Kabanata 21

1.4K 28 5
                                    

Pain

"I want to introduce you to someone really special to me."

Ang tingin ko sa napakagandang alstroemeria ay nalipat sakanya.

"Magui?" Patanong kong sagot.

He looked at me straight in the eyes and then he nodded. Nag iwas ako ng tingin sakanya. Inilipat ko ang mga tingin ko sa bulaklak na nasa kandungan ko.

Huli akong nakatanggap ng bulaklak na ganito ay noong naging CEO ako ng ZB Towers at noong kaarawan ko. Same arrangement. Same color combination. White and blue. As in parehas na parehas talaga. Katulad ng alstroemeria na ipinadala sa akin sa ZB Tower ay hindi ko din alam kung kanino galing ang mga alstroemeria na natanggap ko noong kaarawan ko, it has a simple note on it na binabati ako ng "Happy Birthday".

Markus didn't even know my favorite flower or maybe nagkaroon siya ng idea dahil madalas alstroemeria ang dinadala ko sa puntod ni Chris. Sa mga panahong kasama ko siya pumunta doon ay baka napansin niya. I don't think na kay Markus galing ang mga bulaklak na iyon, noong naging CEO ako hindi pa kami close noon at kakakilala lang namin sa isa't isa. Noong kaarawan ko naman ay imposibleng siya dahil binigyan niya ako ng isang napakalaking sunflower noon.

Buong byahe kaming tahimik. Walang imikan, tanging ang tunog na nagmumula sa spotify ang nagbibigay ingay sa loob ng sasakyan. 

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Siguro masaya dahil binubuksan niya na ang sarili niya sa akin. I'm still happy kahit hindi niya ako ipakilala kay Magui or kahit sino mang babae sa buhay niya, I am contented in what we have right now. He's a good friend to me, he respects me. I don't care if he don't share that much to me. It's his decision at nirerespeto ko iyon. I am still his friend kahit ganoon. Dahil alam ko na kahit gaano mo kaclose ang isang tao or kahit sobrang pinagkakatiwalaan mo pa yan may mga bagay na mas gugustuhin mong ikaw lang ang makakaalam. We can't share everything to people.

We are close friend. Sa loob ng sampong buwan siya iyong naging malapit sa akin. Tasha's been busy in preparations of her wedding. Tinutulungan ko siya pero madalas ay weekends lang kami nagkikita. May trabaho ako may trabaho din siya. Maging sina Aira, Diana, James, King and Ad ay may sari-sariling trabaho. We hang out every weekend, mostly every other week. Sa bar or minsan sa bahay or sa office pinupuntahan nila ako whenever they're available.

Si Markus naman ay madalas kong kasama. Halos araw-araw. We worked together. He's a major supplier of ZB Tower in terms of tools and materials used in constructions, iyon ang negosyo ng pamilya nila na siya ang namamahala ngayon. Also, his own firm handled the engineering and architectural team of my company. That's how we are connected. He owned the 20% of ZB Tower too, noong nalaman niyang ibinibenta ito ni Mr.Chan, ang original na nagmamay-ari ng 20% na iyon ay binili niya agad. According to him, it's a good investment. Markus is really good at business.

Pumasok ang kanyang sasakyan sa isang pamilyar na lugar. Napaupo ako ng matuwid. Ang lugar kung saan niya ako unang nakitang pinakamahina. Ang lugar kung saan niya ako nakitang durog. Ang lugar kung saan niya ako nakitang lumuluha. Ang lugar kung saan ako naging unang totoo sakanya.

Dito yon, dito sa lugar na ito nakalibing ang mga labi ni Chris.

Ipinark niya ang kanyang sasakyan sa ilalim ng malaking puno ng akasya na ito. Isa lamang ito sa napakaraming punong pumapalibot sa isang pribadong simenteryo.

Kinuha niya ang isang bouquet ng Alstroemeria na inilagay niya sa backseat kanina bago lumabas ng sasakyan. Ako naman ay parang naestatwa sa loob ng sasakyan. He opened the door for me. Nakaabang siya sa aking paglabas. Ang tingin ko naman ay diretso lamang. Tinatanaw ko ang daanang parang walang katapusan.

THEN, SUDDENLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon