CHAPTER THIRTY
"This is wrong but I can't help but feel like
There ain't nothing more right, babe
Misty morning comes again and I can't
Help but wish I could see your face."
Hindi niya inaalis ang mata sa gawi ni Grendle. Nagbabakasakali siyang titingin din ito sa kanya.
'This song is for you, Grendle. Please, tumingin ka naman...'
"And I knew from the first note played
I'd be breaking all my rules to see you
You smile that beautiful smile
And all the girls on the front row scream your name."
Namimiss na niya si Grendle. Ang ngiti nito, ang tawa, ang mga titig nito sa kanya, ang pangungulit nito, ang pamimilosopo, ang lahat-lahat dito.
Bakit ngayon ay tila wala nang pag-asang bumalik pa ang dating Grendle na nakilala niya?
Nakita niyang tumayo ito. Akmang aalis doon pero pinigilan nina Aser at Clyde. Napaupo itong muli sa bleacher.
"So dim that spotlight
Tell me things like I can't take my eyes off of you
I'm no one special just another wide-eyed girl
Who's desprately in love with you
Give me your photograph to hang on my wall
Superstar..."
Hayan, siguro naman naiparating na niya na mahal niya ito.
Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha. Pasimpleng pinahid niya iyon.
Tumalikod si Grendle sa stage. Sinapo nito ang ulo. Mukha talagang ayaw siyang makita.
Dobleng sakit ang naramdaman niya sa ginawa nito.
"Goodmorning loneliness comes around when I'm not
Dreaming about you
When my world wakes up today
You'll be in another town.
"And I knew from when I saw your face I'd be
Counting down the ways to see you
And you smile that beautiful smile and all the girls and the front row
Scream your name..."
Hindi na niya napigilan ang sunud-sunod na pagtulo ng luha niya.
Alam niyang para na siyang ewan nito. Hindi na niya rin alam kung nasa tono pa siya. Mabuti na lang at sinabayan siya ni Krizhia.
"So dim that spotlight
Tell me things like I can't take my eyes off of you
I'm no one special just another wide-eyed girl
Who's desprately in love with you
Give me your photograph to hang on my wall
Superstar..."
Tumingin siya kay Krizhia. Ayaw na niyang ituloy ang kanta. Tila balewala naman iyon kay Grendle. Ni hindi ito tumingin sa kanya.
Isa pa ay hindi na niya kayang pigilin ang mga luhang ito na kahit ano'ng pigil niya ay ayaw pa rin paawat sa paglaglag.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Teen FictionBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...