Chapter 1 : First Meet, First Headache

10.9K 230 4
                                    

"SO WHAT'S the point in all of this

When you will never change..."

"I LOVE YOU, GRENDLE!!"

Halos mabingi si Donita sa tilian na iyon sa paligid nang mag umpisang kumanta ang bokalista ng bandang The Rebel Slam sa ginaganap na battle of the bands na iyon.

"The days had passed

The weather's change

Should I be sorry?

Should I be sorry?"

"Donita..."

Napalingon siya sa humawak sa braso niya. Agad siyang napangiti nang makilala ang kasintahan.

"Gerald! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa ako dito."

"Can we talk?"

"Nag-uusap na tayo." Bahagya siyang nabahala sa reaksyon nito ngayon. Hindi ito ngumingiti at tila ba tensyonado.

"No. I mean, hindi dito. Let's go somewhere..."

"But you, you think about yourself

Only but yourself

But what about..."

Hindi na niya nadinig ang ibang sinabi nito dahil napuno na naman ng tilian ang paligid ng sumapit sa chorus ang kinakanta ng banda.

"The lonely nights

Romantic moments

The love, love

What about that?

Throw it all away..."

Naramdaman niya ang paghila ni Gerald sa kanya palayo sa nagwawalang manonood. Nakarating sila sa parke na katabi ng stage na pinagdadausan ng contest.

"Gerald..."

"May sasabihin ako, Donita. Sana maintindihan mo."

"Ano iyon, Gerald? Ah! Iniisip mo bang nagalit ako dahil nalate ka? Hindi naman—"

"Gusto ko nang makipag-break, Donita."

Nabitin ang hininga sa biglaang sinabi nito. Daig niya pa ang pinasabugan ng bala ng kanyon sa narinig.

"A-ano 'ka mo?"

"Sorry, Donita. Gusto ko nang makipagkalas sa 'yo."

Noon pa lang nakapagreact ang katawan niyang tila namanhid. Ramdam niya ang sakit na gumuhit sa dibdib. Nanubig ang mga mata niya.

"P-pero, Gerald... B-bakit?" Hindi. Hindi nangyayari ito.

"Hindi na kita mahal Donita. Palagi ka kasing hindi available kapag nagyayaya ako ng date—"

"Pero pumayag akong sumama sa 'yo dito!" mataas ang boses na protesta niya.

"Yeah. I'm glad na pinagbigyan mo ang hiling ko," he said sarcastically. "Pero it doesn't change the fact na gusto ko nang makipaghiwalay sa 'yo. I'm sorry, Donita."

"Hindi mo na ba ako mahal? May iba ka na bang gusto kaya ayaw mo na sa 'kin?"

"Donita..."

"May mga naririnig akong tsismis na nagiging malapit daw kayo ni Crizel. Hindi ko iyon pinapansin dahil may tiwala ako sa 'yo. Tapos..." Tuluyan nang tumulo ang luha niya. Pero hindi niya iyon alintana. "Sabihin mong nagbibiro ka lang, Gerald."

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon