CHAPTER FOUR
SA WAKAS! Matapos ang kalahating oras na paglalakad ay natagpuan din nila ang bloke ng bahay na nakalagay sa address na ibinigay sa kanya ni Grendle.
Napakataas na gate ang tumambad sa kanila. Hindi na siya magtataka kung ga-palasyo ang bahay nito.
Gate pa lang malaki na, 'yong bahay pa kaya?
Halatang walang tiwala at mayayaman ang mga nakatira doon dahil secured na nga ang subdivision ay napakatataas pa ng mga bakod at gate ng bawat bahay.
Nag-doorbell si Donita.
Ilang saglit pa ay may katulong na nagbukas ng gate.
"Hi po. Ako po si Donita, 'yong--"
"Pasok na kayo. Hinihintay ni Sir ang pagdating niyo."
Sir? Tatay ni Grendle o ito mismo? Hula niya ay 'yong huli.
Sumunod na sila papasok dito.
"Nasa music room sila." Itinuro nito ang isang pinto pagkatapos ay iniwan na sila.
"Donita, anlaki ng bahay nina Grendle. Tingnan mo, may chandellier pa. Hindi na ako magtataka kung kusina lang nila ang buong bahay namin."
"Sssh. Wag kang maingay, Irene. 'Wag kang pahalata. Tara na."
Aminin man niya o hindi ay tama si Irene sa sinabi. Napakalaki at napakaganda nga ng bahay nina Grendle. Napakaraming dekorasyon, furnitures at appliances siyang natatanaw. Pero napakatahimik naman ng lugar.
Kumatok muna sila bago pumasok sa pintong itinuro ng maid.
Pag-awang palang ng pinto ay dinig na agad nila ang rock music na tumutugtog sa loob. Nang sumilip siya ay nakita niyang tumutugtog ang The Rebel Slam. Naroon din pala ang mga kabanda ni Grendle.
"Pumasok ka na, Donita, nang makita ko naman."
Itinulak siya ni Irene kaya bigla siyang napapasok.
Hindi naman na-distract ang banda. Tuloy pa rin ang mga ito sa pagtugtog.
"Ang galing nila."
Muntik na siyang sumang-ayon kay Irene sa komento nito.
Nakaupo sa couch si Grendle habang tumitipa sa gitara nito. Nakaharap ito sa mic.
Ibang iba ito sa hambog na lalaking nakasalamuha ng nagdaang mga araw. Para kasing enjoy na enjoy ito ngayon at hindi kababakasan ng pagka-boring ang mukha.
Ganoon din pati ang ibang kagrupo nito.
"Alam ko ang kinakanta nila," narinig niyang sabi ni Irene.
Buti pa ito alam iyon. Siya ay hindi. Pero nagustuhan niya ang music.
Maya-maya'y dumako ang paningin ni Grendle sa kanila... sa kanya pala. Nang mag-angat ito ng paningin ay deretso agad iyon sa kanya.
"I'm trying to forget that I'm addicted to you
But I want it and I need it
I'm addicted to you
Now it's over
Can't forget what you said
And I never
Wanna do this again. Heartbreaker..."Hindi niya maintindihan ang lyrics niyon. Tulad ng hindi niya pagkaintindi sa mabilis na pagtibok ng puso niya habang magkalapat ang mga mata nila ni Grendle.
Tama nga si Irene ng sabihing gwapo at ma-appeal ito. Lalo na ngayong tumutugtog at kumakanta ito. Partida pa dahil nakaupo ito at kagagaling lang sa disgrasya. Para bang nalimutan na niyang bigla ang estado ng grades nito at kung gaano ito katamad mag-aral.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Genç KurguBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...