NATALIA
Hindi pa sumisilip ang araw nang magising ako mula sa bisig ni Eiveren. Sandali akong nanatili rito para damhin pa ang komportable at pamilyar niyang init. Gusto ko mang magtagal at abangan ang pagmulat ng kanyang mga mata ay hindi na 'ko pwedeng magtagal pa. Kailangan ko ng bumalik sa bahay bago pa ma-diskubre nila ate at papa na nawawala ang bunso nila. Nag-iwan ako ng halik sa pisngi ni Eiveren bago dahan-dahang lumabas ng bahay.
Ilang minuto lang ay narito na 'kong muli sa kwarto ko, nakahinga sa wakas ng maayos. Mabuti na lamang at hindi pa gising ang mag-ama. Sinubukan kong matulog muli ngunit hindi na 'ko dinadalaw ng antok pa. Walang silbi rin naman kaya tinolerate ko na lang ang feelings ko't hinayaang ilabas ang inner kilig niya—nagsimula ako sa pagpadyak-padyak ng aking mga paa sa ere, tumili ng walang boses at sumayaw-sayaw sa ibabaw ng kama.
Lalabs ko naman kasi, eh. Aasawahin na talaga kita. Hihihi.
Isa pa, hindi ako makabalik sa pagtulog dahil sa kaba. Makikilala ko na rin sa wakas si Mother! Ano'ng oras kaya kami magkikita? Wala naman kasing nabanggit si Eiveren.
***
"Baka mamaya pa sila?" kausap ko sa sarili. Tanghali na ngunit hindi pa rin nagpaparamdam si Eiveren. Hindi ko alam kung bibisita sila rito sa Effloresence o sa ibang lugar kami magkikita ng mommy niya. Dahil sa buryo—wala kasi gaanong inaasikaso ngayon sa shop—ay nagpaalam na lang ako kay ate Fifteen at umalis muna sandali.
Dumiretso ako sa restaurant na madalas naming kainan ni ate. Agad kong nilibot ang aking tingin pagpasok, may hinahanap na isang partikular na tao. Sana ay nandito pa siya, sana ay hindi siya umalis, sana ay service crew pa rin siya sa restaurant na 'to. Sana ay makita kong muli ang babaeng pumilit sa'kin na sumali sa raffle promo nila Eiveren. Gusto kong magpasalamat dahil tama siya, walang nawala sa'kin, may nadagdag lang—si Eiveren.
"Good afternoon," bati ko sa isang service crew ngunit nilagpasan lamang niya 'ko. Aba, bastusin. "You," hila ko sa lalaki. Kaya naman pala, naka-earphone. Naku, sa pagkakaalam ko ay bawal 'to sa linya ng trabaho niya!
"Yes, ma'am," magalang niyang sabi bago tanggalin ang kanyang earphone.
"Kasamahan niyo pa rin ba rito 'yong babaeng nag-aalok na sumali sa raffle promo?" Tanong ko. Saglit siyang napaisip. "Maraming buwan na rin ang lumipas," dugtong ko makalipas ng ilang segundo.
"Ah," napatango siya. "Si ma'am Shaira po ba?" paniniguro niya.
"Hmm, siguro?" kibit-balikat kong tugon. Hindi ko na kasi maalala ang pangalan niya.
"Siya na nga po 'yon," paniniyak niya. "Isa pa, hindi po siya service crew rito, nagpanggap lang po 'yon no'ng mga araw na 'yon."
Napa-arko ang kilay ko. "Kung hindi siya crew, eh, ano siya rito?" takang tanong ko.
"Siya po ang may-ari," pagmamalaki niya. Napanganga ako sa impormasyong narinig ko.
"What do you mean na siya ang may-ari?" mabagal kong sambit, pilit na pinasi-sink in sa utak ang nalaman.
Napakamot-ulo si kuya. "Siya po ang...owner?"
Napangiwi ako, napailing at nakaramdam ng hiya. Hindi dahil sa trinanslate lang ni kuya ang salitang may-ari kundi sa realisasyon nasabihan ko si Ms. Shaira ng bugaw noong araw na 'yon! Hindi ko alam na may-ari pala siya! Kaya naman pala ang propesyonal niyang umasta. Nakakahiya!
"May pustahan po kasi sila ng manager namin—" para sa isang lalaki ay masiyadong madaldal ang crew na 'to, "—na kung hindi ka mapapayag ni Ma'am Shaira sumali sa raffle ay may raise na 5k ang sahod ni Manager, at kung napapayag ka naman ni Ma'am Shaira ay walang day off si Manager for two months. Isang babae lang po ang inalok niya no'ng araw na 'yon, wala na pong iba," mas lalo akong napanganga sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Kiss and Run
Chick-LitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...