NATALIA
They're engage. Ate Fifteen and kuya Shinichi is now engage.
He sneaked into her room three nights ago and proposed, the same night he and Eiveren fetch us in the club. Kaya pala kinukutuban akong may gagawin siya, iyon na pala 'yon. Both of them are in an unexplainable state of glee. Though I know my sister is controlling it in front of me, hindi lang niya gusto ang ideyang masaya siya, samantalang ako, ganito pa rin.
There's no progress between us Eiveren.
I sigh and sip my coffee. Lumukot ang mukha ko, I am not even a coffee drinker. What am I doing with my life? Eksaherada akong bumuntong hininga, nangalumbaba't bumusangot. Pinagmasdan ko na lamang ang mga taong dumadaan mula sa rito sa coffee shop na kinalalagyan ko ngayon. Sinipat ko ang aking relo, sampung minuto na rin akong naghihintay sa kanya.
"Frieeeeeend!" I snap my head up and saw my best friend rushing towards me.
"You are late, Evanescence," bungad ko sa kanya at hinila nang pabiro ang buhok niya. Yes, we spoke yesterday and decided to meet here. "You never change." I smirked at her, looking down at her 3 inches heels, making her look taller than the usual. This woman has a knack in fashion and can be a model if she wants to.
Ginantihan niya ako sa pamamagitan nang paghampas sa'kin gamit ang fancy notebook na hawak niya. "Sorry," sinsero niyang sambit, "I just met a weird girl," she explained as she takes her seat.
"Weird girl?" ulit ko.
"Nothing important," kinumpas niya ang kanyang kamay senyales na palagpasin ko na lamang ang binanggit niya. Dumako ang kanyang tingin sa tasa ko, nangangalahati na 'ko sa inuming in-order ko. "You're drinking coffee now?" Tanong niya na may pagdududa sa kanyang ekspresyon.
"I am sleepy but I need to stay awake," paliwanag ko.
"Are you okay?" mabagal niyang tanong, ang saya sa kanyang mga mata sa muling pagkikita namin ay napalitan ng pag-aalala. "No," sagot din niya agad matapos akong pagmasdan ng ilang segundo. "No, you're not." She tucks the strands of her hair behind her ear and put her knuckles under her chin—her habit while she's thinking.
Napansin kong may mga guhit ng ballpen ang kanyang palad. Dumako muli ang tingin ko sa notebook na pinanghampas niya sa'kin kanina."Are you manually calculating something?" Tanong ko, may himig ng pang-aasar.
"What?" Dumako ang tingin niya sa notebook na hawak niya. "No!" Natataranta niyang itinago ang notebook na 'yon sa kanyang bag. Okay, now I am curious. "Wala lang 'to." Nginitian niya ko ng sobrang tamis.
"Eva," I look at her knowingly. "Fine." Himig-tampo kong sambit nang mapagtantong wala talaga siyang balak ibahagi sa'kin kung anuman ang laman nito. "Alam ko namang wala kang tiwala sa'kin, eh," pagda-drama ko. Ito na ang madalas naming linya sa isa't-isa simula pa man noong nasa kolehiyo kami.
"Woi," natatawa ngunit nag-aalala niyang sabi. "Ngayon na nga lang tayo nagkita ulit, drama mo pa?" You have no idea, I am about to say but refrain myself. Humalukipkip siya. "Our agenda here is to catch up, okay?" She lays her palms flatly on the table. "It has been 6 months, 2 weeks and 3 days since we last saw each other!"
This is Eva, she likes counting everything and I mean, everything.
"I missed you big time!" She said theatrically.
I laugh, "I missed you, too."
"Seems like you're not happy to see me," komento niya.
Binato ko siya ng tissue. "Baliw," natatawa kong sambit dahil nagsimula na siyang suminghot-singhot na para bang umiiyak. "I missed you."
BINABASA MO ANG
Kiss and Run
ChickLitMaria Natalia Dimalanta always daydream about her own romantic story, it was even fueled when her sister finally found her love match. Lagi niyang iniisip kung kailan ba darating ang lalaking inireserba para sa kanya ng Panginoon. She didn't know n...