Someone
"Good morning Miss!" –Talia
"Good morning, Talia. Anong schedule ko today?"
Kakarating ko lang sa building at ngayong araw ang simula ng trabaho ko bilang bagong CEO ng ZB Towers
"Sinend na daw po lahat ni Sir Samuel yung mga files na dapat niyong pag-aralan. May mga papers din po sa table niyo na dapat niyo din daw pong icheck. As for today, miss yun lang muna ang gagawin niyo, kasi po next week pa talaga ipapasa ni Sir Samuel lahat ng trabaho niya sainyo. Sa ngayon daw po siya muna." –Talia
"Si daddy talaga, the whole week ba yun yung gagawin ko."
"Yes, Miss!" –Talia
"Okay Talia, thank you."
"You're welcome, nasa labas lang po ako kapag kailangan niyo po ako, tawag lang po kayo." –Talia
"Sige, salamat."
Tinignan ko isa-isa yung mga files na pinasa sa akin ni daddy. General reports ng mga towers namin dito sa Pilipinas at sa Singapore. 7 dito sa Pilipinas at 6 naman yung sa Singapore. May balak din si daddy na dalhin ang ZB Towers sa Australia. Pinakita na niya sa akin ang plano before pero di pa pinagtutuunan ng pansin yun ni daddy.
Halos lahat ng tao minamahal ang ZB Towers. Pang masa nga sabi nila. Kahit sino pwedeng maka avail ng unit. Ang ganda kasi ng idea, may high-end meron ding normal pero not so normal, mafefeel mo pa din yung comfort na binibigay ng ZB Towers. Kompleto ang ZB Towers sa lahat ng facilities na hinahanap ng isang customer.
Nag simula ang ZB Towers sa mga grandparents ko. Before, hindi pa ZB Towers ang pangalan nito. La Benella is a group of hotels while The Zaplan offered high end condominiums.
Dati ang La Benella ay may 3 buildings lamang, 2 dito sa Pilipinas at 1 sa Singapore. Ang the Zaplan naman meron lamag dalawang building ditto sa Pilipinas.
Nang kinasal si daddy at si mommy nagcombined ang two company kaya tinawag na ZB Towers. Pinalaki nila ng pinalaki ang sakop ng ZB Towers kaya nagkaroon sa USA at Euope. All in all, merong nakatayong 45 ZB Towers sa mundo.
I'm just handling 13 of them while my Kuya Zach handling most of the towers. Karamihan kasi ng Towers naming sa America at sa Europe nakatayo. Dito sa Pilipinas at sa New York ang main ng ZB Towers kaya si Kuya doon nakatira sa New York. Paminsan minsan pumupunta siyang Europe para bisitahin yung mga Towers naming doon.
Lahat ng Lead Managers ng ZB Towers ay pinagkakatiwalaan ni daddy at mommy kasi sila mismo ang naghired sakanila. Kaya panatag din sila at talagang napapanatiling maganda ang takbo ng ZB Towers sa mundo.
Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko tumunog ang telepeno ko dito sa office
Ring... ring... ring
"Miss, may naghahanap po sainyo pero wala po siya sa schedule. Do you expect someone today?" –Talia
"Nope, sino daw?"
"Isang malapit daw po, papapasukin ko po ba?" –Talia
"Sige Talia papasukin mo na lang"
Umupo ako ng maayos sa aking upuan at hinihintay ang aking bisita. Pinapanuod ko ang pagpihit ng kung sino man sa doorknob ng aking pintuan.
"Hi architect gorgeous!" napalingon ako sa mukha ng babaeng nagsalita
"Oh my god! TASHA!" hindi ko akalain na ang bestfriend ko ang dadalaw sa akin ngayon. Tumayo ako at tumakbo papunta sakanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Ouch! Ang sakit, wait nga kasi naman e nagulo na yung hair ko." angal niya
"Oh my god! Sorry, buti napadalaw ka."
"You didn't informed me na umuwi ka na pala galing New York, nalaman ko lang kila Tito na andito ka na." –Tasha
"Ah yes! I'm sorry kasi ang dami ko lang iniisip. Sa akin na pinapahawak ni daddy ang ZB Towers ng Philippines at Singapore."
"I know, I understand kaya nga ako na yung dumalaw Miss CEO slash Architect Gorgeous." Sabi niya habang tinitgnan ako ng head to foot.
"I miss you beshy!" niyakap ko ulit siya
"I miss you, tara let's eat. Lunch time na puro ka work." Napatingin ako sa relo ko sa sinabi niya. Mag aalasdose nap ala ng tanghali, hindi ko namalayan.
"Yeah, let's go." Kinuha ko yung bag ko at umalis na kami sa opisina ko.
"Talia, aalis muna ako. Ikaw muna bahala dito." Sabi ko sa secretary ko na nasa labas lang ng office ko ang office niya."
"Okay po miss." –Talia
Sumakay kami ni Tasha sa elevator pababa ng basement. Gagamitin naming yung sasakyan niya dahil hindi ko dala yung sa akin, kasi susunduin ako ng driver naming mamaya.
"So kamusta kana? It's been a long time, Sids." –Tasha
"I'm okay."
I smiled at her.
Am I okay?
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."