NATALIA
"Ewan ko sa'yo, Maria Natalia! Malalanta na lang 'yan sa katititig mo, eh!" Puna sa'kin ni ate habang ini-sprayan ko ang gardenia, isang araw makalipas nang ibigay sa akin ni Eiveren itong bulaklak.
"Fortunately walang light rays katulad ng araw ang mga mata ko," tugon ko.
"Hay, ewan ko sa'yo." pambabara niya na ikinatawa ko lamang.
"Ma'am Fifteen?" Tawag sa kanya ng isa sa mga empleyado niya, si Krisma. "Si Sir Shin po?" Nahinto ako sa pag-spray ng bulaklak at lumingon kay ate, curious sa isasagot niya't magiging reaksyon.
"Nasa Taiwan," malungkot niyang tugon.
"Ah, kaya po pala ganyan kayo ulit," dismayado ngunit nag-aalalang komento ni Krisma.
"Ulit?" Takang tanong ni ate, ngunit alam naman niya kung ano ang tinutukoy ng pinakamatagal na niyang empleyado rito. Bumalik kasi siya sa boyish niyang porma.
"Huwag mo na lang sagutin," agad na bawi ni ate. "Akyat muna ako sa taas, Natalia," baling niya sa'kin, "ikaw muna ang bahala rito."
"Ayay," malambing kong tugon. Nanggigil niya muna 'kong kinurot sa pisngi bago siya pumanhik sa opisina. Sinundan ko ng tingin ang daang tinahak niya. Hindi ko maiwasang mag-alala, wala namang nangyari sa kanilang dalawa ni kuya Shinichi. Marahil ay sobrang miss na miss na niya ang kanyang nobyo kaya siya nagkakaganiyan.
Nabanggit ko naman na tomboy siya rati, kaya ang pormahan niya noon ay boyish din. Na bumalik na naman ngayong araw. But who am I to judge anyway? There might be untold stories that she really wants to keep to herself.
Maraming minuto ang lumipas bago ko napagdesisyunang pumanhik sa opisina upang tignan ang lagay ni ate. Nadatnan ko siyang may tinitignan sa labas ng bintana kung kaya't nakiusyoso ako.
"Ah, ire-renovate raw 'yan, ate. Lumipat lang ng location 'yong botique shop nila," pagbibigay-alam ako kahit wala naman siyang tinatanong.
"Ah, so, may iba na palang papalit diyan?"
"Gano'n na nga. Talino mo, ate," pamimilosopo ko.
"Tigilan mo 'ko, Maria. Tara na nga sa baba," yaya niya't hinila ako.
Magpapatangay na sana ako ngunit nakita ko ang mailap at mabalahibong nilalang sa balat ng lupa.
"Teka, teka!" Pigil ko kay ate. "Si Fluffy, o!" Excited kong banggit at itinuro siya, hindi inaalis ang tingin sa pusa. Pumunta siya sa nakatakip na basurahan namin, umakyat doon, umikot-ikot bago humiga.
"Fluffy, meow meow!" tawag ko sa kanya. "Wis-wis-wis-wis-wis!" tawag kong muli, gamit-gamit na ang makapangyarihan at epektibong pang-summon ng mga pusa ngunit iba talaga sa lahat si Fluffy. Hindi 'yon tumalab sa kanya. Hindi niya 'ko pinansin. Tumayo lamang siyang muli at tumalon sa kabilang basurahan at doon ay namaluktot at natulog.
Eksaherado akong humalukipkip at bumusangot. "Hmpf."
"''Wag ka ng umasa, Natalia," natatawang sabi ni ate matapos saksihan ang kabuuan ng kabiguan ko.
"Nakakainis naman!" Maktol ko sabay padyak ng paa. "Bakit sa'yo lang lumalapit 'yon?"
"She's about to die, remember? I only helped her," mahinahon niyang sagot na para bang hindi pa niya naiki-kwento sa'kin ang pinagdaanan ng pobreng pusa.
"I know," nakasimangot kong tugon. "Pero soon, mapapaamo ko rin siya." determinado kong banggit. "Itaga pa natin sa kulay pink na clouds!"
***
Nakatitig pa rin ako sa cellphone ko. Hindi ko naman akalain na mananalo ako ng Dating Package sa isang restaurant na pinuntahan ko noong nakaraang araw lang. Kilala ang restaurant na 'yon at madalas naming kinakainan ni ate. Nasa ancestral house pa no'n si ate Fifteen kasama si kuya Shinichi kaya mag-isa lang akong nag-lunch that time.
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
Chick-LitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...