CHAPTER FIVE

6.3K 174 3
                                    

CHAPTER FIVE

"ANO 'yan?" kunot noong tanong ni Grendle kay Donita.

Pagkalapag niya kasi ng juice nito ay inilapag niya din ang tatlong libro sa harapan nito.

"Ito?" tinapik niya pa ang mga libro. "Ito ang pag-aaralan natin ngayon."

"WHAT?" bulalas nito pagkatapos ay masamang tiningnan ang mga libro. "Wait a second. As far as I'm concerned, ang napag-usapan lang natin ay ang pagninilbihan mo sa akin."

"Oo nga. Pero iba ang napag-usapan natin sa napag-usapan namin ni Sir Guevarra."

"Sino 'yon?"

Batukan niya kaya ito? Wag nitong sabihing hindi nito kilala ang guro nila?

Natawa naman sina Aser at Clyde.

"Si Sir Guevarra. Iyong teacher natin sa Physics!" nandidilat na sabi niya dito.

"Whoever he is. Wala akong pakialam sa napag-usapan niyo." Dinampot nito ang juice na tinimpla niya at ininom iyon. "Sino'ng nagtimpla nito?"

Ngayon ay nagsisisi siya kung bakit hindi niya nilagyan ng asin ang inumin nito imbes na asukal.

Nagsisimula na naman siyang mairita rito. Okay lang sana kahit hindi ito mag-aral. Grades naman nito ang babagsak hindi ang kanya. Pero sa isiping nakasalalay sa pagpasa nito ang grades niya, ibang usapan na yata iyon. Napag-isip-isip niya rin na damay din pati ang reputasyon ng Student's Council. Kapag kasi bumagsak ito na nai-tutor nila, siguradong bababa ang trust rating ng buong campus sa kanila.

Hindi niya pinansin ng tanong nito.

Relax lang, Donita. Kailangan mo siyang maturuan.

"Itu-tutor kita kaya dapat lang na may pakialam ka sa pinag-usapan namin ni Sir Guevarra. Ano'ng gusto mong unahin natin." Binuklat niya ang isang libro. "Ah, itong Math muna."

Napasimangot si Grendle.

Napansin niya ring nagsiurungan ang mga kaibigan nito.

"Uuwi na ako," singit ni Kyle na nagtuloy-tuloy lumabas.

Napatikhim naman si Clyde. "Ah, 'tol. Uuwi na rin ako. May gagawin pa pala ako." Tumayo na rin ito at lumabas na.

"Ah! Ako din pala! Papakainin ko pa ang alaga kong chihuahua. Bukas na lang, GJ." Tumayo na rin si Aser.

"Aalis ka na rin, Aser? Sabay na ako." singit naman ni Irene. Pagkuwa'y bumaling ito sa kanya. "Nagtext ang kuya ko, Donita. Pinapauwi na ako."

"Teka iiwan mo ako dito?"

"Emergency kasi, Donita. Saka hindi mo naman ako kailangan pa sa mga ganyang matters. Bukas nalang. Sige, Grendle. Bye!"

"Teka..." hindi na siya nakapiyok pa dahil nawala na ang dalawa sa paningin niya.

Napangiwi siya ng mapagtanto kung bakit nagsilayasan ang mga ito. Mukhang allergic ang mga kaibigan ni Grendle sa salitang 'Math'. Well, pati naman ito ay tila gusto na rin siyang layasan kaso nga lang ay hindi pa nito kayang tumayo at maglakad.

Pero kahit siguro ibang salitang may kaugnayan sa pag-aaral ay allergic pa rin ang mga ito.

"Ayokong mag-aral," narinig niyang sabi ni Grendle. Kumuha ito ng sandwich at kumagat doon.

Napabaling naman siya dito.

"Hindi pwede. Nakasalalay sa 'yo ang grades ko at ang reputasyon ng Student's Council."

Napaangat ang isang kilay nito. Para bang sinasabing: 'Ano'ng paki ko?' At ipinagpatuloy lang ang pagkain.

Gustong sumulak ang dugo niya sa iniasta nito.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon