CHAPTER TWENTY-ONE

5.1K 159 1
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

"PAPASOK ka ngayon, 'tol?" hindi makapaniwalang bulalas ni Clyde.

"Oo nga, GJ? May sakit ka ba? Masyado na bang malubha ang injury mo?" segunda naman ni Aser na sinalat pa ang noo niya.

"Sigurado ka bang matino ang doktor na gumamot sa'yo? Bakit lalo yatang tumagilid ang utak mo?" sabi naman ni Kyle. Kunot-noo din itong nakatingin sa kanya.

Gustong mapikon ni Grendle sa mga reaksyon ng mga ito.

Nasa classroom kasi siya ng tanghaling iyon at hinihintay ang subject teacher nila. Kagagaling lang nila ni Donita sa paglalunch.

"Wala na ba akong karapatang pumasok sa klase ko?"

"Wala!" si Kyle. Siniko agad ito ni Aser.

"Ang ibig naming sabihin, GJ, nakakapanibago lang kasi."

"Oo nga, 'tol. Parang hindi ikaw 'yan."

Nakapangalumbabang tumingin siya sa labas.

"Magagalit na naman si Donita kapag hindi ako pumasok ngayon."

Yeah, that's right. Kanina lang ay hindi siya nito kinibo dahil nalaman nitong hindi siya pumasok. Mabuti na lang at kinakausap na siya nito ngayon. Ayaw niyang magalit ito sa kanya. Ewan ba niya pero hindi siya mapakali kapag hindi ito nagsasalita.

"Kaya naman pala!" palatak ni Aser.

"Yun 'yon eh!" tinapik pa siya sa balikat ni Clyde.

"Tss..." umismid lang si Kyle.

"Hoy, Kyle. Matulog ka na nga lang diyan. Panggulo ka sa pinag-uusapan namin eh!"

"Talagang matutulog ako, Clyde. Hindi mo na kailangang ipaalala iyon." At dumukdok na nga ito sa armchair nito.

"Hay! Tulog na naman! High blood na naman si Ma'am nito!"

Napailing na lang siya. "Don't mind him, Aser." Itinaas niya ang mga paa sa kaharap na upuan at sumandal sa sariling silya. "Kahit ako, inaantok na rin."

"Kidding aside, GJ. Seryoso ka na ba kay Donita, ha?"

"Oo nga, tol? Aba'y kung hindi dahil kay Donita, hindi ka papasok ngayon. Ano na ba talagang nararamdaman mo sa kanya?"

Napaisip din siya.

Hmm. Ano nga ba?

He can't deny that there was something special. Hindi siya maaapektuhan ng ganito kung wala.

Pero pakiramdam niya ay hindi pa siya handa. Ewan niya pero may kulang pa sa kanya. He can't give it all to Donita.

Pero hindi naman niya kayang magalit ito sa kanya. He wanted to avoid her pero hindi niya rin nagawa. Hindi ba't pinagpilitan niya pa nga ang sarili na maging boyfriend nito?

Hmm... ano nga ba?

"'Tol, mahal mo na ba si Donita?"

Mahal? Ang ibig bang sabihin ni Clyde doon ay ang mabilis na pagpintig ng puso niya sa tuwing nakikita si Donita? Ang dagundong ng kaba sa tuwing malapit ito? Ang pagiging masaya kapag kasama ito? Ang kiliting iyon na bumabalot sa puso niya kapag ngumingiti ito at wala siyang magawa kundi ang mapangiti din?

Iyon ba ang ibig nitong ipakahulugan sa sinabi nitong 'mahal'?

Pinakiramdaman niya ang sarili. He felt the excitement on the thought of it. Napangiti siya.

'Donita... mahal na yata kita.'

-------------------------

NAPAHINTO sa pagsusulat si Donita. Maya-maya'y alanganing tumingin sa kaharap. Napaangat ang isang kilay niya ng makasalubong ang paningin nito.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon