CHAPTER FIFTEEN
"ABOUT Aser?" kunot noong sabi ni Grendle matapos niyang tanungin ng tungkol sa kaibigan nito.
"Oo. May girlfriend na ba siya?"
Tila gusto niyang bawiin ang tanong nang batuhin siya nito ng matalim na tingin.
"Bakit mo tinatanong?"
"Wala lang."
Naghahanap kasi siya ng impormasyon para mapaurong si Irene sa gagawin nitong paghahabol kay Aser.
"Malay ko," masungit na sabi ni Grendle. Tumayo na ito sa pagkakaupo. Iniwan na lang basta ang gitara doon.
"Teka, saan ka pupunta?"
"Tapos na ang lecture natin, di ba? Matutulog na ako."
"Sandali lang..."
Hala, nagalit yata. Wala naman siyang sinabing masama ah. Nagtatanong lang naman siya. Saka ano'ng mali sa tanong niya?
"Grendle!"
Hinabol niya ito papasok sa kabahayan.
Subalit hindi man lang siya nito pinansin. Tuloy-tuloy itong naglakad.
Nang maabutan niya ito ay pinigilan niya ito sa braso.
"Bakit ba?" paasik na sabi nito sa kanya sabay pagpag sa kamay niya.
"Bakit ba nagagalit ka?"
"Galit ba ako? Hindi naman ah!"
Hindi daw, eh halos marinig sa apat na sulok ng mansion ang boses nito.
"Bakit naninigaw ka?"
Hininaan nito ng bahagya ang boses. "Hindi naman ako sumisigaw, ah!"
"Malakas ang boses mo."
Hininaan pa nito ang boses. "Hindi nga."
"O, ngayon. Bakit nagagalit ka? Ano'ng nasabi kong mali?"
"Hindi ako galit."
She gave him an I-don't-believe-you look. Humalukipkip pa siya.
Napailing ito. "Bahala ka na nga diyan!" Nakaismid na tinungo nito ang grand staircase.
Hinabol niya itong muli.
"Hoy, Grendle!"
Mahigpit na niya itong hinawakan sa braso nang maabutan niya ito.
"Bitawan mo nga ako!"
Subalit hindi niya ito binitawan.
"Bakit ka nga nagagalit? Tinanong ko lang naman kung may girlfriend na si--"
"Stop it!" malakas na sabi nito. Gigil na hinarap siya nito. "Hindi ko nga alam, di ba? Pakialam ko sa lovelife no'n."
Hindi siya nagpasindak dito. Nakipagtitigan pa siya.
Ewan pero gusto niyang malaman kung ano'ng ipinagpuputok ng butse nito.
Sa inaasal nito ngayon, gusto niya tuloy isipin na may galit ito sa kaibigan nito... o baka naman...
Binura niya ang iniisip.
"O, e bakit ka nga nagagalit?"
"Hindi nga ako galit," gigil na sabi nito. Tila ba nauubusan na ng pasensya sa kanya.
"Galit ka."
"Hindi nga. Bakit ba ang kulit mo?"
"Kasi iba ang sinasabi mo, sa reaksyon mo!"
"Bakit, ano ba dapat ang reaksyon ko?"
Saka niya lang napansin na kay lapit na pala ng mga mukha nila sa isa't isa. Habang nagtatalo sila ay hindi na niya napansin na unti-unting nagkakalapit ang mga mukha nila.
Hindi agad siya nakapagsalita. Nagsimula na naman ang puso niya sa hindi normal na pagkabog.
Mukha namang napansin na rin ni Grendle ang sitwasyon nila. Nakahawak pa rin siya sa braso nito at ilang dangkal na lang ang layo ng mga mukha at katawan nila sa isa't isa.
Napatingin ito sa kamay niyang nasa braso nito.
Dagli naman siyang nailang at mabilis na binitawan iyon. Napaatras siya at ibinaling sa painting na nasa dingding ang paningin.
'Paano ko ba pipigilan ang puso kong tumibok ng ganito? Kasalanan mo ito, Grendle!'
Maya-maya'y umupo ito sa baitang ng hagdan. Napabuntong hininga.
"Bakit mo tinatanong kung may girlfriend na si Aser?" mahinahon na'ng sabi nito.
Napatingin siya dito. Nag-isip pa siya kung sasabihin niya dito ang gagawing kahibangan ni Irene.
"Wala lang--"
"Wala lang pala, eh," at tumayo na naman ito at tumalikod.
"Sandali lang," pigil niya dito. Mukhang kailangan talaga niyang sabihin dito ang lahat.
Muli itong tumingin sa kanya.
Huminga muna siya ng malalim.
"Si Irene kasi, eh..."
"Sino'ng Irene?" kunot noong tanong nito.
Hindi niya alam kung matatawa o mabubwisit sa tanong nito.
"Iyong kaibigan ko na kasama ko dito no'ng unang beses na nagpunta ako dito."
Nag-isip pa ito ng matagal.
'Sabunutan ko kaya ito hanggang sa maalala nito si Irene?'
"Ahh!"
"Naalala mo na?"
"Ano'ng tungkol dun sa babaeng iyon?"
Hindi na lang niya pinansin ang pananalita nito. Medyo sanay na rin siya sa kaantipatikuhan nito.
"Kasi... May gusto siya kay Aser. Gusto ko lang makakuha ng impormasyon na makakapigil sa kanya para maghabol sa kaibigan mo."
Tila natigilan ito sa sinabi niya.
"Iyon lang?" wari'y gulat na gulat sa tanong nito.
"Oo. Bakit, may iba pa ba?" takang sagot naman niya.
Natawa ito ng pagak. Pagkuwa'y bumalik sa pagkakaupo sa baitang ng hagdan. Para bang nakahinga ng maluwag.
Nagtatakang sinundan niya na lang ito ng tingin.
"Bakit?" Nagtataka na talaga siya dito ah! Kanina lang naninigaw ito, ngayon tumatawa na. "Dalhin na kaya kita sa mental diyan?"
"Basta ba pati ikaw kasama sa mental, okay lang."
Nagkatitigan sila. Nababaliw na yata talaga ang lalaking ito. Kung titingnan mo ito ngayon ay para bang natatawa pa samantalang kanina ay hindi maipinta ang mukha nito.
Pagkuwa'y sabay silang natawa.
"Bakit ka tumatawa?" tatawa tawang sabi niya.
"Ikaw, bakit ka tumatawa?"
Para na silang timang nito! Natatawa ng walang dahilan. May dahilan pala siya. Natatawa siya sa biglaang pagbabago ng mood nito. Para itong sira.
"Adik ka talaga, ano?"
"Matagal na."
Napailing na lang siya. Minsan ay nasasaulo na niya ang mga sagot at linya nitong ganoon. Ang kaibahan nga lang ngayon, hindi na siya gaanong naiirita dito.
"Wala pang girlfriend si Aser," maya-maya'y sabi nito.
Naupo si Donita sa tabi ni Grendle.
"Sinasabi mo bang may pag-asa si Irene?"
Nagkibit-balikat ito. "I don't know... But there's a girl na laging nakakabangga ni Aser sa tuwing sumasali kami sa battle of the bands." Nag-isip pa ito saglit. "I think, Aser likes the girl."
Hayun, may sasabihin na siya kay Irene para ma-turn off ito kay Aser... na may gusto na'ng ibang babae si Aser.
"Talaga? Ano pa?"
"Hmm... Bakit gusto mo'ng pigilin ang kaibigan mo?"
"Dahil... ayoko siyang magmukhang kawawa kahahabol sa taong hindi naman siya gusto."
"What made you think na walang gusto si Aser sa kaibigan mo? You don't know Aser."
"Oo nga. Pero parang happy-go-lucky yang si Aser. Hindi nga siya kasing babaero ni Clyde pero parang mas maloko siya..."
Marahang tumawa si Grendle.
"Bakit ka tumatawa? May nakakatawa ba sa sinasabi ko?"
"Wala... Hindi mo pa ganoon kakilala si Aser pero nalaman mo na agad kung sino siya. I'm impressed," tumingin ito sa kanya. "I'm wondering kung ano ang pagkakakilala mo rin sa akin."
