CHAPTER ELEVEN

5.4K 156 2
                                    

CHAPTER ELEVEN

DUG DUG DUG DUG...

Rinig na rinig ni Donita malakas na pintig ng puso niya. Duda siyang hindi iyon naririnig ni Grendle. Sobrang lapit kasi nito sa kanya. Nakayakap ang mga braso sa bewang niya at nakapatong ang ulo sa balikat niya.

'Syet! Mabango pa ba ako? Baka amoy pawis na ako! Dyahe naman o!'

Natigilan siya nang mapagtanto ang iniisip. Agad na sinaway ang sarili. Gulong gulo na nga sa dibdib niya pero amoy niya pa rin ang iniisip niya.

Napabuga siya nang hangin. Kailangan niyang kalamayin ang sarili. Baka mamaya ay tuluyan na siyang mawala sa hwisyo dahil sa unggoy na ito. Dapat niyang isaisip na nagdadrive siya ngayon.

Pinilit niyang magconcentrate. Itinutok niya sa daan ang paningin.

"Donita..."

Natigilan siya kasabay nang pagrarambulan muli sa dibdib niya.

This is the first time na tinawag siya nito sa pangalan niya.

Tila nawala ang salitang 'concentrate' sa isip niya. Muntik niya na namang mabitawan ang manibela. Mabuti na lang at maagap si Grendle. Nahawakan agad nito ang manibela. Ang problema nga lang, pati kamay niya ay nahawakan din nito at lalong lumapit ang katawan nito sa katawan niya. Nakulong siya sa pagitan ng mga braso nito.

Nahigit niya ang paghinga. Gustong manigas ng likod niya nang lumapat doon ang matigas na katawan ni Grendle.

"Be careful. Kailangan pa nating umuwi."

Napabuntong hininga siya at pinilit ibalik ang utak niyang nag alsa balutan na yata.

"G-Grendle..." Ahhh... ano nga bang sasabihin niya? Isip, Donita. Isip.

"This is the first time na ipinagdrive ako ng isang babae. And I can tell, mas magandang ako na lang ang magdrive kesa sa kanya... Ayoko kasing mapahamak siya."

Dapat ang sinabi na lang ni Grendle ay: "Ayoko kasing mapahamak ako dahil sa kanya." Sa gayon ay matotolerate na niya ang nararamdaman. But he didn't say it. Iba ang sinabi nito na naging dahilan na naman nang pagdoble pang lalo ng pagkabog ng puso niya.

"B-bakit?" Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig niya.

"Coz she's special," paanas na sagot nito na malinaw na nakarating sa pandinig niya.

Lalong wala na siyang maisip pa. Pakiramdam niya ay huminto ang pag-inog ng mundo para sa kanilang dalawa.

Maya-maya'y marahan itong tumawa.

"I can't believe I'm saying this. Magdrive ka na.... at ayusin mo. Gusto ko pang makauwi ng buhay," antipatiko na'ng sabi nito. Mahigpit muna nitong hinawakan ang kamay niyang nasa manibela bago nito inalis iyon. Lumayo na rin ito sa katawan niya.

Ngunit kahit gano'n kadali nitong nabago ang pananalita nito, nanatiling nakatatak pa rin sa utak niya ang mga sinabi nito kanina.

'Coz she's special...'

Hindi niya namalayan ang kusang pagngiti niya. She's special to him! At tila kay saya nang puso niya sa tatlong salita na iyon.

Lumayo man sa kaniya si Grendle, nanatili pa rin itong nakayakap sa bewang niya. Pagkuwa'y ipinatong muli ang ulo sa balikat niya.

Time stood still as she drive his motorcycle. Tila napakagaan ng pakiramdam niya ngayon. Ni hindi na nga niya mapagtuunan ng pansin ang curfew niya sa bahay nila.

Hindi na niya namalayang nakarating na pala sila sa bahay nina Grendle.

Naabutan nilang naghihintay si Tito Raf, daddy ni Grendle, sa terrace.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon