CHAPTER THREE
"ANO?" hindi makapaniwalang bulalas ni Donita.
"You heard it right. Gagawin mo ang mga projects ko," kampante namang sagot ni Grendle.
Dinalaw niya ang lalaki kinabukasan upang alamin ang kalagayan nito.
"At bakit ko naman gagawin iyon, ha?" nandidilat na singhal niya dito.
"Tingin mo, makakapasok ako sa school ng ganito ang kalagayan?"
"Para namang pumapasok ka!"
"Kasalanan mo kaya ako nakahiga dito at kailangan pang magwheelchair. Hindi ikaw ang sumagot ng gastos ko sa ospital kaya it's the least thing you can do. Pagsilbihan mo ako hanggang sa gumaling ako. Kailangan mong mapagbayaran ang ginawa mo sa akin."
Ang kapal ng mukha ng lalaking ito!
"Kahapon pa ako nagsosorry, ah! Bingi ka ba? Ano'ng gusto mo, lumuhod pa ako?"
"It's not enough. Saka mapapagaling ba ng sorry mo ang pilay ko pati ang bukol sa ulo? Sumakit din ang katawan ko ah."
Napakagaling talagang magpaguilty!
"Pero unfair naman yata na kailangan pa kitang pagsilbihan at gawin ang mga projects mo. Busy din ako sa pag-aaral ko, ano!"
Napasimangot ito. "Idedemanda kita kapag tumanggi ka sa kondisyon ko."
"You can't do that!" gulat na bulalas niya.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito.
"Gusto mo akong i-try? May witness and evidence na ako."
Napangiwi siya. Kitang kita nga ang ebidensya sa kalagayan nito ngayon at marami ding nakakita sa pangyayari.
"Aksidente lang iyon!"
"Accident, whatever. Idedemanda pa din kita."
"At ano namang kaso, aber?"
"Frustrated homicide."
At talagang...! Kung nakamamatay lang ang tingin ay kanina pa ito nasa morge.
Batid niyang mayaman ang pamilya nito. Kayang bumayad ng magaling na abogadong kayang kaya nga siyang ipatapon sa kulungan.
Bwisit! Simula yata ng magkabreak sila ni Gerald ay puro kamalasan na ang inabot niya!
Isa pa ang hinayupak na lalaking iyon! Nakita niya ito kaninang umaga habang kasama ang babaeng ipinalit sa kanya. Gustong-gusto niya iyong batuhin ng bomba dangan nga lang at wala siyang mahagilap kanina.
Parang gusto niya tuloy sundin ang sulsol ni Irene na bigwasan muna ang magaling na ex bago magmove on. Pinigil niya lang ang sarili. Mas lalo lang siyang magmumukhang sore loser.
"Ano, tatanggapin mo ba ang kondisyon ko o kailangan pa kitang idemanda?" untag nito sa kanya.
"Pag-iisipan ko."
"Okay, tatawagan ko na ngayon si attorney para matulungan akong mag-file ng case against you." Kinuha nito ang cellphone nito at akmang nagda-dial.
"Sandali!" Inagaw niya dito ang cellphone nito. Pero mabilis nito iyong naiiwas.
"Ano?"
"Fine! Payag na ako!" gigil na asik niya dito.
Matagumpay naman itong napangiti.
Hambog! Kung hindi ko lang inaamin na ako ang may kasalanan, nuncang sumunod ako sa 'yo!
"IKAW si Donita, hindi ba?"
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...