Chapter I

7.2K 358 84
                                    

NATALIA

"Ming, ming, ming, ming, ming! Come to mommy Natty!" Malambing na tawag ko kay Fluffy, ang pusang ligaw na madalas dumadalaw-dalaw rito sa Effloresence, flower shop ito na pagma-may-ari ni ate Fifteen.

Kung babalikan ang nakaraang mga buwan ay maaring matawa ang mga taong makakaalam na dating tomboy ang may-ari nito. Mabuti na lang dahil magkakilala pala sila ng dati kong boss, si Kuya Shinichi, siya ang nagpabalik sa kapatid ko. Sana ay magkaroon din ako ng nobyong katulad niya. Damang-dama ko ang kuryenteng namamagitan sa kanilang dalawa sa tuwing tinitigan ni kuya si ate. Titig na kahit hindi para sa'yo ay kikiligin ka. Titig na puno ng respeto at admirasyon.

Sa panahon ngayon, iilan na lang ang ganyan kaya sana...sana talaga ay biyayaan din ako ni Lord ng tulad ni kuya Shinichi.

"Meow!" Bumalik ang atensyon ko sa pusang hinahabol ko.

"Ming, ming, ming!" Walang customer ngayon sa loob kaya maingay akong nakikipaghabulan kay Fluffy. Tumaas ang kanang tainga niya nang marinig ang boses ko. Agad siyang tumakbo palayo sa'kin kung kaya ay hinabol ko siya, hanggang sa nagpaikot-ikot na kami sa kabuuan ng shop.

Nag-offer na ng tulong sa'kin ang mga empleyado ni ate upang hulihin si Fluffy ngunit tinanggihan ko ang tulong nila dahil kailangan kong mapaamo ang masungit na pusang 'to. Ng sarili ko lang.

"Bakit ba ayaw mong lumapit sa'kin?" Naiinis kong singhal sa kanya. "Mabaho ba 'ko? Pangit? Bad ka naman," pinadyak ko ang aking mga paa, naiinis, dahil feeling ko ay tumango siya.

Masyado kasing mailap sa tao si Fluffy, except kay ate dahil siya ang madalas na nagpapakain dito. Since mahigit isang buwan pa lang naman ako rito sa shop ay hindi pa kami ganoong ka-close, 'saka bihira lang siya pumunta rito. Madalas kasi siyang nasa likod kung saan naroon ang mga basurang tinatapon namin.

Doon siya kumukuha ng pagkain. Ayon sa kwento ni ate Fifteen ko, binibigyan rin daw niya si Fluffy ng pagkain 'pag nakikita niya 'to. Ang cute din kasi niyang pusa, kahit taga-kalye ay ang linis at ang lusog.

"Fluffy," hinihiningal kong sambit, nakapamewang na sa kanya.

"Meow," tugon niya na para bang inaasar ako.

Muling nabuhay ang pag-asa sa kaibuturan ng lalamunan kong masakit na sa katatawag sa kanya. Huminto siya, dinila-dilaan ang kanyang kamay at hinila-hilamos 'to sa kanyang mukha. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya ngunit napansin niya 'ata ang ninja moves ko kaya tumakbo na naman siya palayo sa akin, papunta sa entrance ng shop. Ang mga empleyado'y natatawa na lang sa'kin, nawiwili sa pagtunghay sa maaksyong tagpo namin ni Fluffy. Hinabol ko siya papunta roon, inaasahan na hindi siya makakatakas dahil wala naman siyang kakayahang buksan ang glass door.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay may Hudas na nagbukas nito kung kaya'y mabilis na nakalaya ang pusa. Nabangga ko pa ang dibdib niya't bahagya akong na-out of balance kaya hinapit ng estranghero ang bewang ko palapit sa kanya upang maalalayan ako. Alam kong matigas, matipuno at mabango ang lalaking nakahawak sa'kin ngunit ang tanging paki ko lamang ngayon ay ang pusang papakainin ko sana para kurot-kurotin at haplos-haplosin ngunit wala na!

"Nakatakas na si Fluffy!" Malungkot ngunit naiinis kong sambit. "Naman, eh!" Hinampas-hampas ko ang dibdib niya, ang buong atensyon ko ay na kay Fluffy pa rin na huminto na sa pagtakbo upang ipagpatuloy ang naudlot niyang ginagawa—ang dilaan ang kamay niya upang ihilamos sa kanyang mukha. "Fluffy!" Sigaw ko, "ming, ming, ming!" Dagdag ko pa pero hindi na niya talaga 'ko pinansin. "Hmpf! Kasalanan mo 'to, eh!" Sa puntong 'to ay tinuon ko na ang aking atensyon sa kanya at sunod-sunod siyang hinampas. "Nakakainis ka naman! Bakit mo kasi binuksan?! 'Yan tuloy si Fluffy naka—" biglang bumagal ang boses ko "—takas," maging ang paghampas ko sa kanya ay bumagal na hangga't sa nahinto ko na talaga.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon