Deja Vu
The next day, I woke up with a little peace of mind. Habang nakatayo ako sa veranda ng room namin at tinatanaw ang ganda ng dagat ay may dumapong butterfly sa aking braso. I know it's him.
"Yes wookie."
I know he knows what I've been thinking all night, kaya siya nandito... pinaparating niya sa akin na tama ang gagawin ko. Pinakawalan ko ang butterfly because I know, it's the right thing to do.
I've decided to go back in Manila to do something really important. Dala-dala ang aking cellphone at sling bag, ang ibang gamit ko ay iiwan ko muna dito sa hotel dahil babalik din ako. May mahalagang bagay lang akong dapat gawin.
Almost four years... I think it's the right time to do this... to free myself from the past.
I used one of the rental vans of Benella Tower, dadaanan ko na lang mamaya sa bahay ang aking sasakyan at iyon ang gagamitin ko pabalik ng Batangas.
In the silence, I could hear the wind sweeping around. Wearing my floral print bandeau maxi dress and flipflops. Ang aking maxi dress ay sumasabay sa ihip ng hangin. The trees swayed gently in the breeze in the warm tropical sunshine. I felt refreshed and exhilarated.
For the first time I am at peace being here in his grave. Ipinatong ko ang bulaklak na binili ko kanina at nagsindi ng kandila kahit na iniihipan ito ng hangin.
Totoo nga... Pain will come with time, but time will heal the pain.
I love you Chris so much. Hinding-hindi kita makakalimutan, dahil nandito ka sa puso ko lagi. Salamat... salamat dahil tinuruan mo ako kong paano magmahal at pinaramdam mo sa akin ang iyong pagmamahal. Hanggang sa huling hininga mo alam kong ako ang mahal mo kaya pinapangako ko sa'yo hanggang sa huling hininga ko papasalamatan kita ng todo.
"Wookie I am letting go of you now..." napangiti ako sa naiisip "Knowing you, matagal mo ng gusto na gawin ko 'to di ba?"
Masaya ako... pero hindi ko mapigilan ang lumuha. Four long years of pain and sadness.
"Noong buhay ka pa gusto mo lagi akong masaya. At alam kong noong iniwan mo ko gusto mo pa din na maging masaya ako di ba? Pero hindi ko nagawa... I'm sorry wookie. I'm sorry kasi naging malungkot ako for almost 4 years. Hindi ko kaya eh, hindi ko kayang maging masaya kasi wala ka na."
The branches sway like the arms of a soccer crowd and it their chaotic dance they are hypnotically beautiful. My mind relaxes and I feel the happiness of my life bubble up from within.
Isang paru-paro na naman ang dumapo sa aking braso. Napangiti ako.
"Alam ko masaya ka na diyan, kaya gusto mong maging masaya din ako dito. Thank you. Say thank you to God for me. Salamat sakanya dahil kahit sa konting oras pinahiram ka niya sa akin. At salamat sakanya dahil kahit binawi ka niya sa akin, may pinadala naman siyang mga taong nagmamalasakit at nagmamahal sa akin."
Yes I know, ilang beses kong sinisi ang Diyos kung bakit kinuha niya sa akin agad si Chris. Ilang beses at ngayon alam kong lahat ng bagay ay may rason. Lahat ng bagay na nangyayari ay nakatadhana. Siguro nga hindi talaga nakalaan na magkasama kami ni Chris habang-buhay, hindi kami nakaukit para sa isa't isa. Sometimes life doesn't give you something you want, not because you don't deserve it, but because you deserve something more.
Masaya akong nagpaalam kay Chris. It's not the end... It is just the start of a new beginning.
Nagpahatid ako sa rental van patungo sa bahay para makuha ko ang aking sasakyan. Nagpasalamat ako kay Manong na naghatid sa akin. Sa sobrang gaan ng pakiramdam ko ay binati ko ang lahat ng trabahador na nakasalubong ko. Mula sa guard na nasa gate hanggang sa mga trabahador sa aming garden, It's the time of the month again. Once every two months ay pinapatrim ni mommy ang bermuda grass na nasa paligid ng aming bahay. Pinapaayos niya din ang aming landscape garden.
BINABASA MO ANG
THEN, SUDDENLY
Romance"I wasn't looking when I met you. But you turned out to be everything I was looking for."