CHAPTER SIXTEEN
"DONITA!!!"
Napalingon siya sa palapit na si Irene. Umaga noon at kasalukuyan siyang naglalakad papasok ng campus.
"O, Irene. Buti nakita kita. May ikukwento ako sa'yo."
Sisiraan niya nang talaga si Aser dito. Ayaw niya yatang mabaliw ang matalik na kaibigan sa lalaking iyon.
Subalit tila walang pakialam si Irene sa sasabihin niya. Hangos na lumapit ito sa kanya.
"Ako muna ang magkukwento..." may excitement na sabi nito.
"Ano ba iyon? At parang ligalig na ligalig ka diyan?" 'At para makapagkwento na rin ako.'
Sa gulat niya ay hinampas siya nito sa balikat.
"Aray! Ano ba'ng--"
"You, ha? Bakit hindi mo sinabing kayo na pala ni Grendle?"
Napakunot noo siya sabay napataas ang isang kilay.
Bakit pati ito ay alam ang tungkol doon? Sa pagkakaalam niya ay sa mga kaibigan, kay tito Raf, at sa pamilya lang niya pinagngalandakan ni Grendle na girlfriend siya nito. Isa pa'y trip-trip lang nito iyon. Naburyong sa buhay kaya napagtripan siya.
"Bakit mo alam?" di mapigilang sabi niya.
Tumili naman ito. "Totoo nga! Kayo na ni Grendle!"
"Hoy!" hindi niya alam kung paano tatakpan ang bibig nito. "Baka may makarinig. Walang katotohanan iyan!"
Pero parang hindi siya nito narinig.
"I'm so happy for you, Donita. Mas gwapo ng di hamak si Grendle kesa sa ex mo. Hindi dapat pinag-aaksayahan ng panahong iyakan ang mga gagong katulad niyon--"
"Teka nga, Irene! Sabi ko nang hindi totoo iyan eh."
"Asus! Wag nang ideny. Naiintindihan kita. Nakakainlove naman talaga ang mga myembro ng Rebel Slam. Lalo na si Aser..." Tumingin pa ito sa itaas na parang nangangarap.
"Batukan kaya kita diyan para matauhan ka?" inis na sabi niya dito. Tumigil na siya sa paglalakad at hinarap ito. "Saan mo ba napulot ang tsismis na iyan?"
"Dyan sa tabi-tabi. Iyan ang pinag-uusapan mula pa kanina dito. Mukhang bagung-bagong headline sa campus natin. Napakadami ngang babae na nagsisiiyakan ngayon eh. Well, hindi ko naman sila masisisi. Tiyak na iiyak din ako ng bonggang bongga kapag nalaman kong may girlfriend na si Aser. Baka nga magpatiwakal pa ako eh---aray!"
Binatukan na niya ito. Nababaliw na talaga ito dahil sa Aser na iyon.
"Ano'ng magpapatiwakal ka diyan? Para lang sa isang lalaki?" Maya-maya'y problemadong napasimangot siya. So, alam na pala dito sa school ang ginawang kwento ni Grendle tungkol sa kanila? At sino kayang herodes ang nagpakalat niyon dito? Mauumbag niya ng di oras kapag nalaman niyakung sino!
At tungkol naman kay Grendle, parang gusto niya ulit itong batukan. Oo, may munting kilig siyang nararamdaman sa tuwing sumasagi sa isip ang pagtawag nito sa kanya ng 'girlfriend', ang pagsasabi nitong girlfriend siya nito sa harap ng dad nito at ng pamilya niya, ang sweetness nito na may halong kahambugan...
Munting kilig? Baka ang gusto niyang sabihin ay bonggang kilig na halos ikapula pa ng mga pisngi niya?
Naipilig niya ang ulo.
Hindi ito ang tamang oras para alalahanin iyon. Mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang mga babaeng ito na palapit sa kanila ni Irene. Nakilala niyang ilan lang ang mga ito sa mga die-hard fans ng Rebel Slam, partikular ni Grendle. Kita sa mukha ng mga ito ang galit.
BINABASA MO ANG
THE REBEL SLAM 1: GRENDLE
Fiksi RemajaBroken hearted si Donita nang aksidenteng mabunggo niya ang bokalista ng bandang pinakapinag uusapan sa campus nila, si Grendle ng The Rebel Slam band. Hindi na sana niya iyon pagtutuunan ng pansin subalit hindi pala doon nagtatapos ang mga enkwentr...