Relo
Surround yourself with people who push you, challenge you, make you laugh, make you better and make you happy.
Alas sais na ng hapon at tapos na lahat ng meetings ko for today, Friday ngayon kaya bukas ay wala akong trabaho. Nakaupo lang ako dito sa aking swivel chair at tinatanaw ang paglubog ng araw. May kumatok sa pintuan ko.
"Come in!" sabi ko ngunit ang mga mata ko ay nasa magandang tanawin sa harapan ko.
Narinig ko ang pagpihit ng pintuan at ang mga yapak papasok ng aking opisina.
"Are you done?" he said.
"Kakatapos ko lang. Can we stay here for a moment? I wanna watch the sunset."
Naglakad siya papunta sa akin at umupo sa upuang nasa harap ng lamesa ko. Sumandal siya doon, inilagay ang dalawang paa sa upuang kaharap lang din ng inuupuan niya. Humalukipkip siya at tinanaw din ang papalubog na araw mula dito sa aking opisina. I love my office for this kind of view every afternoon.
"How's your day?" Markus asked me.
"Like the usual, tiring but I'm good. Asan na sila Tasha?"
"Papunta na daw sila ni Ad sa bahay. James is with Aira and King is with Diana." –Markus
Nilingon ko siya. "Pupunta na din ba tayo?"
"It's still early, enjoy mo muna ang sunset."
Birthday ngayon ni Markus at may celebration sa bahay nila. Umuwi din galing America ang kanyang pamilya.
Sampong buwan na ang nakakalipas simula noong naglaro kami ng Truth or Drink sa kaarawan ni King. Sampong buwan na ang nakakalipas simula noong nag-open up ako sa barkada. Sampong buwan na ang nakakalipas ng madatnan ako ni Markus sa puntod ni Chris na umiiyak. Pagkatapos ng araw na iyon ay naging malapit ako kina Markus, King, James, Diana and Aira. Masaya ako kasi nagkaroon ako ng mga kaibigang naiintindihan ang nararamdaman ko. Like Tasha and Ad nirespeto nila ang damdamin ko.
Si Markus ang pinaka naging close ko sa lahat. Their company is a major supplier of ZB Tower. He designed some building of ZB Tower also. Ngayon may ginagawa kaming malaking project sa Singapore, another ZB Tower Singapore. Kaya halos araw-araw ay magkasama kami dahil sa trabaho. Simula noong nakita niya akong umiiyak sa harap ng puntod ni Chris ay naging komportable na ako sakanya. He became my bestfriend. Nasasabi ko sakanya halos lahat. He always listens to me. I am lucky to have a friend like him, like them.
I am not fully healed, aaminin ko yan. Ramdam ko pa rin yung sakit at pangungulila, it's normal I guess. Pero hindi katulad dati na feeling ko ay mag-isa ako. Ngayon ay may mga kaibigan na ako. Malaki ang naitulong ng mga kaibigan ko sa pagmomove-on ko sa nangyari kay Chris! My friends are always there for me. Hindi ko kailangang magpanggap kapag sila ang kasama ko.
Grief is healthy and it is healing. I didn't need to make up stories to ease my pain because the more I hid from it the more it had a hold on me. Instead, I chose to let the pain wash over me. I allowed it to teach me.
Binuksan ko ang drawer ng aking mesa at kinuha ang maliit na dark blue box. Regalo ko ito sakanya. It's A. Lange & Sohne watch.
Inilahad ko sakanya ang box.
"What's this?" –Markus
"Box yan, obvious ba?"
Inirapan niya ako. Nginitian ko naman siya.
"Happy birthday!"
Tinignan niya muna ako bago inilipat ang tingin sa box na hawak ko.
"Ayaw mo ba? Sige ibabalik ko na lang, mahal kaya nito."
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romantik"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."