Chapter XLV

1.7K 149 121
                                    

NATALIA

Hindi agad kami kumilos, tinapunan lamang namin ng masamang tingin si kuya Shinichi bago lumabas ng kani-kaniyang kwarto.

"Come on, guys! As if this is a big deal!"

"It is!" Sabay naming sagot ni ate.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at taimtim na umusal ng dasal, na sana'y mapayapang magtapos ang gabing ito, na walang lalaking matutukan ng shotgun ni papa ngayon. Dito ko rin napagtanto na nais ni kuya Shinichi na maranasan din ni Eiveren ang nangyari sa kanya noon!

Kinuyom ko ang aking kamao. Kainis!

"Let's go, Natalia," tawag ni ate sa'kin. Nanatili lang kasi akong nakadungaw mula sa nakauwang kong pintuan. Nakabukas na ang opisina ni papa, tanda na hinihintay na lang niya kami. Inilahad ni ate ang kamay niya at malugod ko naman itong tinanggap. "It's going to be okay," paniniguro niya.

I could hug my sister right now.

Nauna na kaming humakbang dalawa samantalang si kuya Shinichi at Eiveren ay tahimik na nakasunod sa amin.

"Mason's claiming his prize from the bet," pagbabahagi ni kuya sa kaibigan niya kinalaunan. "Did it meant that you...?" sinadya niyang hindi na tapusin ang kanyang pangungusap.

Agad na nangamatis ang mukha ko dahil sa maintrigang tanong niya.

We know, of course, what he is talking about.

"Fvck you, Shinichi," tanging tugon ni Eiveren.

Narinig ko ang pagbungisngis ni kuya mula sa likod namin. Gusto ko sana silang lingunin para makita isa-isa ang kanilang ekspresyon ngunit mas nangingibaw ang kaba ko.

Nanghihina ako.

"What bet is he talking about? Who's Mason? And why are you blushing?" sunod-sunod na tanong ni ate sa'kin. Nang hindi ako sumagot ay bigla siyang huminto at humarap sa magkaibigan. "Who the hell is Mason?"

"Our friend," tugon ni kuya Shin. Napakalawak ng kanyang ngiti. Aba't gusto-gusto talaga niya ang nangyayari sa'min ngayon!

"At ano'ng bet 'yon?" tanong pa ni ate.

"Sasabihin ko sa'yo mamaya," agad na sagot ni kuya. "Promise," itinaas niya pa ang kanang kamay tanda ng sinseridad.

"Are you really sure?" alanganin kong tanong sa kanya, malaki kasi ang posibilidad na mabalian siya ng buto sa oras na ibahagi niya kay ate kung ano ang bet na 'yon.

Well, deserve niya 'yon.

"Of course," tugon niya sa'kin. " we promise not to hide anything to each other again," puno nang pagmamalaking sabi ni kuya at tinapik si Eiveren sa kanyang balikat, "EC, you should do the same."

"Fvck you, Shinichi," sambit muli ni Eiveren.

"Tara na nga," hinila ako ni ate palapit sa pinto, "kanina pa naghihintay si papa.

***

Kahit hindi pa magbigay ng direksyon ang aming haligi ng tahanan ay alam kong nais niya kaming paupuin sa mahabang couch paharap sa office table niya, kaya hinila ko na si Eiveren paupo rito. Para kaming nasa isang guidance room ngayon na obligang makinig sa mga magiging pangaral ng guidance counselor.

Triple ang laki ng silid na ito kumpara sa'ming kwarto. Vintage ang tema at disenyo ng lugar, maging ang mga nagtataasang bookshelves niya. Halos lahat ng mga librong narito ay pang-akademiko. May mga fiction and non-fiction books naman ngunit lahat ng ito ay naayon lamang sa panlasa ni Angelo Grasus V. Dimalanta, ni papa.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon