Chapter XXVI

2K 154 102
                                    

NATALIA

Kanina pa nakaangat ang kamao ko upang kumatok sa gate nila Eiveren, ayoko namang makaistorbo. Hindi ko rin masilayan si manong Rudy, hindi ako sigurado kung naka-duty siya ngayong gabi. Sinubukan ko na kaninang mag-doorbell ng dalawang beses at hindi ko na sinundan pa dahil sa hiya. Marahil nga ay wala pa si Eiveren.

Limang minuto na rin siguro akong nakatayo rito ngunit walang sumasagot sa pagdo-doorbell ko. Kinamot ko ang aking tuhod, nilalamok na ako. Pambihira.

"Natalia, hija?" Napalundag ako sa tinig na 'yon at napaharap sa pinanggalingan nito, "Gabing-gabi na anak, ah?" Puna ni manong Rudy. "May kailangan ka ba?" Usisa pa niya.

Agad akong umiling bilang sagot, ngunit ay hindi siya naniwala, bakas iyon sa pagtaas ng kanyang kilay. No one will believe me of course, who would've dare to run in the street in this uncertain time para lang sa wala?

"Pumasok ka na," yaya niya't binuksan ang maliit na pinto ng gate. Ngayon ko lang napansin na may dala siyang plastic na ang laman ay balut. Kaya pala walang sumasagot sa akin dahil umalis lamang siya sandali. "Nasa loob si sir Eiveren, kauuwi lang," pagbibigay-alam niya.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang malawak. "Maraming salamat po, manong. Maraming, maraming salamat," paulit-ulit kong sambit. Natatawang napailing na lamang siya nang tuluyan na akong tumakbo papuntang pintuan ng bahay ng amo niya. Huminga ako ng malalim. Ito na. Ito na talaga. Itinaas ko na ang aking kamao at kumatok.

Naghintay ako ng ilang minuto, walang sumagot, walang Eiveren na sumalubong sa'kin.Sinubukang kong muli ngunit gano'n pa rin hanggang sa naka-limang beses na lamang ako.

"Ayoko na nga," suko ko bago ko tinanggal ang suot kong tsinelas, tsinelas na in-arbor ko sa kanya. Baka kasi madumihan ko ang kumikinang niyang flooring sa oras na pumasok ako sa bahay niya.

Nang wala na akong suot na panyapak ay tumalon-talon ako. Kaya ko 'to! In the name of Lalabsko ay manghihimasok ako. Huuu! Iwinagayway ko pa ang aking kamay sa ere. Linsiyak, kinakabahan ako! Nahinto lamang ako sa ginagawa nang marinig ang pagbungisngis ni manong Rudy. Sa kahihiyan ay nag-peace sign na lamang ako sa kanya't alanganin siyang nginitian.

Ito na talaga. Ayoko ng patagalin pa kaya pinihit ko na lamang ang doorknob. Sa gulat ko ay agad itong nagbukas. Mas lalo akong kinabahan. Ano na lang ang sasabihin ni papa sa akin kapag nalaman niya 'to? Naku, sana pagbalik ko ay hindi pa siya gising. Sana ay hindi niya malaman ang lahat ng ginagawa ko ngayon—ginagawa na taliwas sa konserbatibo niyang pananaw.

I feel like I'm a rebel and this excites me.

Pero hindi ko mapigilang mahiya rin sa sarili. Si mama, ano na lang din kaya ang sasabihin niya sa oras na makita akong kasalukuyang naka-tiptoe habang naglalakad sa bahay ng isang lalaki na para bang isang magnanakaw? Takot na makalikha ng kahit anong kaluskos upang hindi makapukaw ng atensyon. Malamang ay madismaya rin siya sa'kin

—at teka? Bakit nga ba ako naka-tiptoe?

I just sneaked into his home like what he did in mine three nights straight, wala naman akong nanakawin—puso lang niya. Hihihi. Inihinto ko na ang pag-tiptoe at normal na naglakad. Mukha lang akong sira. Habang naglalakad ay napatingin ako sa dingding sunod sa pinto. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko dahil noong huling punta ko rito ay lumapat ang likod ko riyan, habang si Eiveren ay abala sa paghalik sa'kin.

Sino ba'ng hindi makakalimot sa bidding, failed blind date at pagiging pretend boyfriend niya na naganap ng iisang gabi lang?

"Ay, tipaklong—" gulat kong sambit dahil may mabalahibong nilalang na lumapit sa paanan ko "Cuddly!" Impit kong pagbati sa kanya, kinokontrol ang paglakas ng aking boses. He greeted me meow so I meowed back. Pakiramdam ko ay nahulog ang loob niya sa'kin dahil sa munting pagkakaintindihan na 'to. "Come here," binuhat ko siya't niyakap ng sobrang higpit. Nang mag-meow siyang muli ay niluwangan ko ang pagkakayapos sa kanya. "Sorry," sinsero kong paumanhin habang hinihimas-himas ang kanyang ulo, "I just missed you," amin ko. Sa tuwa ko ay dinilaan niya ang aking ilong. "Sweet," muli ko na naman siyang niyakap. "Ang kiyot, kiyot!" Gigil na gigil kong sambit. Dito ay tuluyan na siyang nag-panic at pilit na kumawala sa akin. "Sorry," binuhat ko na lamang siya na para bang isang sanggol. "Will tuck you in your bed, okie?" I cooed.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon