Chapter XXXIV

1.7K 145 88
                                    

NATALIA


Saglit akong bumalik ng kwarto upang kuhain ang damit ni Eiveren at para na rin makapagpaalam. Kung rin naman ako kay Eiveren ay ibabalik ko na sa kanya ang damit na isinuot niya sa akin. Agad akong pinapasok ni manong Rudy nang makita ako at ang mga pusang kasama ko. Nagkomento pa siya na tumakas na naman si Cuddly nang hindi niya napapansin. Ibang klaseng uri talaga ng ninja ang mga pusa, nakakatakas nang hindi mo man lang namamalayan.

Nang makaapak na 'ko sa tapat ng pinto ni Eiveren ay umusbong ang kaba ko. Kakatok ba 'ko o hindi? Bukas ba ang pinto o hindi? Kung oo, papasok na ba 'ko o hindi? Ibibilin ko na lang ba si Cuddly sa butihing guard o hindi? Hindi. Kailangan ko siyang makausap. Hindi ito ang oras para magpakaduwag pa.

Inilapag ko si Fluffy't pinagpagan ang sarili dahil may mga naiwang balahibo sa damit ko at tatangkain ko na sanang pihitin pero bigla itong nagbukas. Napalundag ako sa gulat nang magsalubong ang tingin naming dalawa.

I am momentarily lost in the depth of his dark, grey eyes, impassively staring at mine. I forgot how his eyes can be this so captivating.

"Go home, Natalia," he drawls coldly, breaking the spell he infused in me. "Natalia..." I flinch, blinking away.

God, I blame his bewitching eyes.

Ikinuyom ko ang aking kamao, mukhang naiinip na siya sa kakahintay na tumalikod ako't umuwi ng bahay, to think na wala pa nga akong tatlong minuto rito! Iritable kong dinampot si Fluffy sa lapag at marahas siyang ibinigay kay Eiveren.

He looks down at my feline in oddity. "Ayan, iyo na si Fluffy," pinagduldulan ko sa kanya ang pusa. "Tutal magkaugali naman kayo. Masungit." Hindi siya kumilos. Samantalang si Fluffy ay kumawala sa akin. Sa gulat ko ay pumunta siya sa paanan ni Eiveren at nagsimulang lambing-lambingin ang kanyang tuhod.

Traitorous beast. Uuwi pa 'ata ako ng walang dalang pusa.

Meanwhile, Eiveren looks amused and slightly offended. "Here," he grabs Cuddly, handing him to me. Alanganin at mabagal kong tinanggap ang pusa, nagtataka sa ginawi niya.

So. we are exchanging felines now?

"He's yours."

"Bakit?" Napangiti ako. "Dahil parehas kaming cute at malambing?" puno ng pag-aasam kong sambit.

"No." Umiling siya. "You are both clingy." Paglilinaw niya't sinaraduhan ako ng pinto.

I gape at the space he is standing just a few seconds ago. The nerve of Eiveren Cross! Pagsaraduhan ba naman ako ng pinto?! How could he?!

"Eiveren!" Naiinis kong tawag habang kinakalampag ang kanyang pinto, pinakawalan ko ang pusa upang magamit ang dalawang kamay ko. "Buksan mo nga 'to!" At sinunod nga niya. Muntikan pa 'kong masubsob dahil sa agad niyang pagbukas nito. Muli, napahinto ako, ang kanyang matigas na biceps ay nakahain sa paningin ko, nang-iimbita! Pinilig ko ang aking ulo. I can't let myself fall into distraction. Kailangan naming mag-usap.

"I thought we had the agreement of—" he step backward "—changing felines tonight," pagpapatuloy niya.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay kinuha ang damit sa paper bag na hawak ko. "Here," inabot ko ito sa kanya. "Thank you," iwas-tingin kong usal nang maalala na siya mismo ang nagsuot sa'kin nito nang gabing iyon. He doesn't look surprised when he took his shirt to me. Our fingertips slightly touch that I recoil by the sudden current. If Eiveren felt this too, I don't know. His expression remains impassive.

Napahakbang ako paatras nang inilapit niya ang kanyang damit sa kanyang ilong at inamoy 'to. Parang gusto ko munang magtago dahil sa kalokohang naisip ko.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon