CHAPTER TWENTY-THREE

4.8K 144 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you..."

Hindi sapat ang pagkatulala para ipangdescribe sa reaksyon ni Donita habang nakatingin sa kumakantang si Grendle. Her mouth flew open. She was surprised, mesmerized, speechless and her heart beats faster.

"I may not have much to show
No diamonds that glow
No limousines
To take you where you go..."

Si Kyle at Aser ang tumitipa sa gitara, si Clyde naman ay nagbe-beatbox. While, Grendle... kumakanta ito habang may hawak na mic at tatlong pirasong white roses. Maraming tao sa paligid pero sa gawi niya ito nakatingin.

Nakaschool uniform pa si Grendle, gulo pa rin ang may kahabaan nang buhok nito, plantsado ang damit pero mukhang ginusot, nakatayo sa hallway na iyon na tila walang pakialam sa paligid... and yet she found him more handsome, more adorable and more appealling.

"But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take some time to lend an ear
To this ordinary song..."

Hindi niya alam kung bakit nito iyon kinakanta. Hindi niya alam kung bakit may dala pa itong mga rosas. Hindi niya alam... at wala na siyang pakialam sa paligid. While staring at Grendle's eyes, tila nagkaroon sila ng sarili nilang mundo. Wala si Irene, ang mga kabanda nito, at ang mga ususerong kamag-aral nila. Sila lang dalawa.
At ang tanging alam niya lang ay ang malakas na pagkabog ng puso niya at ang nakakakiliting pakiramdam na ito.

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you..."

'A simple guy who's so in love... with me?'

Totoo ba ito?

Grendle walks towards her while singing.

Wala siyang nagawa kundi ang sundan ito ng tingin. Wari ba'ng kapag kumurap siya ay magigising na lamang siya mula sa isang napakagandang panaginip.

"I don't even have the looks
To make you glance my way
The clothes I wear
May just seem so absurd..."

'You have the looks, Grendle! Kaya nga maraming humahanga sa'yo eh... Tulad ko.'

As for his clothes, kahit ano naman yatang ipasuot dito ay babagay dito.

'Haay... Lord, sana hindi ako nananaginip...'

Huminto ito sa harapan niya. He smiled at her.

Lalo lang bumilis ang pintig ng puso niya sa ngiting iyon.

He kneeled down and offered her the three white roses and stare at her with those eyes full of emotions.

Ngayon niya lamang nakitang nagpakita ng ganoong emosyon ang mga mata nito. Sa wari niya ay nakikita niya ngayon ang deep soul ni Grendle.

"But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you thru
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Please lend an ear to this ordinary song..."

Wala siyang kakayahang tanggihan ang mga bulaklak na iyon. Kusang umangat ang kamay niya at hinawakan ang stems ng roses.

Kinuha nito ang isa pang kamay niya at hinawakan iyon ng mahigpit.

Umugong ang kantyawan ng mga tao sa paligid pero wala na siyang pakialam. All she care is Grendle... only him...

Parang gusto niyang maiyak sa ipinahihiwatig ng kanta nito... sa ipinahihiwatig ng magaganda nitong mata na nakatitig sa kanya... sa ipinahihiwatig ng ngiting iyon sa mapupulang labi nito... the touch of his hand in her hand...

Nanatili itong nakaluhod habang nakatingala sa kanya.

Ordinary Song? She thinks it's not... Coz it matters a lot to her... dahil sa kantang ito ay nalaman niya...

"Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you..."

Mahal rin siya ni Grendle!
--------------------------------
"SAAN ba tayo pupunta, Grendle?" tanong ni Donita sa nagdadrive na si Grendle.

Kanina pa kasi sila nagbibiyahe sakay ng motor nito pero hindi pa nito iyon inihihinto. Tulad nga ng sinabi nito noong isang linggo, isinama siya nito sa kung saan mang pupuntahan nito ngayon.

Bahagya itong luminga sa kanya.

"Naiinip ka na ba? Malapit na tayo," he said softly.

Hindi na siya nagsalita. Nakuntento na lamang siya sa pagmamasid sa mukha ni Grendle, bagaman hindi niya gaanong nakikita dahil nakatalikod ito at nakahelmet pa tulad niya.

Binilisan nito ang patakbo sa motor kaya napahigpit ang pagkakakapit niya sa bewang nito. Ito ang naglagay ng kamay niya paikot sa bewang nito bago sila bumyahe. Ngayon ay halos magpang-abot na ang mga kamay niya. Halos nakadikit na ang dibdib niya sa likod nito.

At napakasarap pala sa pakiramdam ang ganito. Aba'y parang nakayakap niya na rin ang lalaki eh. Nakatalikod nga lang ito.

Napakalakas ng kabog ng puso niya. Pakiramdam niya ay naririnig nito iyon. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha. Kung pwede nga lang bang kontrolin ang puso sa pagkabog, ginawa na niya. Kaso ay malabo iyon lalo na kung ang lalaking ito ang nalalapit sa kanya.

Pero bakit ba kabaliktaran ang nararamdaman niyang tibok ng puso nito sa kanya? His heartbeat looks normal. Hindi katulad ng tila pagkakareran ng mga daga sa dibdib niya.

Naalala niya ang nangyari sa 'panghaharana' nito sa kanya sa school. Napangiti tuloy siya.

After he sang, isa lang ang sinabi nito:

"Kung ang paraan para maging tayo ay ang panliligaw ko sa'yo, so be it. I'll court you in proper way. I can wait." Then he smiled, the kind of smile that can make her knees gone weak.

They're in the middle of their co-students but it seems like they own the world. Wala na siyang pakialam sa paligid while ito naman ay lagi namang walang pakialam sa mga taong nakapaligid dito.

He's going to court her. At pinatunayan naman nito iyon. Kahapon nang mag-uwian ay inihatid siya nito sa bahay nila at maayos na humarap kina nanay Cory at tatay Greg niya. Kanina naman ay sinundo pa siya nito at ipinagpaalam sa mga tumatayong magulang niya.

At siya? Lihim na lang na kinikilig. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa siya makapaniwala na nangyayari ang ganitong bagay. Hanggang ngayon ay speachless pa rin siya.

Although wala itong sinasabi tungkol sa love love na 'yan, his actions speak louder.

Ano kaya kung sagutin na niya ito? Tutal inamin na naman niya sa sarili na mahal niya ito.

Pero paano kung hindi naman pala siya nito mahal? Wala namang sinasabi, 'di ba? His actions makes her feel that he loves her. Pero hindi naman nito sinasabi.

Ah! Kapag nagtapat na ito ng harapan, when he finally say 'I love you', mag-a-I love you na rin siya.

Lumuwang ang ngiti niya sa naisip.

Tama! Mahal niya ito at hindi na niya hihintaying may makaagaw ng pansin nito bago siya umamin dito. She can't afford to lose him.

Wala sa loob na hinigpitan niyang lalo ang pagkakayapos sa bewang nito. She looks up at his face.

'Bakit ba minahal kita ng ganito, Grendle? Mas mahal pa yata kita kesa kay Gerald. Sana lang... wag mo akong saktan tulad ng ginawa niya. Dahil alam kong wala nang Grendle ang sasalo sa akin sa oras na madulas ulit ako at mangungulit sa akin sa mga oras na dapat ay nagmumukmok ako...'

"Nandito na tayo."

Natauhan siya nang magsalita si Grendle. Hindi niya namalayang huminto na sila.

Luminga siya sa paligid. Isang mababang gate at isang pangkaraniwang bahay lang ang nasa harapan nila. Ang paligid nila ay pulos pangkaraniwang bahay din ang nakatayo. Sa kalsada ay may maraming batang naglalaro at ang mga magulang ng mga iyon ay nagkukwentuhan habang nagmamasid sa mga ito. Isang tipikal na baranggay ang kinaroroonan nila.

Napansin niyang halos lahat ng mga tambay sa paligid ay sa kanila nakatingin.

Grendle removed his helmet. Hinawakan nito ang kamay niyang nakapulupot pa rin sa bewang nito. Pagkuwa'y binalingan siya nito.

"Nainip ka ba sa biyahe?"

"Nasaan tayo, Grendle?" bagkus ay kunot-noong tanong niya dito. Tingin niya kasi dito ay walang kakilala sa mga taong sa ganito kapangkaraniwan na lugar nakatira.

"Nasa kalsada."

"Alam ko." Namilosopo na naman po. "Pero ano'ng ginagawa natin dito?"

Nangingiting tumingin ito sa hinintuan nilang bahay.

"Wala lang. Joyride. Para lang makasama kita. Ayaw mo ba akong kasama?"

Kung hindi lang nito hawak ang kamay niya ay nabatukan na niya ito. Syempre'y gusto niyang makasama ito lagi-lagi. Pero hindi siya kumbinsidong 'wala lang' ang pagpunta nila doon.

"Bakit nga?... Bitawan mo muna nga ang kamay ko. Pinagtitinginan na tayo, o."

"Okay lang 'yan. Don't mind them. Isa lang naman ang nasa isip nila. That you are my girlfriend and I'm your boyfriend."

Napangiti siya.

"Paano kita magiging boyfriend? Hindi pa naman kita sinasagot, ah!"

"Sus! Gano'n na rin 'yon."

Binitiwan na nito ang kamay niya at bumaba na ng motor.

Umayos naman siya ng upo. Akmang aalisin niya ang suot na helmet subalit naunahan siya ni Grendle. Ito na mismo ang nagtanggal ng helmet niya. Iniipit pa nito sa likod ng tenga niya ang ilang hiblang nahulog sa mukha niya.

Napatulala lang siya sa gwapong mukha nito. Kahit minu-minuto niyang tingnan ang mukha nito ay para bang hindi siya magsasawa.

'Hay, ito ka na naman, Grendle! Pinapakilig mo na naman ako! Lalo lang tuloy akong nahuhulog sa'yo!'

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon