adrian, James, Aira, Diana and King. The girls are wearing white dress habang ang mga lalaki ay naka itim na suit.
Kinawayan ako ni Tasha kaya pagkatapos ng konting picture taking ay pumunta ako sakanila. On my way to them ay nakasalubong ko si Tita Mindy. Niyakap niya ako.
"You're so beautiful honey." she said.
"Thanks, Tita, kayo din po." Sagot ko. She's wearing a white dress.
"I'll see you around, hahanapin ko lang si Massie dahil magsisimula na ang program any minute."
After a little chitchat with Tita Mindy ay pinakawalan niya na ako. Dumiretso ako sa aking mga kaibigan.
"We are all gathered here today for the 35th-anniversary celebration of Velasco Realty." Sabi ng host. Yes, It's Velasco Realty's 35th anniversary.
"Let's all welcome... The man of the hour... The man behind the success of Velasco Realty... Mr. Markus Anton Velasco."
Lahat ng tao ay tumayo at binigyan ng masigabong palakpakan si Markus.
Iginala niya ang kanyang paningin at ng magkatagpo ang aming mga mata, ang titig niya ay nanatili sa akin. I smiled at him while giving him an applause. He's wearing a black tuxedo, his usual corporate outfit.
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."