NATALIA
Nang magising ako ay wala na siya.
Akala ko pa naman ay good morning na ngunit bigo ako. Marahil ay natakot siya kay papa kung kaya ay maaga siyang umalis. Bumangon ako at pinasadahan ng tingin ang kama ko, binaliktad ang unan at itinupi ang aking kumot ngunit wala man lang akong nakitang note mula sa kanya. Wala ring nakaipit sa ilalim ng lampshade ko, o sa mismong bedside table ko.
Madaya talaga.
Mabigat ang aking mga paa na naglakad papuntang banyo, katulad ng inaasahan ay namamaga ang aking mga mata. Matutuloy na talaga ang hashtag feeling artistang pormahan ko ngayon. Nang bumaba ay nakaayos na ako with matching shades, dire-diretso lang ang aking lakad, hindi pinansin si ate Fifteen at papa na naga-almusal. Kunyari ay hindi ko sila nakita, ngunit, sino ba ang makakatakas sa kanila? Munting attempt ko lang naman 'to dahil baka'y paglagpasin nila ako pero ayon nga, hindi.
"Natalia!" Tawag sa akin ni ate Fifteen. Klinaro ko ang aking lalamunan at inaayos nang maigi ang suot na shades bago humarap sa kanila. "Halika rito," utos niya nang hindi ako humakbang palapit sa kanila, bagkus ay palayo pa nga, papunta sa pintuan, handa na silang takasan. "Stop what you're doing right now," tukoy niya sa paghakbang ko. Ngunit imbes na sumunod ay tinalikuran ko na sila't kumaripas ng takbo.
Napatalon ako sa tuwa nang makitang nilabas na ni ate ang kanyang kotse. Habang tumatakbo pa rin sa labas ay kinuha ko na sa shoulder bag ko ang duplicate key ng kotse niya't agad 'yong buksan.
"Maria Natalia!" Naiinis na sigaw ni ate Fifteen habang hinahabol ako.
Nag-peace sign muna ako sa kanya bago pinaharurot ang kotse. Nang makalabas ng tuluyan sa subdivision ay napahawak ako sa'king tiyan, para na itong kumukulo ngayon dahil wala pa akong almusal. Dumaan muna ako sa isang French bakeshop at bumili ng paborito kong clubhouse sandwich at gatas. Pagdating sa Effloresence ay nangangalahati pa lang ako sa pagsubo sa pagkaing binili ko.
"Good morning, ma'am!" masayang bati nila na ginantihan ko rin naman. Pumunta ako sa likuran ng shop upang itapon ang paper bag na pinaglagyan ng pinamili kong pagkain. Binuksan ko na ang basaruhan, akma na 'tong itatapon nang may marinig akong kaluskos. Sa kuryosidad ay sinilip ko kung ano 'yon, napangiti ako nang masilayan ang mabalahibong puting nilalang.
"Fluffy!" She only hissed at me in response. "Sungit," nakabusangot kong sambit. "Hindi ko naman alam na nandiyan ka, eh," paliwanag ko sa kanya ngunit tinalikuran lamang niya ako. "Bastos talaga," bulong ko sa sarili. "Bagay kayo ni Eiveren, eh." Tinapon ko na ang paper bag at sinundan siya kung saan man siya pupunta. Nasa likuran lamang ako, tahimik ang aking paghakbang dahil alam kong tatakbuhan lamang niya ako sa oras na malaman niyang sinusundan ko siya.
"Meow," sabi niya. Huminto ako nang huminto rin siya upang maghilamos ng kanyang mukha. Sumubo ako ng sandwich at napaisip, kumain na kaya si Fluffy? Sa lagay ng katawan niya kasi ay mukhang oo, ang taba-taba pa rin, eh. Mukhang nadagdagan pa nga ang kanyang timbang.
"Hmm," tumingin ako sa'king sandwhich pabalik kay Fluffy. "Sige na nga." Umupo ako na parang naglalaro ng jolen at pumitas ng kaunti mula sa pagkain ko. Inilapag 'to ilang pulgada palayo sa'kin. "Fluffy, meow, meow," mahinhing tawag ko. Nagsisimula na naman ako sa hindi ko mabilang na-attempt upang paamuhin siya. "Come to mommy Natty," malambing kong tawag. Huminto siya sa kanyang ginagawa at humarap sa akin. "Masarap 'to," iniusog ko sa kanyang direksyon ang kapirasong pagkain. Hindi siya gumalaw, dinungaw lamang ang sandwhich na inilapit ko sa kanya. "Don't worry, walang lason 'yan. Hindi naman ako mamatay-pusa."
"Meow," tanging sambit niya na para bang sinasabing—hindi ako uto-uto, so don't me—bago humiga upang dilaan ang kanyang katawan. Hmpf, ma-attitude talaga. Bumagsak ang balikat ko dahil sa pagiging snob niya. Pusang 'to, kung umasta talaga, 'kala mo kung sino'ng famous.
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
أدب نسائيMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...