EIVEREN
"Holy—" Naramdaman ko ang bigat ni Natalia sa katawan ko, ang babaeng walang malay. Agad ko siyang binuhat at diniretso sa backseat ng kotse. Agad na tumalon si Yuka sa dibdib niya't dinilaan ang kanyang mukha.
"Meow, meow, meow," usal pa niya at muli siyang dinilaan, parang sinusubukan niyang gisingin ang madungis na babae sa harapan niya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng inis sa pusa.
"I am more concern than you do," mariin kong sabi at kinuha siya upang ilayo kay Natalia.
What now, Eiveren? Didilaan mo rin siya?
Nasa lane na 'ko nang marinig ang nanghihinang tinig niya.
"Natalia?
"Meow?"
Sinamaan ko ng tingin si Yuka dahil nagkasabay kami sa pagsasalita.
"Ayoko sa Ospital," tangi niyang sambit.
"Natalia?" Umabot pa ng limang beses ang pagtawag ko sa kanya habang nagmamaneho ngunit hindi na siya umimik.
"Thanatophobia..." Madali akong napalingon kay Natalia. Naabutan ako ng red light kung kaya't nahawakan ko ang kanyang kamay, "you're afraid of losing someone."
...losing someone I love. I'm afraid of death, Natalia. I almost added.
"I will call my doctor and take you to my place," ani ko na lamang. Hindi ko alam kung narinig pa niya 'yon. Base kasi sa paghinga niya ay muli na naman siyang nawalan ng malay at nagsimula na naman si Yuka na dilaan ang kanyang mukha. "Get into my suite," bungad ko nang sinagot ni Dr. Pascual ang tawag ko. "You have a patient." Inirolyo ko ang aking mga mata dahil sa mga sunod-sunod niyang tanong. "Yes. No...the car accidentally hit her...a lady...just someone...Just. Someone. Off to my place. Now!" Tinapos ko na ang tawag at napahawak sa'king sentido.
Inapakan ko ang accelerator nang mag-go signal na. Kung tatawagan ko si Shinichi ay makakapunta siya agad dahil magkatabi lang naman ang suite namin. Hindi na kami madalas magkita dahil busy sa kaniya-kaniyang negosyo, labas-pasok din ako ng bansa. Kung tatawagan ko siya, malamang ay sasabihin niya 'yon sa kapatid ni Natalia, si Fifteen, na sa nakamamanghang pagkakataon ay nobya pala niya. I'm pretty sure she would worry the moment she learn that her sister is unconscious. Baka isumbong pa niya 'ko sa papa nilang hindi 'ata nauubusan ng mga tanong.
Jeez. Nevermind. She's mine for now until she's well.
...or she's mine now.
***
Maingat kong inilapag si Natalia sa kama ko. Itong suite ko kasi ang pinakamalapit, kung iuuwi ko pa siya sa iisang subdivision na tinitirhan namin ay matatagalan lang. Si Yuka na patuloy at walang humpay ang pagsunod sa'min ay tumalon sa pinakamalapit na sofa at tahimik na tinunghayan ang babaeng nagligtas sa kanya.
"Stop acting like you're more concern than I," I hissed.
Don't tell me you're jealous, Eiveren? Tanong ng munting tinig sa utak ko. I don't know! I shouldn't went after Natalia, I should've bring this feline home like what I originally planned.
Tumunog ang buzzer, agad akong pumunta sa pinto at pinagbuksan ang pinsan ko. "Dr. Echo James Pascual, at your service," she saluted. "Where's your girl?"
"What are you, a doctor or a gossiper?"
"Both," she answered in a giggle.
"I'm not in the mood," tumalikod na ko't naglakad papuntang kwarto.
"Biro lang!" Natatawa niyang sabi. "Ng slight," pahabol niya pa. Nang makarating sa pinto ay huminto ako at pinukulan siya nang mapanuri at masamang tingin. "Relax, Eren," usal niya, gamit ang palayaw ko. "Oh my," bulalas niya nang binaling na niya ang atensyon kay Natalia. "Look at that hair! Sakto ang pagkakulot ng buhok at ang haba! Para siyang goddess of the...of the...of the." Pumitik-pitik siya sa ere na parang inaalala ang salitang nasa dulo na ng dila niya.
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
ChickLitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...