Natigilan siya. Oo at nadecode niya na agad ang mga ugali ng mga kaibigan nito. Pero bakit ang ugali nito, hindi niya pa rin ma-gets? Siguro, ito ang taong pabago-bago ang mood o kaya... hay, ewan! Alam na niyang tamad, bugnutin, mayabang, at antipatiko ito. Pero habang tumatagal ay tila nabubura na sa isip niya ang mga katangian nitong iyon. Napapalitan iyon ng mga katangiang kabaliktaran ng unang impresyon nito sa kanya. And she likes it more. Lalo siyang nahuhulog dito sa tuwing makikita ang tunay na ugali nito.
Tila kay sarap malaman ng ibang katauhang hindi nito ipinapakita sa marami.
"Natahimik ka?"
Hindi siya sumagot. Nag-iisip pa rin siya.
Maya-maya'y nag-angat ito ng kamay at hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.
Pinigil niya ang sariling mapasinghap. Pero hindi niya mapipigil ang sarili na mamula lalo na ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Pakiramdam niya ay naririnig na nito ang malakas na pagkabog niyon.
Lalo lang siyang hindi nakapagsalita.
"Mas cute ka pala kapag ganito ka kalapit," nakangiting sabi nito.
'H-ha? Ano daw?' Inabot ng ilang saglit bago magsink sa utak niya ang sinabi nito. Saka niya lang din napansin na kay lapit na naman ng mga mukha nila sa isa't isa.
Hindi niya malaman ang gagawin. Lalo na nang mapatingin sa magagandang mga mata nito.
'Syet na malagkit! Bakit kailangang maging maganda ng mga mata niya? Pati buhok, ilong, pisngi na sobrang kinis, at mga labi... mga labing mapupula na parang kaysarap--'
"Hoy, Donita!" untag ni Grendle sabay alog sa kanya.
Tila nagising siya sa mahimbing na pagkakatulog.
Pakiramdam niya ay lalo siyang namula.
'My gahhdd! Nakakahiya! Huling huli niya ako na harap-harapan siyang pinagnanasaan!'
Parang napapasong pinalis niya ang kamay nito sa braso niya at umisod palayo dito.
"B-bakit?"
Ibinaling niya sa iba ang paningin.
Nagulat na lang siya nang bigla itong tumawa.
"B-bakit ka ba tumatawa diyan ha?" naiirita nang sabi niya. Subalit hindi pa rin siya makatingin dito.
"Nakakatawa ka kapag nagiging wierd ang kilos mo. Tell me, ano ba'ng iniisip mo kanina ha?"
At talagang...!
'Okay, napahiya talaga ako kanina doon. Pero kailangan ba talagang ipagngalandakan?'
"Itinanong mo sakin kanina kung ano'ng tingin ko sa'yo..." nagtitimping sagot niya. "Nag-iisip lang naman ako ng mas magandang term para sa tamad, mayabang, antipatiko--"
"Gwapo, charming, at magandang lalaki," dugtong nito sa sinasabi niya. Nakangiti pa ito ng pilyo.
"Napakayabang mo talaga, ano? With a capital N-A-P-A-K-A!"
On the contrary ay may katotohanan naman ang sinabi nito pero sa uri ng usapan nila ngayon, nuncang sumang ayon siya dito.
Tila naman nang-aasar na inisip pa nito kunyari ang in-spell niyang word.
Inis na binatukan na niya ito. Naaasar na talaga siya, eh.
"Aray! Nakakadalawa ka na, ah!"
"Paano kasi nakakaasar ka!" Magsasalita pa sanan ito pero inunahan na niya. "Lumalayo na tayo sa usapan. Magsabi ka pa ng mga tungkol kay Aser para maitsismis ko na sa kaibigan ko."
Kumikibot kibot ang labing umayos na ito ng upo. Tila gusto pang magreklamo dahil sa pambabatok niya pero pinaglagpas na lang.
Humanda na siyang makinig sa mga ikukwento nito.
-----------------------------
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
TeenfikceBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...