CHAPTER THIRTY-THREE (FINALE)
EPILOGUE
"Everytime I see your face
Everytime you look my way
It's like it falls into place
Everything feels right
Ever since you walked away
And left my life in disarray
All I want is one more day
That's all I need
One more day with you..."
Nakasampa na si Donita sa cottage na pinagtutugtugan ng Rebel Slam. Bihag pa rin ni Grendle ang mga mata niya.
Nang matapos ang kanta nito ay humugot ito ng malalim na buntong hininga.
"I want to steal this moment to tell these things for a very special girl right in front of my eyes..." Hinubad nito ang gitara at nagsimulang lumapit sa kanya. "Donita Santiago..."
Napapitlag siya nang tawagin nito ang buong pangalan niya. Tila may tumadyak sa puso niya at umarangkada na iyon sa pagkabog.
"I may be a rebel but I swear to God that it is true when I say I love you. You are the only reason of my smile, of my laughter... Ikaw ang dahilan kung bakit nagkakulay muli ang mundo ko. You erase the pain in my heart and give my life its meaning." Ngumiti ito. "I may be rude and not good in words but believe me when I tell you.... I love you."
Napasinghap ang lahat sa tahasang pag-amin nito ng nararamdaman. Kabilang na siya doon. Hindi siya makapagsalita sa kaligayahang tila nag-uumapaw sa dibdib.
Nagtatapat ito ngayon sa kanya in front of his friends, these people, in front of his fans...
Isn't it... thoughtful and sweet?
"Lahat ng sinabi ko sa iyo noon. Lahat iyon ay totoo. Para sa iyo lahat ng kanta ko. Mahal na mahal kita. I'm so glad na narito ka sa tabi ko. And I want it to last forever... Now, can you be my girl? Officially?"
Naluluha na talaga siya. Nalulunod siya sa emosyong nasa mga mata nito.Ramdam niya ang katapatan sa boses nito.
And she can't let him down.
Tumango siya at bahagyang tumawa.
"Akala ko hindi mo na sasabihin 'yan."
He smiled that boyish smile of his that made him look more charming on her eyes.
"I'm telling you now. Hindi ako tatanggap ng tango lang. I want you to say it."
"Alam mo naman ang sagot ko diyan, eh. Oo na. Mahal din kita at payag na payag akong maging girlfriend mo."
Napangiti ito ng maluwang. Kita niya sa mga mata nito ang labis na kaligayahan.
"Papa Grendle, ipinagpalit mo na kami?" singit ng isang fans nito.
"Manahimik ka nga diyan! Wag kang panira ng moment."
Natawa siya nang makita ang nagsalita na iyon. It was Krizhia.
Natawa din si Grendle. Pagkuwa'y muli nitong itinapat ang mic sa bibig.
"I want you all to know that this girl is officially the sanctuary of my heart. Siya lang nag may karapatang magmay-ari ng puso ko. Siya lang ang mamahalin ko... Siya lang at wala nang iba. I love you with all my rebel heart, Donita!"
Hindi pa siya nakakasagot nang bigla siyang hapitin nito. Hindi siya nakapiyok nang lumapat sa labi niya ang labi nito.
Grendle kissed her... in front of these people! Ang saya!
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...