NATALIA
Nang makaakyat na si ate sa kwarto ay kumilos na si Kuya Shinichi, akma na siyang papasok sa kotse niya nang mapansin niyang hindi ako sumunod sa kanya.
"Maglalakad na lang ako hanggang sa sakayan, kuya," paalam ko.
"No," umiling siya. "I insist."
"Don't worry," kinumpas ko ang aking kamay sa ere. "I will deal with her later," tukoy ko sa nobya niya, "may mga minuto pa naman ako para maglakad." Nakita ko ang pag-alangan niya, lumiit lalo ang singkit niyang mga mata niya na para bang sinusuri ako.
"You know, even if your sister didn't give me an instruction, either way, I'll still insist," he explained. Hay, sana lahat may Shinichi Ho. "Is there any problem, Nat?" That shoots me. Tahimik akong tumango bilang sagot.
Ewan ko rin ba kung problema ko ba talaga 'tong maituturing. Problema ba dapat ang turing ko sa mga halik na pinagsaluhan namin ni Eiveren? Hah! Pinagsaluhan. Problema ba dapat ang turing ko sa nararamdaman ko para sa kanya? Higit sa lahat, problema ba dapat ang turing ko sa...halos magawa na namin kagabi?
"That explains," kibit-balikat niyang sambit kahit hindi ko pa nasasagot ang tanong niya. "Just take care. I'll go ahead," paalam niya. "But if you need a kuya, just give me a call."
"Thank you. Ingat din, kuya." Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang kanyang kotse bago tuluyang naglakad.
Nakakailang hakbang na 'ko nang may humintong kotse sa tabi ko, bumaba ang windshield nito. Nilunok ko ang gulat ko at pilit na tinago ang pagpigil ng aking paghinga nang makita kung sino ang may-ari nito.
"Get in," Eiveren ordered.
"Ayoko." pagtanggi ko.
"Get. In." Pagpupumilit niya.
"Ayoko," muli kong tanggi.
"Don't make me count, Natalia," banta niya.
Aba't—"O, ito," Iniharang ko sa view niya ang bag ko para 'yon ang makita niya at hindi ako. "Kausapin mo," dagdag ko pa pero wrong move, dahil hinablot niya ito na parang magnanakaw at inihagis sa backseat ng kotse niya.
"Hoy! Eiveren. Eiveren. Eiveren," nakapamewang kong tawag. "Akin na ang bag ko!"
"Get in," pagmamatigas niya.
"Fine. iyo na," napipikon kong sambit. Padabog akong naglakad palagpas sa kotse niya. Bakit ba? Pasapak ko siya kay ate Fifteen, eh.
Kinapa ko ang bulsa ko, may naitabi akong barya rito sa pagkakaalam ko. Agad ko namang nakapa iyon at kinuha ang dalawang coin. Napasimangot ako, kulang pa para ipamasahe sa jeep.
Huminto ako ng lakad at napapadyak. Ang kotse ni Eiveren ay nasa gilid ko na naman, nakasunod sa'kin. Nakakainis! Kung hihintayin ko naman si ate Fifteen ay pagagalitan lang niya 'ko. Kailangan na ang isa sa'min ay mauna sa shop.
Lakarin ko na lang kaya? Kailangan ko lang tawagan si ate at ang isa sa mga empleyado niya para maabisuhan ko silang mahuhuli ako. Kinapa kong muli ang bulsa para hanapin ang cellphone ko ngunit wala. Dito lang tumama sa'kin ang katotohanang lahat ng gamit ko ay nasa bag ko, bag na kinuha ng mokong na 'yon.
"Natalia," mahinahong tawag niya.
"Akin na nga 'yang bag ko at lubayan mo na 'ko, layuan mo na 'ko."
"Tell that to my thanatophobia," I heard him mumble to himself.
"Thantophobia?" Ulit ko. He glances back at me. For a moment, I saw a pang of regret and pain in his dark grey eyes, I suddenly wanted to know the reason behind those miseries, but then it instantly changed, bringing back the frustrated Eiveren I got used to dealing with.
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
ChickLitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...