NATALIA
"Natalia?" Hindi ko pinansin ang pagtawag sa'kin ni ate Fifteen at pinagpatuloy lamang ang paghikbi. Nang makapasok sa shop matapos umalis ni Eiveren ay dumiretso na 'ko rito sa banyo. "Natalia," naramdaman ko ang pagpasok niya. Hinawakan niya ang aking baba upang iangat ang tingin ko sa kanya. "Ang pangit mo," panlalait niya dahil ang mascara at liquid eyeliner ko ay nagkalat na.
"Yeah, salamat sa pagco-comfort, ate. Soothing," sarkastiko kong tugon.
Kinuha niya ang tissue box sa gilid, sinimulan niyang punasan ang luha ko. Mas lalo tuloy akong naiyak sa pagco-comfort niya. Ganitong-ganito sa'kin si mama noong nabubuhay pa siya.
"Kapag naka-make-up ka, wala kang karapatang umiyak. Iyon ang ispiritu ng matapang na babae." Lumunok ako upang mapigilan ang nagbabadya ko pang paghikbi. Tama si ate, kahit papaano ay naibsan ang bigat na nararamdaman ko, ngunit gusto pa talagang bumuhos ng luha ko.
"C'mon. Spill it out." Suminghot ako at tuluyan na talagang napahagulgol. Yumakap ako sa kanya bilang suporta.
"We almost did what you and kuya Shin—"
"You did what?!" kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin sabay kurot ng tagiliran ko.
"Aray naman, eh!" Mas lalo akong naiyak sa sakit na dulot ng kurot niya.
Niyakap niya 'kong muli at inalo. "Oh-god-of-all-virgins-who-almost-did-the-nocturnal-thing, thank you for saving my innocent sister."
"But then, I still like him," I helplessly admitted. "I love it when his lip touches mine. It feels so right but I'm afraid, ate."
Huminga siya nang malalim at napailing habang pinagmamasdan ako. "In love na ang bunso kong kapatid," tinapik-tapik niya ang ulo ko't ginulo ang aking buhok. "Natatakot kasi...?"
"Hin...hindi ko alam."
"Ano ba'ng meron sa inyong dalawa? Ano ba'ng nangyari?"
"Siya kasi ang naka-blind date ko," pagbibigay-alam ko na ikinasurpresa niya. Sinamantala ko ang pagkagulat niya't ibinahagi ang buong pangyayari. Mula nang makita ko siya sa event, ang pagiging possessive niya—na para bang nagseselos siya kay Aries—ang makapigil hiningang bidding, ang dinner date namin, ang pagdala niya sa'kin sa park na umalis rin naman agad at paghantong namin sa bahay niya. Huli at nahihiya kong binanggit ay ang tungkol sa pagkukunwari naming magkasintahan.
"Ang desperada mong babae ka," komento niya't kinutusan ako. "Bakit mo niyayang maging boyfriend?!" Pabiro niyang hinila ang buhok ko. "Nahihibang ka na ba?"
"Desperada na kung desperada, hibang na kung hibang, pero gusto ko talaga siya, eh. Isa pa, siya ang nagsabing lahat ng gusto ko nang gabing 'yon ay susundin niya," pagtatanggol ko sa sarili. "Hindi ko naman 'yon pinagsisihan dahil sulit naman. Iyon nga lang, muntikan nang mapunta sa ibang direksyon," dismayado kong sabi. "Manyak kaya niya."
"Sus! Bakit ka niya hinahabol-habol ngayon?" Ibinaon niya ang kanyang hintuturo sa sentido ko kung kaya't napahawak ako roon. "Nagkabunga ang mga halik niyo," makahalugang niyang sabi.
Bigla akong nagpanic at napahawak sa sinapupunan ko.
"Pwedeng," napalunok ako. "Pwedeng magkabunga ang mga halik? May scientific basis ba ang—" hindi ko na natapos pa ang pangungusap ko dahil humagalpak na si ate ng tawa.
"Gaga ka talaga!" Hindi na siya makahinga nang maayos dahil sa pagtawa. "What I mean is, may kinahantungan ang mga halik niya at ang mga halik mo. Nahulog na siya nang tuluyan sa'yo," mas lalong ginulo ni ate ang buhok ko, bakas na tuwang-tuwa siya sa'kin. Mas lalo akong napasimangot dahil hindi naman totoo ang sinabi ni ate.
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
ChickLitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...