CHAPTER TWO

8.1K 202 1
                                    

NAPAKUNOT ANG noo ni Donita nang makita ang mga myembro ng The Rebel Slam.

Ano'ng ginagawa ng mga ito dito?

Ah, hello, Donita, math park kaya ito. Open po ito sa lahat, anang kontrabidang tinig sa utak niya.

"H-hi, Grendle!" Tila naman naging maamong tupa ang tatlong babae nang humarap ito sa binatilyo.

"Bakit niyo binabanggit ang pangalan ko?" kunot-noong tanong nito. "I hate it when people were talking about me behind my back."

"K-kasi nabalitaan naming binunggo ka daw ng babaeng iyan noong isang gabi," turo sa kanya ng isa sa mga ito.

"Oo nga. Nasaktan ka ba? Saan ang masakit?"

"Gusto mo gamutin kita? Nagpaturo ako kay mommy kung paano manggamot."

"Ano naman ngayon kung binangga niya ako at nasaktan ako? Ano'ng pakialam niyo doon?"

Antipatiko ang lalaking ito! Naiinis man siya sa tatlong babae, naawa pa din siya sa mga ito dahil sa ipinakitang kaantipatikuhan ng lalaki. Ano'ng akala niya sa sarili niya?

"Eh, Grendle..."

"Umalis na kayo dito. Nakakaharang kayo sa daan."

"Oo nga. At ang iingay niyo pa," sabat pa ni Kyle.

"Hey, 'wag naman kayong ganyan sa mga girls. Mga miss, ako na lang pagkaguluhan ninyo."

"Hayan ka na naman Clyde," naiiling na sabi ni Aser. Bumaling ito sa mga babae. "Pasensya na kayo mga miss, pero may punto si Grendle at Kyle. Medyo nakakaabala nga kayo sa mga dumadaan."

Binigyan ng tatlong mga babae ng masamang tingin sina Kyle, Clyde at Aser. Mukhang loyal fans ang mga ito ni Grendle.

"Sige, Grendle. Congrats nga pala sa pagkakapanalo niyo sa battle of the bands."

"Ang galing nyo talaga!"

"The best!"

"Umalis na kayo," pagtataboy ni Grendle sa mga ito.

Nagtaka siya. Bakit nakangiti pa din ang tatlong babaeng ito na akala mo'y pinuri ni Grendle?

"Sabi mo, eh. Bye!"

Umirap ang mga ito sa kanya bago tuluyang magsialis.

"Mukhang inaway ka ng mga iyon, ah, Donita."

Hindi niya pinansin si Aser. Bumaling agad siya kay Grendle.

Napansin niyang lahat ng tao doon ay sa kanila nakatingin. Hindi siya sanay ng pinagtitinginan siya. Hindi tuloy niya nadiretso ang tanong kay Grendle kung totoo nga ang sinasabi ng mga kaibigan nito.

"Pwede ba kitang makausap?" mahinang sabi niya rito.

"Right now, hindi. I-excuse mo ako mamaya sa klase ko kung gusto mo akong makausap." Iyon lang at binirahan na siya nito ng layas.

"Sandali! Hoy!" Subalit hindi na ito lumingon pa. "Antipatiko talaga!"

"Siya ba 'yung Donita na sinasabi niyo?" narinig niyang tanong ni Kyle.

"Oo siya nga, 'tol." Lumipat si Clyde sa tabi niya at inakbayan siya. "Ang cute niya, ano?"

"Pangit siya." At katulad ni Grendle, binirahan din sila ng alis nito pagkasabi niyon.

"Ano 'ka mo?" Batid niyang namula siya sa galit, pero hindi na niya ito nahabol pa ng sampal, suntok o mura dahil nawala na ito kaagad sa paningin niya. Naiwan siyang nanggagalaite sa galit.

THE REBEL SLAM 1: GRENDLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon