Chapter XXXV

1.8K 145 56
                                    

NATALIA

Two weeks had gone. Two weeks had gone since my heart and mind went on autopilot. Wala na akong balita sa kanya. Gusto kong alamin kung ayos lang ba siya, kung kumakain pa ba siya sa tamang oras ngunit hindi ko na magawa.

Wala namang nagbago simula nang sinabi niya sa'kin ang pahapyaw na bahagi ng buhay niya. Mas lalo ko lang siyang naitindihan, minahal at...kinamuhian. Kinamuhian dahil sa ginagawa niya sa buhay niya. Hindi ko na magawang alamin pa kung ayos lang ba siya dahil kinagabihan noon ay umalis siya sa kanyang bahay. Nalaman ko 'to kay manong Rudy, hindi niya alam saan siya nagpunta, bagkus ay binilin lang sa kanya ang bahay. Si manong na rin mismo ang nagsauli sa akin kay Fluffy, nagtamo pa nga ang kaawa-awang gwardiya ng apat at mahahabang kalmot mula sa alaga ko.

Kahit ayaw pa niyang magpakita't bakas na tinataguan ako ay hindi pa rin tapos ang laban. Kahit nasabi ko pa ang mga salitang 'yon sa kanya, hindi naman nangngahulugang sumuko na 'ko. He deserves to hear those words, anyway. Kahit na pinigilan ako ni ate at pinagsabihang kailangan ko munang magpahinga—sa lahat ng aspeto—ay hindi ako nakinig. I didn't listen and remain fighting. Though somehow, I thank my sister, my father, and Eva for being here, for comforting me by their own unique ways.

I smile when I remember Eva bringing large silver scissors, the second time we met for a date. She itch to find Eiveren only to cut his balls off.

My cheeks burned instantly when I remember that he was awake when I confessed my feelings for him. Matagal na pala niyang alam na Lalabsko ang tawag ko sa kanya! I don't know if I will laugh because of the bitterness or the silliness. No wonder na pumayag siyang tawagin akong Natalialalabsko ko noon. Pampalubag lang marahil 'yon. That is the most awkward endearment he said to me but undeniably cute at the same time.

Ah, I miss him.

Marahan kong sinuklay ang aking buhok, medyo napangiwi pa 'ko dahil sa masakit pa rin ang anit ko. Sinambunutan lang naman ako ni ate nang kinwento ko ang nangyari.

Hindi niya akalain na nagawa ko 'yon. Maging ako rin naman. Magpaganunpaman ay proud ako sa'king sarili dahil nasabi ko ang gusto ko at kung ano ang nararamdaman ko. Nagpakatotoo lang ako at hindi naman kasalanan 'yon. I am clinging to the little hope that maybe, one day; he would change his mind by letting me be a part of his life.

"Ma'am." Umangat ang tingin ko sa driver. Mukhang kanina pa niya 'ko tinatawag, bakas na ang inis sa kanyang ekspresyon at tono.

"Sorry po," paumanhin ko. Napa-overthink lang po.

"Nandito na po tayo," pagbibigay-alam niya. Mabilis akong tumango, inabot ang bayad sa kanya at muling humingi ng pasensya.

Bahagyang nanginginig ang aking mga daliri nang binuksan ang kotse. Huminga ako nang malalim habang nakatitig sa nakakalulang gusali na pagmamay-ari ni Eiveren. Inisang lagok ko ang energy drink na binili ko sa isang convenient store at itinapon 'to sa malapit na basaruhan.

I am going to ask Laura where Eiveren is.

***

"Come on, Laura." Magkasaklop ang mga kamay kong pagmamakaawa sa kanya. Mahigit labinlimang minuto ko na rin siyang pinipilit na sabihin kung nasaan ang amo niya. Pumasok pa 'ko sa opisina ni Eiveren dahil baka pinagtatakpan lamang siya ng sekretarya niya ngunit talagang malinis ito, bakas na walang taong gumagamit ng lugar ilang araw nang nakalilipas.

Mas lalo lang sumidhi ang pagtataka, kuryosidad at hindi mapigilang pag-aalala ko para kay Eiveren.

"I'm sorry," Laura muttered for the umpteenth time. "I am your love team's number one fan, yes, but I received my boss's 'strict' order," she said, feeling sorry, air quoting the word strict the moment she utter the word. "Even if I want to, hindi talaga pwede." Puno nang pakikisimpatiyang tumingin sa'kin. "Gusto mo ba ng chocolate?" Inabot niya sa'kin ang isang bar ng matamis na pagkain.

Kiss and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon