Prologue

9.2K 463 99
                                    

"Pambihira naman, oh!" Mahina kong maktol habang naglalaro ng app game sa cellphone ko. Iniayos ko ang earphone sa'king tainga dahil malapit na iyong malaglag. "Madaya, madaya, madaya!" Usal ko pa nang maunahan ako ng isang opponent sa car racing na nilalaro ko. Pinadyak-padyak ko na ang aking paa upang mailabas ang frustration ko. "Ma-search nga sa google ang cheat na 'to—" napailing ako sa sarili, "ay, hindi, bad 'yon. Bad."

Binaba ko ang cellphone sa lamesa bilang tanda ng pagsuko sa laro at tumingin sa kapaligiran ng restaurant na pinasukan ko. Sinipat ko ang aking wristwatch, limang minuto na ang nakalilipas, dapat ay narito na ang pagkaing in-order ko.

"Table number 19, ito na po ang order niyo, ma'am," nakangiting sambit sa'kin ng waiter na ginantihan ko naman. Ipinikit ko ang aking mga mata at tahimik na nagsambit ng pasasalamat sa Taas para sa pagkaing nasa harap ko ngayon.

Pagmulat ko ng mga mata ay nasilayan ko ang babaeng nakatunghay sa'kin. Nakangiti siya. Ngiting may binabalak. Iniarko ko ang aking kilay at tahimik siyang ineksamin. Nakasuot siya ng uniporme na halintulad ng mga empleyado sa restaurant na 'to, may hawak siyang jacket holder na naglalaman ng mga puting papel.

Alanganin ko s'yang nginitian bago nagsimulang kumain baka kasi'y napadaan lang siya upang alayan ako ng ngiti. Sabagay, kilala ang restaurant na 'to sa pagiging friendly ng mga staff nila. Ngunit nakakailang subo na 'ko ay hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya, bagkus ay lumapit pa nga.

"Uhm, excuse me?" wika ko. Mas lumawak ang ngiti ng babae na para bang ang katanungan ko ay siyang hudyat ng pagkagat ko sa patibong na inihanda niya.

Teka, hindi kaya modus 'to? Pero mayroon siyang suot na ID! Hmm, hindi kaya nanggaya lang siya? Impostor? Scammer? Kung gano'n, aba't may problema 'ata ang security ng restaurant na 'to!

"Legitimate employee ka po ba rito?" puno ng pagdududang banggit ko bago sumawsaw sa sauce ng lumpiang shanghai na kinakain ko. Pinaliit ko pa ang aking mga mata upang ipakita na inuusisa ko ang pagkatao niya.

"Opo ma'am. Ilang taon na po akong nagtatrabaho rito." Lumingon siya sa bungad ng kitchen area na kung saan ay natatanaw namin mula rito. "Iyon po ang manager namin." Nang sumulyap ako sa direksyong tinitignan niya ay nakita ko nga ang manager na mukhang kanina pa kami pinagmamasdan. Mabini niya 'kong nginitian nang magsagi ang tingin namin na para bang sinasabing wala akong dapat ipangamba.

Sunod-sunod akong sumubo ng kanin at mabagal na ngumuya. Nag-iisip. So, hindi 'to modus. Sa dalas ng pagpunta namin ni ate rito upang mag-lunch ay nakilala na namin ang manager ng restaurant na 'to, at siya nga 'yon, ang itinuro ng babae.

"Single po ba kayo at gustong magka-lovelife?" halos masamid ako sa biglaan niyang tanong.

"Oo at oo," sagot ko na sinabayan ko ng mabagal na pagtango, "pero bakit mo tinatanong?" bigla akong natawa ng alanganin sa realisayong naisip ko. "Hindi tayo talo, 'tol, ah!" hindi niya pinansin ang biro ko sa halip ay kumuha lang ng ilang pirasong papel na naka-stapler sa jacket holder na hawak niya.

"Yes, ma'am. Hindi po talaga tayo talo," nakangiting tugon niya, walang halong panghuhusga. "Ngayon po ay hinihikayat ko kayong sumali sa raffle promo na 'to." Ibinigay niya sa'kin ang papel na hawak niya. Sumubo muna ako ng kanin at ulam bago tinanggap ang iniabot niya. May naka-attach doon na isang matigas na yellow slip.

Mabilis ko 'yong binasa, napahinto at tinuro ang isang section ng form, nanlalaki ang mga mata.

"Bugaw ba kayo?" medyo lumakas ang boses ko dahil sa gulat. Hindi ko inalintana ang mga ibang diners na napatingin sa direksyon namin at nagpatuloy sa pagsasalita, "bakit kailangan ko pang ilagay ang vital statistics ko?!" May nagkalabasan ng kanin sa bibig ko ngunit parang hindi naman nasindak ang babaeng nasa harap ko.

Hindi siya sumagot kung kaya't dahan-dahan akong napailing at dumalangin sa Panginoon na bigyan ako nang mahabang pasensya. Pinagpatuloy ko ang pagbasa ngunit mabilis iyon at laktaw-laktaw na. Hindi na pina-sink in sa utak ko kung ano pa ang mga ibang nakasulat doon at mabilis iyong binalik sa kanya.

"Thank you for the offer pero ayokong sumali," pagtanggi ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Ma'am, pakakataon niyo na pong magka-lovelife. Malay niyo, manalo kayo? May chance kayong maka-date—"

"I'm sorry, pero hindi," pigil ko sa sasabihin pa niya. "Ayokong sumali at hindi rin ako interesadong malaman ang mga benefits kung sakaling manalo ako. Isa pa, marami na 'kong raffle promos na nasalihan pero hindi naman ako nanalo."

"Pero ma'am—"

"Thank you, but no," mahinahon kong pagdiriin.

Hindi ba niya naiisip na naiistorbo na niya 'ko sa lunch break ko?

"Ngayon lang po, ma'am," pursige niya. "Malay niyo, manalo kayo?" ulit niya. "Malay niyo rin ay pinadala ako ng tadhana ngayong tanghali para maghatid sa'yo ng buhay pag-ibig mo. I-grab mo na lang po ang offer ma'am, wala naman pong mawawala sa'yo, eh. May madadagdag lang," lumapit siya sa'kin ng kaunti at bumulong, "lalaki." Hindi ko mapigilang mapangiwi sa mga pinagsasabi niya.

Naiintindihan ko rin naman siya dahil ginagawa lamang niya ang kanyang trabaho. Sa kabilang banda ay raffle lang naman ito. Raffle na may 99.9 percent na hindi ako manalo. Tama siya, wala namang mawawala sa'kin. Kung may madagdag man na lalaki...aba, swerte.

At ang pag-fill up sa form ng raffle promo na ito ang siyang natatanging mapayapang paraan upang tantanan na 'ko ng staff na ito sa panananghalian ko.

"Oo na, sige na." Pambihira.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon