Chapter XX

2.7K 210 52
                                    




NATALIA

Bago pa man siya humakbang papuntang kwarto niya ay muli na naman niya 'kong halikan. Mas lalo akong nanlambot hindi lang dahil sa ginagawa niya kundi dahil na rin sa kahihiyan na narito si ate Fifteen at nakikita ang ginagawa namin—niya pala. Nahinto lamang siya nang may maglanding na unan sa bunbunan niya. Hindi ko maiwasang mangiti. Hinalikan pa niya 'ko ng isang beses ngunit ang ngipin ko na 'ata ang nahalikan niya dahil hindi ko na napigilang tumawa nang may maglanding na namang isa sa bunbunan niya.

"I hate your sister," walang emosyon niyang banggit bago kami tuluyang iwan ni ate Fifteen. Nang mawala na siya sa paningin ko ay 'saka lamang ako gumalaw papunta sa direksyon ng kapatid ko at lantang napaupo sa tabi niya.

"So, how was it?" Pilya niyang tanong.

"Why, he kiss me he like he means it."

"Of course, he means it," she said "He likes you. Very. Much."

"Totoo?" Pagdududa ko.

"Can't you see it in his eyes?" Sambit niya na para bang ako na lang ang walang alam na may gusto sa'kin si Eiveren.

"Eh, lagi namang blank face 'yon, eh!" dismayado kong tugon. "And I think he's afraid of commitments."

"I know, pero dapat ay maramdaman mo." Nagsimula na si ate sa pagbibigay ng advice. Pinagsabihan niya rin ako ng ganito at ganyan. Tango ako nang tango, pinapa-sink in sa isip ang lahat ng sinasabi niya. Nang makapansin si ate na hindi ako nagsasalita ay bigla niyang tinuktukan ang bunbunan ko. Ng tatlong beses.

"Aray naman, eh!" Reklamo ko, himas-himas ang tuktok ng ulo ko.

"Mag-ayos ka ah," muli niyang babala't tumayo na. "You're actually looking better now. Different better but good better." She smiled at me sincerely.

I embrace her in response. "You're going to be okay, too, ate."

***


Tahimik akong pumasok ng kwarto ni Eiveren, ang katawan niya'y nakalapat sa kama ngunit ang paa niya'y wala rito. Mukhang agad siyang nakatulog dahil sa sobrang pagod na hindi na niya nakuhang tanggalin ang black leather shoes niya't medyas. Parang ahas din siya na iniiwan ang pinagbalatan dahil ang coat and tie niya'y nakakalat lang sa sahig. Isa-isa ko 'tong pinulot at tinupi. Sunod ko namang tinanggal ang sapatos at medyas niya't iniayos ang pagkakahiga niya. Hindi naman siya nagising sa awa ng Diyos.

Umupo ako sa tabi niya't ineksamin ang kanyang mukha. May itim sa ilalim ng kanyang mga mata, ebidensya na wala pa siyang tulog. Kung may tulog man ay kulang iyon tulad ko. Ang payapa niyang mahimbing kaya hindi ko maiwasang mapahikab. Nang-iimbita ang kama niya, gusto ko na rin tuloy bumalik sa pagtulog.

And I thought, why not? We are literally sleeping in one bed two nights straight already. Sleeping beside him in this daylight doesn't made any difference, right?

"Right," sang-ayon ko sa sarili. Malawak ang aking ngiti nang humiga ako patagilid upang harapin ang natutulog na Lalabsko. "I missed you," bulong ko.

Syempre malakas ang aking loob dahil tulog na siya, hindi niya 'ko maririnig. Umusog ako ng kaunti at kumaway sa harap ng kanyang mukha, ang antok ko ay sandaling nawala. Hindi siya umiimik! Oh, Lordie. Pumikit ako nang mariin, tahimik na kumukuha ng lakas ng loob.

"Eiveren, alam mo ba'ng Lalabsko talaga ang tawag ko sayo? Si ate Fifteen at kuya Shinichi lang nakakaalam no'n." Hindi ko maiwasang mapabungisngis. Kung gising pa si Eiveren ay pinagtaasan lamang niya 'ko marahil ng kilay. "Lalabsko tawag ko sa'yo kasi...love kita." Napailing ako sa sarili. "Alam mo ba'ng mahal kita? Hindi siguro 'no? Manhid ka, eh. Deh jukjuk lang. Hihihi. Pabebe," klinaro ko ang aking lalamunan dahil sa kalokohang pinaggagagawa ko. "Pero seryoso ako, ah. I know na ang bilis pero sigurado ako sa nararamdaman ko. I love you, Eiveren Cross Lalabsko," hindi ko maiwasang ngumiti, pabulong pa rin akong nakikipag-usap sa kanya, nag-iingat na hindi siya magising. "Hay, ang dali mag-confess sa tulog. O baka nagkukunwari ka lang talagang tulog?" Bigla akong natigil, nanlaki ang mga mata dahil sa posibilidad na totoo nga! "Ohmy–! Tulog ka naman 'diba?"

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon